Chapter 2

46 3 0
                                    

Kinabukasan ay nagpasama agad si Ann sa kaibigan para gumawa ng resume. Dahil nasa ibaba lang naman ang computer shop ay hndi sya nahirapan sa mga kakailanganin para mag umpisang maghanap ng trabaho.
Pero parang hindi panig sa kanya ang panahon at hindi ito nkikiayon dahil buwan na sya sa Maynila ay hindi padin sya matanggap tanggap sa mga ina applyan.

    "Ganito pala kahirap humanap ng trabaho dito sa Maynila, lalo pag galing kang probinsya. MAdalas akong ma reject, siguro dahil kahit nagkolehiyo ako di ko padin ito natapos at hindi din kilala dito sa syudad ang paaralang pinasukan ko nuh best???? Malungkot nyang sabi sa kaibigang si Lissa ng hapong kakauwi nya lang galing pag iikot para humanap ng trabaho.

     "Naku best sinabi mo pa, mahirap talaga ang buhay dito lalo kapag wala kang tiwala sa sarili mo na makakahanap ka ng trabaho yun ang mas lalong mahirap ang agad sumuko sa paghahanap. Hindi ka kasi mabubuhay dito kapag petiks lang" ..

      "Sa tingin mo may tatanggap kaya sakin? Lalo may anak naku madalas kasi dalaga din ang hinanap ng inaapplyan ko. Mahirap daw ang may anak at nkakasagabal sa trabaho... nahihiya naku kina Papa kasi ilang buwan naku dito dipa din ako nakakahanap ng matinong trabaho tsaka lalo nadin sa inyo"...

       "Sows!!! Ang drama naman pitikin ko yang noo mo eh!! Alam mo best walang imposible samahan mo lagi ng dasal ang lahat sigurado makakahanap  kadin"...

         "Sana nga best...hays.,"lalo pang lumungkot ang boses na saad ni Ann.

         "Ay!!! Wait!!! Natitilihang pakli ng kaibigan nya..."bat di mo subukan dyan oh sa SM Cinema dati din ako jan eh..alam ko priority nila yung mga single mom or family oriented na empleyado tulad mo...maganda jan.."

        "Eh bat dika na dun nagwowork kung maganda dun?? Tanung nya.

        "Wala lang di ko lang talaga siguro passion dun..maganda din sana eh pero kelangan din ni ate ng hahawak sa computer shop diba alam mu naman IT grad. Ako kaya mas magagamit ko dun pinag aralan ko..."

        "Arte naman may passion2x kapang nalalaman jan..sayang din yun ah!..basta ako pag na hire ako gagawin ko lahat para maregular,mamahalin ko yung trabahong ibibigay nila sakin..basta ayos ang sahod carry lang.. Minsan nga naiisip ko nalang magdancer sa Pasay eh..Pag napapadaan ako dun, pra may maipadala kina Mama urgent hiring pa naman sila"...hopeless na sabi nya kay Lissa.

     "Ay pucha! Baliw kana ba?!!! Ganyan ka kadesperada??? Sampalin pa kita jan eh!!! Isang Ann Netsif valedictorian since elementary at highschool???? Matalino at hmmmm...sige sabihin natin may kagandahan din naman dun lang mapupunta??? Mag isip ka naman best...😑 nakalabing sabi ni Lissa sa kanya.

      "Oo na matalino na. Bobo naman sa love naisahan pa at iniwan din"..

    "Gaga kana nga talaga. Sya yung nawalan hindi naman ikaw. Cheer up!!! Andaming lalaki sa mundo nuh! Nadapa kalang naman pero isipin mo hindi ka habang buhay nakalugmok..see??? Nakatayo kapa din ngayon at willing kapa din lumaban sa buhay. Panghawakan mo yang nangyari sayo para maging matatag kapa"...

    " Yes po...andami mo naman agad sinasabi jan..oh sya bukas na bukas din ay mag aapply ako dun tapos mag iikot nadin sa ibang gusali jan na malapit. Baka naghahanap din sila ng dalagang ina dun"..😁 pagbibiro nya sa kaibigan.

       "Batohin kita jan ng tsinelas eh! Magbihis kana nga dun at maghugas ng plato".. biro din nito sa kanya. "Sasamahan kita ulit bukas maghanap ng papasukan anjan naman yung asawa ko sya na muna magbabantay sa computer shop"..nakangiti nya lang na nilingon ang kaibigan at umakyat nadin sya sa taas para magbihis.

Kinaumagahan maaga pa umalis ang magkaibigan nauna muna sila sa isang gusali para magpasa din dun ng resume bago dumiretso sa Cinema dahil malapit nalang yun sa inuuwian nila.

   "Best sa tingin mo matatanggap kaya ako dun?"..tanung ni Ann sa kaibigan.
     "Oo naman tiwala lang makakapagtrabaho kadin"..sagot nito sa kanya habang naglalakad sila sa footbridge pauwi na sa kanila dahil nag abot lang sya ng resume sa Cinema itetext nalang daw sya para sa interview. Habang naghaharotan ang magkaibigan hndi napansin ni Ann ang lalaking makakasalubong na nagmamadali din sa paglalakad. Hindi din napansin yun ni Lissa kaya ng pabiro syang itulak ng kaibigan malakas syang nabangga ng lalaki. Muntik pa syang matumba sa laki at tangkad ng lalaki.

     "Aray!! Ansakit naman!! Reklamo nya na napatagilid pa dahil sa impact ng pagkakabangga ng lalaki sa kanya.

     "Wag kasi kayo sa daanan naghaharotan Miss nakakaabala kayo sa mga dumadaan".. snob na wika ng lalaki nakasimangot pa at bahagya lang syang tinapunan ng tingin at duniretso nadin ng paglalakad kasalungat sa daang tinutumbok nilang magkaibigan.

     "Abat! Antipatiko! Wika nya sabay pukol ng matalim na tingin sa lalaki... "Ganito ba dito sa Maynila best? Pati lalaki wala nading modo? Nakuuu!!  Napaka ungentleman ng hayop na yun"...
     "Eh! Tama naman yun best. Magulo din kasi tayo sa daan baka nagmamadali talaga yun..parang life and death ang hinahabol eh😅 nasermonan pa tuloy tayo".. nakangisi pa ang kaibigan nya sa nangyari.Hindi nalang sya umimik at nagpatuloy na sa paglalakad.

Maaga palang ay nakarecieve na si Ann ng text message sa isang kompanyang pinag applyan sales lady sya doon at pinareport agad sya dahil urgent hiring daw ang kompanya. Pinuntahan nya yun natuwa na sya na meron syang trabaho pero hndi din buo ang kanyang kasiyahan dahil part timer lamang ang hanap ng kompanya ito pa lang daw kasi ang maibibigay sa kanya. Tinanggap nya nadin dahil sobrang kailangan nya din talaga ang trabaho. Mag iisang buwan nadin syang namamasukan pero parang gusto nya nadin umayaw, hindi dahil sa trabaho kundi dahil sa kulang din ang kanyang sinasahod para sa pagpapadala sa pamilya, lalo at may anak din syang iniwan sa mga ito. Dininig din ang panalangin ni Ann hindi natapos ang buwan ay tinanggap sya at pinagrereport sa Cinema. Tuluyan nya nangang binitiwan ang part time job at ginawa ang lahat ng pagsisipag sa trabaho naging mabait naman sa kanya ang kanilang head at sa awa ng Diyos ay naregular sya sa kanyang trabaho.

~TO BE CONTINUED~

Susubok ba Akong Muli???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon