Sam's POV
Pagpasok ko ng kotse nya, sumalubong sakin agad yung background music sa stereo. sakto lang ang lakas, para kang hinehele.
And even if the sun refused to shine
even if romance ran out of rhyme
you would still have my heart
until the end of time
you're all i need my love, my valentine
"mahilig ka pala sa love songs?" aliw na tanong ko kay ica habang sinusuot ang seatbelt. romantic sya kung gano'n.
nakatuon ang tingin nya sa harap. "relaxing eh."
All of my life
i have been waiting for
all you give to me
you've opened my eyes
and shown me how to love unselfishly
I've dreamed of this a thousand times before
in my dreams i couldn't love you more
i will give you my heart
until the end of time
you're all i need my love, my valentine
I'm with her.
sinong mag-aakala? ang tagal ko na 'tong ini-imagine. napangiti ako. tahimik kami sa byahe pero hindi awkward. well, atleast not for me. i'm like, this is a dream come true.
dinaldal ko sya ng dinaldal. nag-ask ako ng favorite author nya, genre ng book, perspective in life. yung mga sagutan nya one liner. madalas titig lang. ok na rin. ang mahalaga unti-unti akong nakakapasok.
'yun talaga ang goal.
"bakit hindi ka naniniwala sa love?"
naka-stoplight for 60 seconds kaya tumingin sya sakin.
actually, nakatingin kami sa isa't-isa.
lumipas ang 30 seconds, wala pa rin syang sagot. hinayaan ko na. una akong umiwas ng tingin. baka maninghal na naman ang ice queen eh.
so, kung sabihin kong mahal ko sya hindi sya maniniwala?
---
Nakarating kami sa condo ko, after mahigit isang oras na byahe.
"feel at home." sabi ko pagbukas ko sa pinto—binuksan ko rin ang mga dimmer tsaka floor lamp sa living. di ako fan ng 6500k lights, sensitive mga mata ko. "sorry, wala pang sofa tsaka dining set. recent lang ako nag-move in. ok ka lang sa lapag?"
tumango sya, tipid. "yeah, hindi ako maselan."
"sa food lang talaga?"
naupo sya do'n sa bean bag sa may corner. ako naman nag-check ng stocks sa fridge at pantry ng pwede ko lutuin.
ok, kailangan ko galingan.
malay ko ba, baka trial ko 'to para maging asawa nya diba?
"saan ka natuto magluto?"
dahan-dahan akong lumingon kay ica. really, tinatanong nya ako? interested na ba sya sakin nyan?
ngumiti ako. "ah, kay mommy. sabi nya pag meron na akong nagugustuhan ipagluto ko lang daw."
"tsk! bumabanat pa. di nalang sumagot ng maayos." sabi nya, kunware iritable.
tumawa ko. "hindi ba effective?"
"hindi, ang korni mo."
"siguro. pero atleast, totoo ako sa'yo..."
buntong-hininga lang ang narinig ko sakanya.
nang sulyapan ko sya, pinapanuod nya ang pagkilos ko kaya medyo na-conscious ako. tsaka ang init naman yata? in-adjust ko yung AC.
"you ok there? di ka ba nabo-boring?" sa totoo lang, nagsisimula na ko mailang. feel kong pinagmamasdan nya ako. ano kayang iniisip nya sakin?
"yes, i'm okay."
"palit lang akong shirt ha?" paalam ko, hindi na ko tumingin sakanya. dumiretso ako ng room.
oh my gosh, samantha calm down!
---
"Do you like our food?" naupo ako sa katabing stool.
Nagluto ako ng garlic pasta at chicken stir-fry with broccoli. tapos lemon water. well, alam ko kase health conscious sya.
"yeah, i like it."
"pwede mo na ko asawahin?" sabi ko, nakatitig sakanya. pero dinugtungan ko agad nung natigilan sya. "joke lang, relax."
"not funny."
"masarap?" tanong ko pa. tumango naman sya kaya lumawak ang ngiti ko. "pwede na ba 'to ma-consider as a date?"
"sam," may warning sa tono ng boses nya pero walang conviction. tumingin sya sakin, diretso sa mga mata ko. "let's just eat, okay?"
"ok."
This must be the start of something right?
"i'm wondering, do you look like your mother?"
"yes." tango nya. "pag magkasama kami, ang daming nagsasabi para daw kaming pinagbiyak na bunga."
umusog ako palapit sakanya. hindi nagkaka-banggaan ang mga braso namin, pero sapat para maramdaman kong parang may kuryente.
"so, what's your plan after graduation?"
hindi sya agad nakakibo, saglit na nag-isip. "focus sa career."
right. oo nga naman. ako din kase, focus sa pangarap ko—sya. "sana dito ka lang malapit, para madali kita maligawan."
kumunot-noo sya, naka-side eye. "pumayag ba ko?"
natawa na lang ako. classic mataray angelica. pero she's a bit different today, nakita ko 'yon.—yung hesitation, yung way ng pagtitig niya sakin pag di ako nakatingin, yung parang kinakalaban nya ang sarili.
lahat yon, kita ko sa body language nya.
at kahit di nya aminin, ito na ang first date namin.
---
Marami akong chances at opportunity na pinalampas sa buhay ko.
pero not this one...
no.
hindi ko sasayangin 'to. nandito na, ito na 'yon eh. kailangan ko lang ng konti pang courage.
"dito ka na mag-stay." casual ang boses ko, pinilit ko. not my breathing though. pero atleast normal ang itsura ko.
si ica, hindi. puno ng paghihinala ang tingin nya saken. bakit ba sya ganyan?
tinuro ko ang wall clock. "gabi na, hindi kita hahayaan umalis. swear, kahit pa humiga ako sa hood ng kotse mo. tsaka pagod ka na diba?" i tried to explain the logical and most convincing reason.
discreet lang dapat sa agenda.
"come on, stay the night." sabi ko pa nung tumayo sya. think samantha! bumuntong-hininga ako. "ba't ba ayaw mo? hindi naman kita..."
tumitig sya sakin.
tinagilid ang ulo.
like, sa mga cute na dog na pini-figure out nila yung sinasabi ng furparents nila ganon?
napangiti tuloy ako. ano ba 'yan! "Jesus Christ, angelica. we're friends. we're adult. matutulog lang tayo."
parang 'yung sarili ko ang mas dapat kong kumbinsihin.
umiinit ang pisngi ko pati batok...
ano ba 'to?
"you sound defensive." sabi nya. nag-crossed arm, salubong ang kilay. "meron ka atang balak eh."
humagikgik ako. she's right. what? sumeryoso ako, umiling. "ayoko lang mapano ka sa daan. don't act like it's a bad thing. sleepover is normal, ok? gosh."
pumunta ako ng room para kunin yung extra mattress, comforter at pillows.
ok, this is it sam.
do it!
----
A/N
Quiz:
Ano'ng gagawin ni sam? (bawal ang tamang sagot)
BINABASA MO ANG
Uncrush (GxG)
Romance"Sabi nila the hardest one to love is the one who needs it the most." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal-may moniker na campus ice queen. But she's not your typical college student na papasang bully. No, she's far from that. ...
