Sam's POV
"It's a condition where a person experiences excessive, vivid, and often immersive daydreams that interfere with their daily functioning. in recent studies, people may engage in maladaptive daydreaming as a response to depression, anxiety or trauma. unlike typical daydreaming, which is brief and not disruptive, maladaptive daydreaming becomes a coping mechanism to escape reality."
"ibig sabihin po doc, hindi baliw si ate diba?"
nagkatinginan kami ni Mr. Ford—mukhang nahiya ito. nginitian ko si nuriko. "no, hija. that's not the appropriate term."
"so what do we do next, doc? medication?" tanong sakin ni Mr. Ford.
"therapy muna." sagot ko. "regular sessions, initially twice a week. we'll map out her triggers, build healthier coping strategies. if needed, later we can consult a psychiatrist for meds. but for now, interventions through counseling should help."
"question po," si nuriko ulit. "paano ko sya kakausapin without making her defensive?"
"start small. hindi kailangan pilitin. simple check-ins. 'how was your day?', 'did something bother you today?'. avoid labeling it as a problem in front of her. the goal is for her to feel understood, not cornered."
tumango-tango ito, mine-memorized ang kada word na sabihin ko.
"thank you po, doc." sabi pa ni nuriko, may malungkot na ngiti sa labi. "ayoko na po kase... nakikitang ganon si ate."
ngumiti ako, binalingan si Mr. Ford. "let's start with next week, tuesday. same time. i'll want her present for the session."
"yes, doc."
Mabilis natapos ang meeting ko sa family ng patient, pero 'yun naman ang bagal ng takbo ng oras para sakin...
inayos ko ang mga papel sa ibabaw ng desk.
paglabas ko ng office, nabasa ko ang simpleng nameplate sa pintuan at bahagyang napangiti.
Dr. Samantha Dela Cruz, RPsy—clinical psychologist
***
Pagbukas ko ng pinto, ang liwanag. at hindi na 'ko nagulat. dalawang tao lang naman ang may spare key dito sa condo.
it's either era or nicole.
malas ko kung both silang nandito. that can only mean, chaos.
"uy, sam..." si nicole, kalalabas lang ng CR. "andito kana pala, di kita narinig pumasok." mukhang ito pa ang nagulat na makita ako. like, seriously?
"kanina ka pa?" hinagis ko sa couch ang shoulder bag ko, tsaka dumiretso sa room para magbihis.
"mga one hour na." sagot nito mula sa labas. "by the way, ano gusto mong ulam? magluluto ako."
"di ako gutom."
tumahimik sandali.
then maya-maya, nakasilip na si nicole. "no, sam. kakain tayo. hindi 'yon request."
napatunganga ako habang inaalis ang bra ko. right, as if meron akong magagawa. batas yan si nicole and si era sulsol.
for the past two years, ganto ang dynamic namin. sanay na dapat ako.
pero kahit anong gawin ko, gutom man ako o busog. pagod at puyat, it'll always comes back to one thing...
her.
"Hindi na sya babalik."
nag-iwas ako ng mukha. ewan ko, hindi ko lang kayang harapin yung fact na 'yon hanggang ngayon.
two years na ang lumipas pero sariwa pa rin sakin lahat.
two years na pero tuwing uuwi ako, naaamoy ko pa rin yung perfume nya na naiwan dito. kahit anong linis gawin ko, o ni nicole at era, hindi 'yon nawawala.
two years na pero nakikita ko pa rin syang nakaupo sa stool, nakapangalumbaba. pinapanuod ako. paano ko magagawang pumuwesto ulit do'n sa kitchen knowing na wala namang kakain ng niluto ko?
Naupo si nicole sa tabi ko, kinulong ang mukha ko sa mga kamay. "sam, i hate seeing you like this." nag-crack ang boses nito, sunod-sunod na pumatak ang luha. "tama na, ha? sige na naman. ano ba, gusto mo mag-move in pa ko dito para lang bantayan ka? kasi gagawin ko yun, i swear."
di ko alam kung matatawa ba o ano. sobra akong na-touched. sa huli, sumubsob ako sa leeg n'ya at kumuha ng comfort.
hindi ko na 'to magawa kay mommy, kakahiya na. imagine, twenty-four na ako tapos nagsusumbong pa?
"what's that? what's happening?" sumulpot bigla si era.
napahiwalay kami ni nicole sa isa't-isa.
pagtingin ko, nakalapit na s'ya samin. siniksik ang sarili nya sa gitna. "hey, why are you hugging my bestfriend?"
here we go.
ngumisi si nicole. "era, kung gusto mo din ng yakap ko, just ask."
"hon, if you want to taste me, just ask." nakangisi ding balik ni era. of course, she's the queen of tease. isang tao lang ang kilala kong immune sakanya—si prof. jade, na until now hinahabol nya pa rin.
see? bff talaga kami. baliw sa pag-ibig.
ang bilis nabura ng ngisi nito. "a-ano ba! sam oh..." lumipat sa side ko si nicole, yumakap sa braso ko.
ako na ang nasa gitna nila.
"told you nic, wag mo ko simulan. papatulan talaga kita." asar pa ni era.
umismid si nicole. "lakas mo, eh pa'no pala si professor avila?"
"wala pa akong karapatan sakanya. so, pwede pa tumikim ng iba."
Gosh!
tinaas ko ang dalawang kamay ko. "alright, you two, stop it. nai-stress lang ako lalo sa asaran n'yo eh."
"ito kaseng bestfriend mo, ang harot."
"atleast ako maharot lang, yung bespren mo nga ghoster."
sabay silang napatitig sakin.
"kumain na tayo." mariing sabi ko sakanila. "tapos punta tayong pride, gusto ko uminom."
Nagulat ako nang mag-apir yung dalawa. puro inom, magkasundo ayaw?
***
"Sa'king pag-iisa..." unang stanza pa lang, nag-crack na boses ko. tangina. "alaala ka. bakit hanggang ngayon ay ikaw pa rin sinta." pumikit ako. di ko na kailangan tumingin sa videoke, kabisado ko na 'to si mareng kyla. "pag sa hatinggabi, sa pagtulog mo... hanap mo ba ako hanggang sa paggising mo. kailanman ika'y inibig ng tunay...–" nanginginig ang boses na kanta ko, tapos naiyak na ng tuluyan.
Tangina, may chorus pa.
"h'wag mong limutin..." napatigil ako, napahawak sa dibdib. ang sakit-sakit, parang pinipiga. habol ko na ang hininga ko.
pag-ibig sa'kin
na iyong pinadama
pintig ng puso wag mong itago
sa isang kahapon sana'y magbalik
nang mapawi ang pagluha
"ba't hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang mahal..." di ko na kinaya, napahagulgol ako.
di makapaniwala
sa nagawa mong paglisan
o kay bilis namang nawala ka sa akin
o ang larawan mo
kahit sandali
aking minamasdan para bang kapiling ka
"sige, sis labas mo lang yan." hinagod ni nicole ang likod ko, sabay narinig ko s'yang suminghot. "andito lang ako... di kita iiwan."
"hey, i'm also here." si era, medyo malayo yung boses. "di ko din iiwanan si sam 'no."
"OMG! era. pwede, timeout muna? feeling mo lagi mo akong kakumpitensya."
Tumahimik.
di ko sila nakikita, nakayuko ako. di ko alam ano nangyayari. basta, lasing na ako. pagod, hirap, sawa na.
ayoko na.
"tanginang 'yan," nag-angat ako ng ulo. "ni hindi sya naging akin..." umiiyak na sabi ko, may kasama pang sinok. "pero grabe yung sakit. sob-sobrang... u-unfair."
"hay," niyakap ako ni nicole. "sis, di ko alam ano sasabihin para gumaan loob mo." umiiyak na rin pala ito.
she's always been a good friend to me. lalo tuloy ako napahikbi.
iyakan kaming dalawa...
Life sucks. i chased the woman i love for four years only to get left behind. di ko alam ano'ng mali ko o kung may hindi ba ako nagawa.
anong kulang sakin? mahirap ba akong mahalin?
hindi ko s'ya makalimutan.
hindi ko kaya.
---
A/N
okay, samantha. first things first, maganda ka. sa panloob at panlabas.
second, kalimutan mo na sya—ayaw natin sa taong hindi sigurado.
wag na wag kayo manghihinayang bitawan yung mga taong maraming alinlangan. yung hindi alam kung anong gusto, walang plano para sainyo.
wag nyo na hintaying maubos kayo...
pagod na si ate kyla!
BINABASA MO ANG
Uncrush (GxG)
Romance"Sabi nila the hardest one to love is the one who needs it the most." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal-may moniker na campus ice queen. but she's not your typical college student na papasang bully. no, she's far from that. ...
