Chapter 22

7 1 0
                                    

Hindi natapos ang buwan ng magkaayos sina Ann at Vin ng dumating din sa bahay nila Ann ang mga magulang ni Vin para sa pamamanhikan ng binata sa kanya. Halos magkaron ng fiesta sa bahay nila Ann sa ginawang paghahanda. Hindi akalain ng mga magulang ni Ann na ganun kayaman ang pamilyang mapapangasawa ng kanilang bunso.

   "Tita ang dami naman po ninyong dinala para sa pagkain kahit simpleng salo salo lang po ay sapat na sa amin".. kiming sabi nya habang nasa hapag kainan silang mag anak kasama ang mga magulang ni Vin.

  "No! Ann once lang ikakasal ang bunso namin you deserve all of this and nakakatuwa ang pagtanggap ng parents mo kay Vin kaya halos dito namin ibuhos ang pasasalamat namin sayo".. sabi ng mama ni Vin.

  "Naku balae ang dami na nga nitong mga dala ninyo. Daig pa ang pistahan dito sa amin sa dami hindi talaga namin lubos maisip na sobrang taas ng estado sa buhay ni Vin. Wala man lang nasasabi ang dalawang yan sa amin kaya halos magulat kami na may paganito".. medyo nahihiya pang sabi ng kanyang mama.

  "Naku wag nyo na alalahanin yun iisang pamilya nadin tayo sa ngayon. Kaya kung anu man ang meron si Vin ay ganun nadin si Ann. Yun din ang maganda balae na nakita ko kay Ann noon na kahit anung estado namin sa buhay ay walang nagbago sa kanyang ugali kasi sa totoo lang ay natakot din kami
Mapunta sa maling babae ang anak namin alam mo na hndi maiwasan sa ngayon ang ganun.. pero bilib ako sa pagpapalaki ninyo kay Ann at sariling sikap ang ginawa nya para marating kung anu man ang meron sya ngayon".. mahabang wika ng mama ni Vin.

  "Ang swerte nga ng anak namin kay Vin sobrang mapagpasensya at nasaksihan namin ang pagmamahal nya para kay Ann. Kaya masaya kami at natanggap ni Vin ang baby ni Ann"..natutuwa pang kwento ng mama nya.
      Kanya kanyang paksa ang pinag uusapan ng mga magulang nila ang Papa nya at Papa ni Vin ay tungkol sa mga negosyo na kinahiligan ng mga ito. Ang mama nya at mama ni Vin ay halos  puro patungkol sa kanilang mga anak ang paksa.

  "Mahal ko sobra na akong excited sa nalalapit nating kasal sana wala ng makapigil pa satin nuh??".. bulong ni Vin sa kanya habang pinag uusapan na nila ang tungkol sa mga plano sa kasal.

  "Wala na yun tuloy tuloy na to. Ewan q nalang kung anu pang makapigil satin".. nakangiti nyang wika sa nobyo.

  "Saan ba ninyo balak magpakasal na dalawa dito ba oh sa Maynila na lang?".. tanung ng Mama ni Vin sa kanila.

  "Na kay Ann po ang choice Ma. Anu mahal ko san ba ang gusto mong venue?"..tanung ni Vin sa kanya.

  "Gusto ko sana ang beach wedding, pero parang mas sagrado po ata ang kasal kapag sa loob nalang po ng simbahan".. wika nya.

  "Maganda din naman ang beach iha para after wedding ay swimming nadin agad. Gusto nyo ay sa resort sa Mindoro na ng kuya Val nyo ganapin?"..komento ng Mama ni Vin.

  "Parang ang layo po ata dun Ma. Nandito yung pamilya nila Ann kaya dito nalang sa lugar nila ganapin, then when we get back to manila magpa party nalang din para ipakilala si Ann at si aixxin na part na ng family natin".. natutuwa sya sa sagot ng nobyo dahil halos lahat ng napagpaplanohan ay lagi nitong isina alang alang ang damdamin nya. Wala naman naging problema sa kanilang mga pinag usapan. Nakatoka naman ang ate sa venue ng kanilang kasal. Napagdesisyonan nilang isa sa malaking church sa lugar nila Ann gaganapin ang kasal. Wala namang naging tutol ang mga magulang ni Vin ang importante lang sa mga ito ay maikasal na ang bunso nila.
  Nasa mall sila Ann nun kasama si Vin at si Aixxin ng magkita sila ng dating kaklasi at kaibigAn nyang si Melanie bago paman sya mabuntis.

  "Ann!!!! Hoy kumusta??? Ang ganda mo na lalo ngayon ah".. tawag nito sa kanya naghahanap sila nun ng telang gagamitin para sa damit pangkasal nya. Kasama nya din ang anak at si Vin.

Susubok ba Akong Muli???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon