Ica's POV
Pagkaparada ko sa kotse, inalis ko agad ang seatbelt. baka maisipan ulit ni sam tulungan ako eh.
habang naglalakad kami, nagtitinginan lahat. students, staff, even professors.
bumusangot ako. ano ba kaseng napapala nila sa pag-usisa sa buhay ng iba? pwede naman tumingin na lang ba't kailangan meron pa kasamang bulungan?
"so, ano free ka later?"
huminto ako sa paglalakad, nilingon sya-she's been my constant headache. kasalanan nya kung bakit ako napuyat.
almost three years na akong puyat dahil sakanya, actually.
kasalanan nya lahat 'to...
pati ng kamay nyang nakakapit ngayon sa braso ko.
"tsk," marahas kong inalis 'yon. "panay ka tsansing sakin ah. nung sinabi ko namang halikan mo ko, di mo magawa."
nag-lipbite sya, pigil ang ngiti. "gusto mo ba talaga? may alam akong place dito-"
"hay! talaga naman..." inis na tumalikod ako at lumakad ng mabilis. sumasakit ang batok ko. ramdam kong sumunod sya kaya mas binilisan ko pa.
maiksi ang legs nya, mahihirapan syang makahabol.
"baby, wait lang."
WHAT?
huminto ako bigla, pumihit paharap. "anong sabi mo?!" sigaw ko, nagulat kase ako-sa sinabi nya at sa naging reaction ng puso ko.
napatitig sya sakin, natigilan. parang nagulat din ata sya sa sinabi nya o sakin mismo. fuck! i don't know. okay?
after ilang seconds, kumurap-kurap si sam. pero walang lumabas na salita sakanya kaya nakonsensya tuloy ako.
"sorry," mahinang sabi ko. "nagulat lang ako. i-ikaw kasi eh..." nilapitan ko sya kaso di ko alam anong gagawin.
hahawakan ko ba?
aaluin?
teary-eyed sya, naka-pout pa ng bahagya. "wag mo na ko sinisigawan..."
what was that?
what is she doing?
di ko ba alam, naawa ako. "oo na, hindi na." tango ko. "wag ka kasi... n-nagsasalita ng mga bagay na..." humugot ako ng hininga.
bakit ba ko nauutal? at bakit ganto ang pakikitungo ko sakanya? kahapon pa ko wala sa sarili.
WHAT'S HAPPENING TO ME?
hindi ko na tinapos sasabihin ko. bahala na lang syang i-figure out.
i need my bespren!
"mamaya na lang." huling sabi ko bago umalis.
hindi ko na kinakaya.
***
Ang lakas ng tili ni nicole, meron pa kasamang talon. well, ni-share ko lang naman sa kanya na nag-overnight ako sa condo ni sam, at sabay kami pumasok.
napapailing ako...
para akong na-hypnotized.
frustrated na napasuklay ako sa buhok ko. "di ko alam ano nangyare. basta... ayon, sumama ko sa condo nya tas nag-dinner kami."
excited syang bumalik sa upuan. "ano next nangyare sainyo, bes?"
kunot-noo ako. nakakahinala yung spark sa mga mata ng bespren ko. "natulog na kami after nya ko latagan."
"weh, yun lang?"
pinitik ko ang malapad nyang noo. "malisyosa mo."
"aray ko bes, putcha ka." reklamo nya, hinampas ako sa braso. "malisyosa agad? di ba pwedeng curious lang? ikaw kaya 'tong nag-iisip ng kung ano dyan. tatanong lang eh."
BINABASA MO ANG
Uncrush (GxG)
Romance"Sabi nila the hardest one to love is the one who needs it the most." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal-may moniker na campus ice queen. But she's not your typical college student na papasang bully. No, she's far from that. ...
