Nagmamadali na at halos lakad takbo na ang ginagawa nya. Galing sa sariling condo unit na inookupa nilakad lang nya ang building mula condo nya papuntang SM dahil sa imemeet na kliyente iyon daw kasi ang prefer ng mga ito na meet up para sa pag uusapang negosyo. Gawa ng sobrang traffic ang lugar ay pinili nalang nya ang maglakad sa footbridge dahil alam nyang mas mpapadali ang pagpunta sa naturang building kung lalakarin lamang nya. Sya si Vin R. Marasigan isa na syang matagumpay na CEO ng sariling kumpanya na nag Eexport at nag Iimport tulad na lamang ng mga sasakyan sa ibang bansa. At meron pang ibang negosyong pinapatakbo maliban dito meron din itong sariling factory ng mga branded na damit na sinusupply sa ibat ibang mall sa Pilipinas. Sa edad na 26 ay tapos na sya sa kursong Business Administration at napagtagumpayan na nya ang piniling kurso pagka graduate palang ay nagtayo na sya ng sariling kompanya at dahil nadin sa impluwensya ng kanyang Ama na isa din sa kilalang business man sa bansa ay nakilala ang kanyang kompanya hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibat ibang panig din sa labas ng bansa. Napalago nya ang kompanya with his charm, effort and dedication lagi syang nakakapag close ng deal sa kanilang kliyente. Sa sbrang sipag ay siya mismo ang humaharap ng personal sa mga intersadong magfranchise ng kanilang mga stocks. Hindi nya inahahabilin ng basta ang mga kliyente kahit pa malaki din ang tiwala nya sa kanyang mga tauhan lalo sa kaibigan nyang si Josh hindi dahil sa wala syang tiwala dito kundi dahil nadin sa passion nya at nkaugaliang sya na mismo ang sadyang kumakausap sa mga kliyente. Nkakadagdag self steem sa kanya kapag napapa Oo nya ang mga ito at nkukuha ang tiwala. Malayo man ang narating ay hindi padin mahanap ni Vin ang totoong kasiyahan. Kasi sa estado ng buhay nya sa ngayon hirap din syang magkaroon ng seryosong relasyon sa mga babae. "Those girls come and go" sabi nya sa sarili. Nagkaron man sya ng dalawang nakarelasyon ay hindi din nagtagal ang mga ito sa buhay nya, dahil ng mga panahong iyon ay halos kainin din sya ng buong sistema nya sa trabaho, kaya nawawalan din sya ng oras sa nakakarelasyon. Mababalitaan nalang nyang may iba ng nobyo ang mga ito. Natatamaan man ang ego nya noon ay ipinagkikibit balikat nalang nya yun sa ngayon at nagpasya na muna siyang wag na munang magkaron ng seryosong relasyon sa opposite sex, hanggat hindi pa nya nakikita at nakikilala yung tamang babaeng tatanggapin at mamahalin sya ng buo kahit gaanu paman sya kabusy sa trabaho.
Habang nagmamadaling maglakad tiningnan nya ang oras sa kanyang suot na relo kung kayat hindi nya napansin ang makakasalubong na babae. Narinig nalang nya.. "Ay!! Shiiittt!!! Dinig nyang nagalit ang babae hihingi sana sya ng pasensya pero nung magtama ang mata nila napipilan ata sya parang nalunok nya yung dila nya, nang pagmasdan ang dalaga. She has a magnetic and beautiful pair of eyes na parang laging inaantok kung tititigan, di katangusang ilong pero she has those sweet lips na parang gusto nyang haplosin ng mga oras na yun, pero dahil sa hindi alam ang gagawin ay dumiretso nalang siya sa paglalakad at hindi na nagsalita ng kung anu paman sa babae.
Naulinigan nya pa ang sinabi ng babae sa kanya... "Madapa ka sana!!! Napapangiti sa sariling pinagpatuloy ni Vin ang paglalakad. "Ang ganda ng boses nya masarap sa tenga" di nya napansing nasambit ng bibig nya. Parang merong bumundol sa dibdib nya ng may sumagi sa isip nyang nakabangga din sya ng bAbae nun sa mismong footbridge din na yun.. "And that was 8months ago" kung hindi siya nagkakamali.
Alam niyang naghaharotan ng mga oras na yun ang dalawang babaing makakasalubong nya napansin nyang hindi nakatingin sa daraanan ang babaing biglang itinulak ng kasama. May kapilyohan syang naisip noon. Naagaw ang pansin nya ng babae habang pabalik sya sa kanyang condo dahil sa nakalimutang cellphone sa sobrang pagmamadali na may kakatagpuin siyang kliyente ulit at hindi nya alam kung saan sila magkikita nito dahil wala nga sa bulsa nya ang kanyang Cellphone ay napilitang bumalik sa condo si Vin. Sinadya nyang banggain ang dalaga para makuha ang atensyon nito, hindi nya man malaman ang pumasok sa isip ng panahong iyon ay parang gusto nyang mpansin sya ng dalawang magagandang matang iyon na noon nya lang nakita. Nagalit naman ang babae sa kanya sinabihan pa siya nitong antipatiko. Sa kagustuhang inisin la ang dalaga dahil naaaliw sya nun sa mukha nito, ang cute kasi nito pag nagagalit o mas tamang sabihing mas lalo itong maganda sa paningin nya pag nainis. Kaya imbes na magsorry hindi na nya ginawa pinagsabihan panga ata nya ang mga ito. Tama sya ang babaing nabangga nya ngayon ay siya ding babaing mataray na sinadya nyang banggain noon. Napapangiti sya ng maalala ang mukha ng mataray na babae. Ngunit iwinaglit na nya muna sa isip ang babae at naalala niyang meron pa pala syang mahalagang kakatagpuin sa isang food chain sa gusali ng SM. Tagumpay naman na naiclose ang deal sa kliyente na sadya naman ng inaasahan niya. Sa taas kasi ng naabot ng kanyang kompanya ay halos mag agawan na ang mga negosyante para mapabilang lang sa kanyang negosyo. Pagkatapos ng transaction ay bumalik nadin si Vin sa kanyang condo. Dahil sa linggo naman kinabukasan ay naisipan niyang umuwi ng Laguna sa kanyang mga magulang. Ilang buwan nadin ng huli syang bumisita sa mga ito. Nakaraan pa siya kinukulit ng mga ito, lalo na at kahapon lang ay lumuwas galing Mindoro ang kanyang nag iisang nakakatandang kapatid kasama Ang asawa at anak nito para bumisita din sa kanyang mga magulang. Minsan lang kasi sila magkakasama-sama at ang huli nga ata ay new year's eve pa. Sa sobrang abala nila pare parehas sa trabaho ay halos miminsan nalang sila magkita kita. Sa Mindoro naglalagi ang kapatid dahil my pinapagawa itong mga bagong resort na bubuksan uli lalo at malapit na ang summer tapos man ng pagpuPulis ang kapatid ay tinahak padin nito ang pag nenegosyo at sa probinsya ng napangasawa nga nito sila naglalagi at nagpatayo din doon ng sariling mansion.~TO BE CONTINUED~
(Chapter 5-6 are soon to publish...pagpupuyatan ko para sa inyo..i love you babies😍😍😍💕💕💕)
BINABASA MO ANG
Susubok ba Akong Muli???
RomansaLumuwas si Ann para hanapin sa maynila ang kanyang swerte..umalis sa kanila pra itama ang pagkakamali ng nakaraan nya..Pero sa kanyang paghahanap ng pangarap ay nakilala nya si Vin isang mayamang business man.. nainlove at nagkagusto sa kanya..Nguni...