Chapter 24

9 0 0
                                    

Maingay sa lugar na pinuntahan nila Ann. Nasa disco bar sya dinala ni Elly. Aayaw pa sana sya ngunit nakita nya sa nobyo na masaya ito kaya sino sya to spoil the moment diba.

   "Ah hon gutom na kasi ako. May pagkain ba dito?".. tanung nya sa nobyo.

  "Yes meron sila dito. Nakaseperate naman yung kainan nila dito so makakain ka muna bago tayo mag inum?"..

  "H-huh??? Mag iinum tayo? P-pero alam mong di ako nainum"..

  "Common hon minsan lang 'to wag mo naman ako biguin ngayon nga lang tayo lumabas ng ganito"..

"Eh kasi mahina ako sa alak  baka pagalitan ako pag nalaman nila mama n--"

  "Hey dont worry too much hindi naman nila malalaman yun sino ba magsasabi?? Tsaka minsan din naman wag lahat sasabihin mo sa kanila and to your friends just keep it for us okay? Its our night kaya wag na muna natin silang isipin".. gustohin man sana ni Ann magprotesta sa sinabi ng nobyo ay pinili nalang nyang tumahimik baka mauwi lang sila sa pagtatalo ganun ito sa kanya pag hindi nasusunod ang gusto. After nilang kumain ay naghanap na si Josh ng pwesto nila sa bar malapit lang sa dance floor. Iyon ang mga bagay na pinagkaiba nila ni Elly mahilig ito sa social life dati pa ay alam na nya na ganun ito.

  "Hon masasalba ko na yung hacienda namin. May tutulong na sakin alam mo ba mabait yung kaibigan ko na yun at sobrang yaman pa"..

  "Mabuti naman hindi kana mamomroblema. Iwasan mo na kaya ang pagsusugal? Baka sa susunod ay mawala na ng tuluyan sayo ang ipinamana ng magulang mo".. nasabi na nito sa kanya ang problema nito sa hacienda at hindi lingid sa kanya na nagsusugal nga ang nobyo hindi nya iyon mabuksan sa mga kaibigan kasi lalo lang madadagdagan ang disgusto ng mga ito kay Elly.

  "Whatever! Ang mahalaga ay okay na ulit ang negosyo ko. Hey drink your tequila".. sabi nito sa kanya ayaw man ni Ann ay napilitan nadin syang inumin iyon naramdaman nya ang pag guhit ng inumin sa kanyang lalamunan kulang nalang ay isuka nya ang lasa nyon ramdam nya din agad ang pagsigid ng init sa kanyang tyan gawa ng alak. Nakita nyang may tumatawag kay Elly.

  "Hey pare. Oo dadalhin ko just relax okay. Binibigyan ko muna ng lakas ng loob. Chill kalang hindi ako sisira sa pangako. Oo ako ng bahala".. rinig nyang sabi pa ng nobyo sa kausap nito. Hindi nya maintindihan ang ibig sabihin nyon baka kasosyo nya lang sa negosyo yun nalang ang iniisip nya. May isang babae ang lumapit sa kanila na ikinainis ni Ann.

  "Hi Elly kumusta?".. pagpapacute pa nito sa nobyo na hindi man lang alintana na andyan sya.

  "Oh hi. Ito okay lang"..nakangiti pang bati din dito ng nobyo. Medyo matagal din nag uusap ang dalawa nagawa pa nga nitong tumabi sa nobyo nya. Dahil sa inis na naramdaman hindi nya namalayang nakakailang shot na pala sya ng tequila. Nahinto lang ng medyo naramdaman nya na ang pagkahilo.

  "Excuse me? Baka naman gusto nyo akong isali sa usapan nyo".. pagtataray na nya dahil sa epekto ng alak ay lumakas na ang loob nya.

  "Who is she?".. tanung ng babae sa nobyo nya.

  "His girlfriend and who do you think you are flirting with him?".. patayo nya pang sabi dito.

  "Honey we better go. Youre almost drunk tara ng umuwi".. hinawakan na sya ng nobyo sa baywang at giniya palabas ng bar. May iniabot lang ito sa waiter at umalis nadin sila. Naiwang nakatulala lang ang babae sa ginawa nya hindi ata nito inexpect na magsasalita sya ng ganun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Susubok ba Akong Muli???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon