Chapter 19

8 1 0
                                    

Naging mabilis ang taon para kay Ann ngayon ay patapos na sya sa kursong kinuha. Sobrang saya ng mga magulang nya sa achievements nya lumago din ang business na itinayo nya dahil pumatok ito sa mga tao. Lumaki na ang mini grocery na sinimulan nya noon at ngayon nga ay mayron na syang tatlong branches na nabuksan. Naging mabait ang Diyos sa kanya siguro ay napagod nadin itong bigyan pa sya ng problema kaya ngayon ay puro magagandang pangyayari ang ibinabalik sa kanya.

   "Congrats Ann sobrang proud kami sayo ng Papa mo".. sabi ng ina nya na niyakap pa sya pagkatapos ng graduation program nya.

  "Naku Ma kami din ni Kuya proud sa kanya, syempre dahil hindi nya sinayang ang ikalawang pagkakataon na binigay sa kanya".. sabi naman ng ate nya.

  "Oo nga bunso ngayon ay magsisimula na ang journey mo galingan mo ang board exam dapat one take lang para official guro kana din"..andun din ang kuya nya nagfile ito ng leave para lang makaattend sa graduation nya.

  "Thank you sa inyong lahat kasi kung hindi dahil sa inyo wala ako ngayon dito kung hindi ninyo q sinuportahan ay baka hindi ko matutupad ang mga pangarap ko".. wika nya sa mga ito.

  "Naku anak matyaga ka at nakikita namin ang determinasyon sayo kaya binigyan ka namin ng pagkakataon para patunayan ang sarili mo, deserve mo ang lahat ng ito".. parang naiiyak pang sabi ng Papa nya. Ramdam nya ang suporta sa kanya ng magulang andun din ang kanyang anak. Minalas man sya sa pag ibig ay bawing bawi sya sa pamilya at sapat na yun para sa kanya. Madami din nagtangkang manligaw sa knya nung nag aaral palang sya pero wala na syang binigyan pa ng pagkakataon para pumasok sa puso nya. Tapos na sya sa mga lalaki at focus na sya para sa anak at sa pamilya. Palabas na sila sa venue ng graduation ng maramdaman ni Ann na parang may paris ng matang nakatitig sa kanya sa malayo. Nang igala nya ang mga mata ay wala naman syang makitang ibang taong nakatitig sa kanya maliban sa mga co graduates nya ngunit lahat ng ito ay busy din sa pag entertain sa kani kanilang magulang. Kahit nung nag aaral paman sya ay lagi nya iyong nararamdaman sa tuwing nag iisa syang pauwi pakiramdam nya ay laging may nkasunod sa kanya. Minsan ay napapraning na sya na baka holdapin nalang syang biglaan pero hanggang ngayon ay wala naman nangyayaring masama sa kanya. Pagdating sa bahay nila ay madami ang sumalubong sa kanyang kamag anakan nila at mga kaibigan nya para icongrats sya. Naghanda ang mga magulang nya sa araw ng pagtatapos nya gusto nya sanang kumain lang sila sa labas at silang pamilya lang ang mag cecelebrate ngunit makulit ang kanyang Papa at Mama sobrang proud kasi ito sa kanya kaya gusto ipakita sa lahat na kahit nadapa sya ay natuto sya at nakaya nyang ibangon ang sarili. May natanggap ulit syang message sa taong laging nagtetext sa kanya. Simula nung bday ng anak nya ay ni hindi ito nagpapakilala at lagi lang syang tinitext hindi nya lang ito nirereplyan dahil alam nyang kakilala nya lang ito kasi halos lahat ng importanteng araw sa kanya ay alam nito at lagi itong nagcocongrats at binibigyan sya ng magagandang mensahe sa araw araw at aaminin nyang nakakatulong ang mga messages nito para mapagaan ang loob nya ang ipinagtataka nya lang ay kung bakit ni hindi man lang ito magpakilala sa kanya. Tatawag ito minsan at kapag sinagot na nya ay biglang papatayin nito. "Life has a way of testing a person's will, either by having nothing happen at all, or by having everything happen at once. Cheers to your success. Im so proud of you".. ito ang nakasaad sa text nito.
    "Sino ka ba talaga?Baka naman gusto mo lang magpakilala.." sagot nya dito.

   "You''ll  meet me one of this days"..
  
   "Nasabi mo na yn dati and until now d mo padn ginawa"..

  "It will happen this time"...reply nito. Parang may sumikdo sa dibdib nya sa sinabi nito. "Sino ba talaga ang taong to bakit nagpiplaying mistery sa kanya? And bakit para akong kinakabahan ngayon na makita sya? Sya dpat ang matakot sakin kasi ako tong laging ginugulo ng mga messages nya. Nakakaistorbo kaya minsan. Ows istorbo ba talaga? Natutuwa kapa nga tuwing nagpapadala ng messages yan eh".. bulong nang magkabilaang isip nya.
   

Susubok ba Akong Muli???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon