Chapter 20

7 1 0
                                    

All is well para kay Ann after nyang grumAduate ay nagreview na agad sya for board exam dahil likas na matalino ay nakapasa din agad sya kya certified teacher nadin sya, hindi na mahirap sa kanya ang maghanap ng skwelahang papasukan kasi hindi paman sya nakakagraduate ay madami ng offer sa kanya. Sa tuwa ng magulang nya nagyaya pa ang mga itong mag outing nga daw silang magpamilya sabi nga nya ay wag na at maghanda nalang ngunit mapilit ang mga ito pati mga kapatid nya ay nagyaya din kung di lang dahil pati anak nya hindi na sana itutuloy pero pati anak nya excited din mag outing kya pumayag na sya. Ang ate nya ang nagprisintang maghanap ng beach resort na pupuntahan nila. Nagulat sya ng halos 1week daw silang mag stay dun.

   "Te para namang ang haba ng binook mo di mo sinabing dun na tayo titira?".. sabi nya sa ate nya habang pa byahe sila sa resort malayo layo din iyon mula sa kanila mahigit 6 na oras din ang byahe. Sakay sila sa Van na binili nilang magkakapatid para sa kanilang magulang at ginagamit nila kapag may mga pupuntahang family gatherings.

  "Dapat nga 1month nalang eh. Ito ang oa minsan nalang naman tayo mag outing lubusin na natin. Tapos ka nat lahat lahat sa pag aaral mo anu busy padin?".. sabi ng ate nya.

  "Baka matulog lang din ako dun at bantayan kayo eh".. sagot nya.

  "Bantayan mo nga talaga yang anak mo gang ngayon di pa ko nagkaka jowa dahil dito kay aixxin eh".. pabirong sabi ng ate nya na ikinalingon ng anak nya habang kandong ito ng Mama nila.

  "Bakit ako tita? Ang pili pili nyo kasi kaya hanggang ngayon wala pdin. Mauunahan kapa ni mommy".. sagot ng anak nya. Matatas nadin itong magsalita. Kumunot ang noo nya dito.

  "Anu baby? Uunahan si tita eh wala nga din boyfriend si mommy tsaka alam mo naba yung mga bagay na yun?".. takang tanung nya sa anak.

  "Not really sinabi lang ni tit---"..

  "Naku aixxin matulog kana nga lang muna di kaya kumain ka ito madami foods dala si Mama oh".. putol ng ate nya sa sasabihin ng anak.

  "Ako din Ma tutulog muna parang ngayon ko ramdam ang pagod nitong mga nakaraang buwan eh".. sabi nya sa mga ito.

  "Sige Ann maya2x ay makakatulog din tong anak mo".. sagot ng mama nya. Mahaba nga ata ang naging tulog nya ginising nalang sya ng mga ito ng nasa resort na sila. Bumaba sya sa van.

  "Wow mukhang pinaghandaan mo to ate ah. Maharlika pa ata tong resort nato ang ganda te".. bulalas nya.

  "Ganun talaga I have my sponsor nuh! Di pwede pucho pucho dun".. nagmamalaki pa nitong sabi.

  "Oh akala ko ba sabi mo kanina wala kang boyfriend? Bat may pa sponsor kana ngayon?"..tanung dito ng kuya nila.

  "Hayaan mo na kuya mamaya tumanda akong dalaga sa paninita mo eh. Ikaw din kaya maghanap kana din. Hindi puro trabaho yang inaasikaso mo".. sabi dito ng ate nya.

  "Anung magagawa natin kung hanggang ngayon ay wala padin. Okay na yun para wala kayong kaagaw sa oras ko".. natatawang sabi ng kuya nila. May isang attendant ang sumalubong sa kanila at parang alam na nito ang pagdating nila hinatid sila sa kani kanilang room. Ang hindi nya maintindihan ay bakit medyo may agwat ang kwartong pinagdalhan sa kanya medyo malayo iyon kumpara sa kwarto ng magulang at kapatid nya. Sumama din sa kanya ang anak na si Aixxin, pinagwalang bahala nalang nya mas maigi iyon at para hindi sya mabulabog agad ng kanyang ate sa pamamahinga nya.

Susubok ba Akong Muli???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon