Chapter 15

10 1 1
                                    

Kinaumagahan maaga pa syang nag ayos nagsuot lang sya ng floral dress sasaglit pa sila ng nobyo para bumili ng regalo sa inaanak nya at didiretso nadin sa venue ng party nito. Lumabas na sya ng apartment ng magtext ang nobyo na nsa labas na ito.

"Goodmorning!!! Bati nya dito.

"Sobrang goodmorning mahal ko! ang ganda mo naman sobra!! Para tuloy gusto lang kitang ibulsa para hindi ka makita ng iba kapag ganyang ang ganda mo".. hindi padin ito nagbabago lahat ng paghanga nito sa tuwing lalabas sila ay lagi nitong sinasabi sa kanya. Bigla tuloy uminit ang pisngi nya. Alam nyang namumula iyon.

"Wag mo nanga ko pakabolahin jan. Tayo na kaya wag kana masyadong magpa cute at papogi points jan".. nakangiti nyang sabi saka sumakay sa front seat ng sasakyan nito habang inaalalayan sya nagnakaw pa ito ng halik sa pisngi nya bgo sya mkaupo. Sumaglit lng sila sa Mall ng makabili ng ipanreregalong damit, sapatos at laruan sa inaanak nya ay nagtex sya sa kaibigan na papnta nanga sila doon. Saglit lng nilang binyahe ang papunta sa bahay nito. Pagbaba ng sasakyan ay iginala nya ang mata para hanapin si Lissa. Hindi nagtagal ay may nakita syang kumakaway sa kanila.

"Bessy!!! Hoy!!! Dito halikayo!! Kumakaway pang tawag sa kanila ni Lissa. Pagkalapit ay humalik sya sa pisngi ng kaibigan bitbit nito ang anak.

"Happy birthday baby. Gift ni tita ninang ohh.. laki-laki mo na ah".. sabi nya sa inaanak sabay halik at kuha sa kaibigan para kargahin.

"Oo nga prang kelan lang nuh.. tara na sa loob mag start nadin yung party para makakain nadin kayo. Uy!! Vin feel at home ha wag ka mhihiya".. nakangiting sabi ni Lissa sa knila habng iginigiya sila papasok sa bahay. Hindi naman ganun ka nagtagal ang party pagktapos kumain ay may parlor games para sa mga bata. Nasa isang mesa lang ang magkasintahan habang masaya ding nanunuod sa mga bata.

"Gusto ko ganito din ang maging baby natin sa susunod mahal ko ha. Ang saya nila tingnan. Lalo tuloy ako naeexcite kung sino magiging kamukha ng baby natin".. bulong ni Vin sa kanya. Napalunok sya sa sinabi nito.

"Anak agad?? Di ba pwedi kasal muna? Or mamanhikan muna?"..

"Ikaw kasi jan tagal ko nanga sinasbi sayo na umuwi na tayo sa inyo ikaw lang tong nagpapakumplikado sa sitwasyon natin. Sayang oras mahal ko. Sayang yung magandang lahi natin".. nakatawa pang sabi nito sa kanya.

"Hala sya paulit ulit yan. Nasabi nanga kung bakit. Tsaka nasa atin naman na lahat ng oras kaya wag mo na madaliin lahat"..

"Bakit kasi di mo nlng muna sirain yang prinsipyo mo mahal ko? Kahit para satin lang. Kung di lng kita mahal n mahal itinanan na kita eh".. pagmamaktol pa nito.

"Sows!! Nagmaktol kana naman jan.. halika nanga dito yakap nlng kita para mawala na yang tampo mo".. nkangiti nyang sabi sa nobyo sabay lapit dito at yakap sa baywang nito. Inihilig nya din ang ulo sa dibdib nito.

"Ang sweet naman ng lovebirds na to sa gilid. Pasensya na kayo sobrang na busy ako kanina andami kasi inaasikasong bisita buti at humupa nadin"..biglang lapit ni Lissa sa knila at umupo nadin sa bakanteng upuan na malapit sa tabi ni Ann. Medyo nakakainum nanga ito.

"Okay lang yun Lissa naiintindihan namin bilang parents ganun talaga siguro ang pakiramdam. Nakakatuwa nga yung mga bata dito sa paligid kanina enjoy na enjoy".. sabi ni Vin dito.

Susubok ba Akong Muli???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon