Chapter 17

7 0 0
                                    

  Pinilit ni Ann ang sariling kalimutan ang mga nangyari sa kanya sa Maynila. Itinago nya sa kanyang magulang lahat simula ng dumating sya. Halos isang buwan nadin ang nkalipas walang gabing hindi nya iniyakan ang nangyari sa kanila ni Vin. Nag antay padin sya na kahit papano ay maalala sya nitong tawagan pero bigo sya kaya ipinasya nyang mag iba na ng numero. Mabuti nalang at laging kasa kasama nya ang anak sa lahat ng bagay nakapag umpisa nadin sya kahit papanu ng isang sari sari store. Kaya hindi na sya nangangamba na kapag nag aral sya ay may mpagkukuhanan din sya ng pang araw2x na gastusin nilang mag ina.

   "Anak matagal kna din nakauwi pero lagi namin npapansin ng Papa mo ang lungkot sa mga mata mo".. wika ng kanyang ina. Nasa grocery sila ngayon kasama ang anak namimili ng mga ihahanda sa nalalapit na birthday ni Aixxin.

  "Wala po ito Ma. Namimiss ko lang din siguro ang mga ka trabaho ko sa Manila".. sagot nya dito.

  "Ka trabaho lamang ba ang namimiss mo doon? Baka naman may naiwan kang tao dun na syang nagbibigay ng lungkot sayo".. pangungulit pa nito.

  "Ma may aaminin po ako sa inyo. May naging kasintahan nga po ako dun. Sorry Ma kung naglihim ako natatakot kasi ako na baka mag isip nlng kayo lagi ni Papa dito. Kaya gusto ko sana ay pagka uwi nalng dito ko sasabhn. Kaso hindi naman na po kami nagtagal hindi din po kami magkasundo. Kaya umuwi na po ako dito".. turan nalng nya sa ina para hndi na ito mag usisa pa.

  "Anak malaki kana kaya kalang namin hinigpitan dati ng Papa mo dahil gusto namin makapagtapos ka ng pag aaral mo dahil yun lang ang tanging maipamamana namin sa inyo magkapatid alam mo naman na mhirap lang din tayo. Ngayon na nasa tamang edad kana alam mo na ang leksyon mo noon at ikaw na ang magdedesisyon kung anu ang makakabuti sa inyong mag ina. Kung sana alam lang din namin kung sino ang ama ni Aixxin kahit sna magkaayos kayo. Kaso muhing muhi ang iyong Papa sa lalaking yun".. malungkot na sabi nito.

  "Hayaan na natin yun Ma kasi mas masakit lang para kay Aixxin kapag hndi sya tinanggap nun. Maiintindihan nya din yan paglaki nya Ma. Tsaka punong puno naman sya ng pagmamahal nating lahat kaya hndi nya nadin siguro hahanapin kung sino ang Ama nya".. "Sana nga hindi nya na hanapin. Alam ko mhrap sa isang anak ang lumaking walang ama".. napabuntong hininga nalang sya sa naicp. Tapos na silang mag grocery at papunta na sa counter para magbayad may isang babae lang na nauna sa kanila sa pila. Napansin nyang panay tingin sa anak nya at sa kanya ang babae. Mukha naman itong mabait napansin nya lang na parang malungkot ito pag napapagawi ang mata sa anak nya. "Andami ko naman napapansin".. Hindi ata nakatiis ang babae at kinausap din sya. Ang mama nya ay may kinuha lang saglit sa grocery may nakalimutan daw kasi ito.

"Hi! Anak mo?? Tanung ng babae sa kanya.

"Ah oo.. bakit?

"Ang cute lang kasi nya. Gwapo yan paglaki. Pwede ko bang makarga kahit saglit?".. tAnung ulit nito sa kanya. Mukha naman harmless kaya tumango sya.

"Ilang taon na sya?? Ang gwapo ng anak mo. Buti kapa ako ka---

"Babe ito na dagdag mo nadin to" naputol ang sinasbi ng babae ng dumating ang kasama nito.

"Kaninong anak yan? Bat karga mo?" TAnung nito sa bAbae.

"Sa kanya. Ang gwapo kasi kinarga ko lang saglit".. sagot nito sa kararating lang na lalaki at inabot sa kanya ang bata kinuha nya ang anak sabay ang paglingon sa kanya ng lalaking kasma nito, para syang pinako sa kinatatayuan ng makilala ang lalaki. Kulang nalang sabihing nakalunok sya ng madaming suka sa pagputla ng mukha nya.

Susubok ba Akong Muli???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon