Chapter 18

6 1 0
                                    

"Happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!!! Masayang kantahan ang nangyayari sa labas ng bahay nila Ann. Nagcecelebrate sila ng 2years birthday ng anak nyang si Aixxin. Mga malalapit na kamag anak lang nya, kapit bahay at ilang kaclose nya sa college na naging ninang ng  anak nya ang kanyang inimbita. Halata sa mukha ng anak nya ang saya. Nag eenjoy ito sa salo2x at palarong nagaganap sa paligid nito. Masaya si Ann na kasama na ngayon ang anak pati mga magulang. Nakapag enroll na sya at mag 3rd year college nadin sa nalalapit na pasukan. Sinagot na ng kanyang kuya ang pag aaral nya total ay dalawang taon na lamang daw. Wala na syang nagawa dahil mapilit ito. Nakauwi nadin ang kanyang ate galing ibang bansa bago ang bday ng anak kya marami din silang naihanda. Paunti onti ay nadetalyi at nabuksan nya ang sarili sa Ina at Ama nya tungkol sa mga nangyari sa kanya sa Maynila. Nagalit man ang mga ito sa una dahil hindi sya nagpaalam ng maayos ngunit natuwa nadin ang mga ito dahil kahit pinayagan syang mapag isa ay hindi nya nakalimutan ang mga pangaral sa kanya ng magulang.
    Nagpaparlor games ang mga kabataan sa lugar nila ng mayrong magkakasunod na sasakyan ang huminto sa kalsada tapat ng bahay ng kapatid ng kanyang Papa. Nakita nyang may bumabang babae at may itananong sa nakasalubong nito ng makumpirma siguro ang pakay ay ibinaba na ng mga ito ang lulan ng mga sasakyan. Ang direksyon na tinutumbok na pupuntahan ng mga ito ay bakuran nila. Mga balloons, mga iba't ibang pagkain, may lechon din, mga regalo, malaking cake na ng palapit sa kanya at nabasa nyang nakapangalan sa anak nya "san galing ang mga ito baka namamali naman ng paghahatiran ang mga taong 'to. At may mascot pa wala naman akong kinuhang mga ganito. Anu bang nangyayari???" Litong tanung ni Ann sa isip.

  "Ann masyado mo naman ginastusan ang birthday ng anak mo?" Sabi ng kanyang Ina na lumapit sa kanya para magtanung.

  "Ma baka mali lang sila ng deliver. Wala naman akong inarkilang ganyan baka naman hindi sa atin yan, wala akong budget para sa ganyan. Baka naman si ate yan Ma" nagtatakang sabi nya sa Ina.

  "Ah excuse me po? Para kanino po ang mga yan? Baka nagkakamali po kayo nang pinagdalhan?" Sabi nya sa babaeng nakita nyang bumaba sa sasakyan kanina na may pinagtanungan.

  "Sabi po kasi dun kanina dito daw po yung Ann Netsif at yung bday celebrant po ay Aixxin Netsif. Ah Hindi po ba dito yun??" Tanung nito sa kanya.

   "Eh ako nga po yung Ann tapos anak ko po yung nagbirthday na Aixxin ang name pero wala po kasi kaming inarkilahang mga mascot. Naku ate baka naman anlaki pa ng singilin nyo sa amin nyan. Ibalik nyo nalang ho sa sasakyan ang mga yan".. natatarantang sabi nya dahil ang mga kasama nito ay nag umpisa nang i assemble ang mga table's at mga balloons at inayos na ang mga pagkaing  isinama na sa mga handa nila kanina.

   "Naku Madam wala po kayong dapat ipag alala bayad na po ang mga iyan, sige po asa sasakyan lang po ako aantayin nalang po namin matapos ang party".. Napatanga nalang sya sa nakikita. Nakuha ang atensyon nya ng may humihila sa laylayan ng bestida nya. Pagtingin nya ay nakitang si Aixxin iyon.

  "M-ma ma.."nakangiting tawag nito sa kanya. Tapos ay nagtuturo ito sa cake na malaki. At gusto ipaabot sa kanya ang balloon. Kinarga nya ito at hinalikan sa pisngi, iniabot ang isang baloon pati nag slice nadin sya nang cake  pra ibigay sa anak. "Swerte mo naman baby dami mo handa oh. Sino kaya sa mga ninang at ninong mo ang may pa surprisa sayo".. kausap nya dito bago ito  ibinaba ulit. Tumakbo na ito agad sa mga mascot na nagbibigay aliw sa mga bata habang bitbit ang cake at balloon sa magkabilaang kamay. Niyaya nya ang ibang bisita na kumain ulit at ibalot nalang ang iba pauwi sa kani kanilang tahanan gawa nga ang dami talagang handa ng anak nya.
     Nakaalis na ang mga nagbigay kasiyahan sa party ng anak pero ni hindi nya alam kung kanino talaga galing ang magandang regalo na yun sa anak nya. Panaka naka nyang tiningnan kanina ang mga sasakyang nakaparada sa kalsada dahil pakiramdam nya ay may nakamasid sa bawat galaw at ginagawa nya. Nag iimis na sila sa bakuran habang ang anak nya ay hindi padin ata pagod sa kakalaro sa balloon nito. Umuwi nadin ang mga bisita nila.

  "Kanino nga kaya galing ang paparty na iyon kay Aixxin anak? Tanung ng Papa nya.

  "Iniisip ko po baka isa sa mga ninang or ninong ni Aixxin Ma".. sabi niya dito.

  "Taray yayamanin ng mga ninong ng batang makulit ah. Halika na nga sa loob"..sabi ng ate nya sa anak nya. At inakay na ito papasok sa bahay. Tinitigan nya ng mabuti ang anak ng lumingon ito at ngumiti sa kanya ay parang lumundag ang puso nya nang mabistahan ng mabuti ang mukha ng anak nya "b-bakit.. bkit parang nagiging kamukha nya si Vin??? Nababaliw na ata ako kakaisip sa lalaking yun pati anak ko nakikita ko na sa anyo nya".. napabuntong hininga nalang sya at sumunod nadin sa loob ng bahay. Narinig nyang tumunog ang cellphone nya. May text galing sa hindi nya kilalang numero "I hope I did make your son happy on his 2nd bday. see you soonest".. nakasaad sa text.

Nireplyan nya ito "whos this?"
"Soon you will know ang makita kang masaya ay sapat na muna sa ngayon. I miss you"
Reply pa nito sa text nya. Nairita sya sa sagot nito
"kung sino kaman na ayaw magpakilala then thank you. Hindi ako intersadong makilala o makita ka!!! Wala na syang nakuhang reply sa katext. Napapaisip tuloy sya kung sino yun. "Panira ng araw babaliwin pa ko kakaisip di nalang magpakilala. Abnormal!!..

Isa si Vin sa mga lulan ng sasakyan na naghatid ng mga gagamitin sa party ng anak ni Ann. Hindi sya bumaba at nanatili sa sasakyan gang matpos ang party ng anak ni Ann. Nang makita nya itong nakatayo sa harap ng bakuran ng mga ito knina gusto nya na itong takbuhin at yakapin ng mahigpit. Iparamdam dito kung ganu nya ito namiss, ngunit nagpigil sya alam nyang hindi iyon ang tamang oras. Birthday ng anak nito at ayaw nyang makakuha ng atensyon o masira ang masayang araw nito kasama ang anak. Alam nyang galit ito sa kanya kaya isinantabi nya na muna ang pansariling nararamdaman. Masaya na syang makita ito sa malayo. Ipinasabi nya nadin sa organizer na kinuha nya na wag sasabihin kung sino sya sumunod naman ito. Katakot takot na pang aaway pa ang natamo nya sa mga kaibigan ni Ann para lang makuha ang address nito at bagong numero, hindi nya na kasi makontak ang lumang numero nito malamang ay nagpalit nadin ito para tuluyan ng kalimutan sya. Kinausap nya Si Lissa na una ay halos gusto pa syang kalmutin sa nakikita nyang galit dito. Humingi sya ng tawad sa mga ito, pati nadin kanila Jho at Shie sinabi nyang naguluhan lang sya sa mga nangyari at nasaktan din sya gawa ng paglilihim ni Ann sa kanya. Sinabi nyang hindi nya na sasaktan ang kaibigan ng mga ito kaya sa huli ay napaamo naman nya at tinulungan sya sa kung anu ang mga gagawin. Dahil may kaibigan at kakilala din si Josh sa lugar na iyon ay dun muna sya nkituloy. Minsan nya nadin napuntahan ang lugar hindi man mismo sa lugar nila Ann karatig bayan lang, dahil sa isang business na binuksan nila dati ng kaibigan dun. It took him so long na marealize ang pagmamahal kay Ann halos ginawa nya lahat para makalimutan ito. Ngunit walang nangyari sadyang mahirap kalabanin ang puso. Hahanapin at hahanapin padin nito ang taong minamahal. Nanaig parin ang pagmamahal nya para kay Ann kaya andito sya ngayon sinundan ito sa lugar  nila para makipag ayos. "Sana matanggap nya pa ako. I''ll do everything para maging maayos lahat lalo sa magulang nya at sa anak nya. Hindi ko na sya bibitawan ulit bumalik lang sya sakin".. pangako nya sa sarili pagkatpos nyang marecieve ang huling text nito na hindi ito intersadong makilala kung sino sya. Hinding hindi sya susuko. At nasabi nya sa sariling kahit anu man ang mangyayari ay hindi na nya ulit susukuan ang pagmamahal kay Ann.



~TO BE CONTINUED~

(Baka naman pwede nyo nku ifollow😅.. comment nyo at pagfollow ay sobrang meaningful para sakin..😁😘madami pa pong mangyayari..thank you babies sa support 😍😍 💕💕💕)

Susubok ba Akong Muli???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon