Chapter 15

2.6K 81 5
                                        

Ica's POV

"Kaloka talaga bes! ang weird ng atmosphere ngayon sa buong campus." daldal ng bespren ko malayo pa lang.

nag-indian seat sya sa tabi ko, sa marbled flooring ng study hall. yes, hindi sa library at lalong hindi sa cafeteria—i know naman, pagtsi-tsismisan lang ako dun.

konting tiis na lang.

sinandal ko ang ulo ko sa pader at pumikit.

himala ata na hindi siya nangungulit sakin? i'm talking about... sam.

"nag-usap na ba kayo?"

"hindi pa." ang bilis ng sagot ko, nagulat ako sa sarili ko kaya dumilat ako. tapos tumingin kay nicole. "hindi ba kayo nagkita sa cafeteria?"

nag-isip si nicole. "bes, si andriah yung tinutukoy ko ah."

oh.

patay-malisya ako. "lagi naman kami nag-uusap. ba't mo tinatanong? kala ko ba ayaw mo dun sa tao?"

lumabi si nicole. "eh kung sya gusto mo, may magagawa ba ko? support na lang kita kahit mali-mali mga decisions mo sa buhay."

ano daw? mali-mali?

napikon ako. "tsk! isa ha? naka-probation ako, hindi kita masasakal."

tinawanan nya ako, sabay sumandal na din sa pader. "pa'no si... sam? ano, wala lang ba talaga sya sayo?"

hindi ko alam.

hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam. naguguluhan ako. honestly, ayoko sa kanya dahil sa mga pinaparamdam nya sakin—inis, lito, balisa, tuliro, kahangalan, takot. lahat, sama-sama. at sya lang ang nakakagawa no'n.

not even andriah.

ano bang ibig sabibin nito?

binangga ako ni nicole sa braso. "di ka na sumagot, bes?"

huminga ako. "i don't know, okay? wag ka na mag-usisa."

"hindi mo alam pero handa ka ipagtanggol sya sa bumabastos sakanya? ibang level na ng denial yan, bes."

"kung ikaw ang binastos, ganon din gagawin ko."

"hindi kaya."

lumipad ang mata ko sakanya. "ano'ng hindi ka dyan?" singhal ko. "kahit sino pang nasa sitwasyon na yon, ipagtatanggol ko."

umiling si nicole. "hindi talaga bes."

Tsh!

gusto ata ng bespren ko hindi na ko maka-graduate. nagsisimula ng kumulo ang dugo ko eh.

nanggalaiti ako. "ganon nga gagawin ko."

"kilala kita. hindi mo yon gagawin kung hindi importante sayo yung tao. my gosh! bes, ang tagal na natin magkasama. do you think, di ko pa basa body language mo?"

Damn right.

di na ko sumagot. baka may masabi pa ako na bigyan na naman nya ng meaning.

gusto ko muna ipahinga isip ko...

"bes, question. kay andy ba bumibilis tibok ng puso mo?"

kaso ang ingay ni nicole.

nag-crossed arm ako, tinuon ang tingin sa kabilang pader. actually hindi ko kailangan pag-isipan ang sagot, sadyang naiilang lang ako.

"nope. normal lang."

kita ko sa peripheral vision ko kung paano napanganga ang bespren ko. "OMG! sabi na eh... wala diba? kumbaga, para gaya lang din saken? tama ba ko bes?"

Uncrush (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon