Papasok na si Ann sa trabaho. Closing shift naman sya ngayon at ang pasok nya ay 1pm to 10pm. Naging maayos naman ang lipat nya sa mga bagong kaibigan. Mababait ang mga ito at makulit din kagaya ni Lissa. Kaya ang samahan nila ay para naring magkakapatid. Namimiss tuloy nya ang kanyang nakakatandang kapatid. Hindi man maganda ang samahan nila ng ate nya noong mga bata pa sila tumibay naman ito ng sila ay nagka isip na. Ito ang naging sandalan nya at ang kanyang kuya noong nagbubuntis pa sya. Tatlo kasi silang magkakapatid ang panganay ay ang kuya Jom nya na pinalad na mapasok sa pagiging sundalo, kahit papaano ay di sya nag aalala sa anak kasi nakasuporta din ang mga kapatid sa kanilang mag ina. Ang ate naman nyang si Jen ay nasa abroad tapos man ng kolehiyo ang kapatid pinili muna nito ang mag abroad para makatulong din sa kanilang magulang at mag ipon para sa pang board exam nito.
Kaya malakas din ang kanyang loob na makaipon nang para sa kanilang mag ina kasi anjan pa ang kanyang kapatid para tumulong sa kanilang magulang. Gustuhin man sana ng magulang ni Ann na tapusin muna nya ang pag aaral ay siya na mismo ang umayaw dahil din sa matinding hiya na nararamdaman sa magulang at kapatid dahil sa kanyang mga maling desisyon na nagawa.
Sabi niya ay mag iipon muna siya dito sa Maynila kasi mas malaki nga ang kinikita dito kaysa sa kanila kahit kayod kalabaw kana doon ay maliit padin ang sahod at hindi sya makakapag ipon ng maayos. Sa edad na 19 ay naging ina nanga siya pero pinangako naman nya sa magulang na dalawang taon lang naman syang magtatrabaho sa Maynila at babalik din sa kanila para tapusin ang kanyang pag aaral.
Gustuhin man niyang mag aral habang nagtatrabaho ay hindi kakayanin ng kanyang oras lalo at siyam na oras din syang pumapasok sa trabaho at isa pa hindi din pwede sa kanila ang working student noong panahong nag aapply sya."Ate Ann punta lang ako sa kabilang cluster ha. Mukha naman wala na masyado hahabol na manuod eh. Tulungan ko lang sila dun".. paalam sa kanya ni Jen na operation assistant nila at tumutulong sa kanilang mag assist pag madaming taong manunuod sa sinehan. Last full show na iyon at paunti unti nadin syang nag Pre close.
"Sige Jen tawag nalang ako dun mamaya kung sakali man may humabol pa. Salamat"..sabi nya dito. Nakaalis na si Jen at pa start na ang movie ng may isang pamilya pa ang humabol at bibili sa kanya. Kahit pagod sa maghapon ay nakangiti padin nyang binati ang mga ito kailangan kasi nila yun sa trabaho ang mabigyan ng magandang customer service ang bawat manunuod sa kanila.
"Hi Maam/Sir goodevening po! Welcome po sa snacktime"..nakangiti pa sya habang nakatingin sa mga ito.
"Ma/Pa hanap na kayo ng upuan sa loob kami nalang ni Cha dito ang oorder. Sa taas na kayo maghanap kaway nalang kayo samin mamaya".. wika ng isang lalaki.
"Sya sige yung madaming cheese na hotdog sandwhich ang samin na Papa nyo ha. Kayo na ang bahalang magdagdag ng iba".. bago pumasok sa sinehan ay ngumiti pa ang Ginang sa kanya na sa hula nya ay Ina ng lalaking umoorder sa kanya.
"May I take your order Sir?".. tanung nya dito.
"Ah Miss 5 pcs nalang nung cheesy cheese hd sandw/c, 5 large Popcorn 4plain flavour then the other one is cheese" Mei how about drink??" Nagtanung pa ito sa babaing kasama nito na may kalong na baby na tantya nya ay mag 1year old nadin.
"Do they have water?" Tanung ng babae.
"Yes Maam meron po"..
"Sige Miss yung hindi lang malamig 2pcs. Dei Magwater nalang din kaya kayo? Asan naba kasi ang kapatid mo start na yung movie ah".. sabi ng babae na lumingon pa sa likod para tignan ang hinahanap.
"Hey bro!! Nahirapan ako magpark madaming customer ngayon eh" wika ng kararating lang na kasama ng mga ito.
"Anung sayo? Sandw/c, Popcorn and water lang inorder namin. Kain nalang tayo mamaya pagkatapos manuod meron naman sigurong 24hrs dito na resto".. saad ng lalaking umorder sa kanya kanina.
BINABASA MO ANG
Susubok ba Akong Muli???
DragosteLumuwas si Ann para hanapin sa maynila ang kanyang swerte..umalis sa kanila pra itama ang pagkakamali ng nakaraan nya..Pero sa kanyang paghahanap ng pangarap ay nakilala nya si Vin isang mayamang business man.. nainlove at nagkagusto sa kanya..Nguni...