Chapter 21

7 1 0
                                    

Ng makarating sa kwartong inuukopa ay nilock ni Ann ang pinto at humiga sa kama ibinuhos nya lahat ng luha sa unan.

"Bakit ganun? Ang tagal ng panahon pero bakit ang sakit padin? Sabi ko limot ko na sya pero ngayong nagkita kami ulit bumalik lahat ng sakit ng mga salitang binitiwan nya sakin noon. Mga salitang halos sumugat sa pagkatao ko. Tapos ngayon nabilog na nya agad ang ulo ng pamilya ko. Hindi nila alam ang ginawa ng lalaking yun sakin bakit tinanggap agad nila? Kelan pa? Halos wala man lang akong kaalam alam".. nasa isip ni Ann ang mga katanungang iyon ng marinig nyang may kumakatok, mahigit kalahating oras din ang lumipas kaya medyo kalmado nadin sya. Naulinigan nya ang boses ng Ina.

"Ann buksan mo itong pinto. Mag usap tayo".. dinig nyang sabi ng Ina nya. "Walang problemang hindi naidadaan sa maayos na usapan".. dugtong pa nito. Lumapit na sya sa pinto at binuksan. Ganun naman sya pag masama ang loob ilang oras lang at lilipas din dahil hindi sya kailanman nagtanim ng galit lalong lalo na sa pamilya nya. "Ewan nalang kung pagdating kay Vin ay maiaapply nya yun. Hayop na yun".. naibulong pa nya sa isipan bago tuluyang pagbuksan ng pinto ang Ina. pumasok sa loob ng kwarto ang Mama nya kasunod nito ang kanyang ate.

"Ann pasensya kana kung hindi namin sinabi saiyo na matagal na naming kilala si Vin. Kapakanan mo lang ang iniisip namin".. bungad ng Mama nya.

"Ma ang tagal ng panahon pinaglihiman nyo ako bakit ngayon lang? Sinaktan ako ng lalaking yun. Nakakasama ng loob kung bakit hinayaan nyong mapalapit kayo sa taong yun. Ako ang anak ninyo pero parang nasa kanya pa ang panig ninyong lahat. Hindi nyo pa naman lubosang kilala yung tao"..

"Mabait naman si Vin Ann. Taong lumapit sa amin iyon kaya nararapat din na tao din naming haharapin at tanggapin. Humingi kami ng pabor sa kanya remember sa birthday ni Aixxin yung may paparty at madaming foods na deliver na hindi natin alam kung san galing? Kay Vin pala ang mga iyon nanggaling".. sabi ng ate nya.

   "So utang na loob ko na sa kanya yun? Dapat ba akong magpasalamat dun te? Kung alam ko lang na sa kanya pala galing lahat ng yun ewan ko nalang, kung gusto nya ibabalik ko pa lahat ng yun".. sagot nya.

  "Sige pwede mo namang ibalik yun akin na at ako na ang mag aabot ng bayad sa kanya, pero sa tingin mo yung tuwang naramdaman ng anak mo ng mga oras na iyon kaya mo ding bayaran????Pwede ba lawakan mo yang pang unawa mo. He did that just to see you happy andun sya nung birthday ng anak mo, we never see him that time pero andun sya at nakikiisa sa nararamdaman mong saya para sa anak mo. Sa tingin mo magsasayang ba sya ng oras at effort para lang sa wala???sinundan ka nya dito dahil mahal ka nung tao. Hindi ka nya malapitan nun dahil ayaw nyang masira ang bday ng anak mo. After that day bumalik sya he talk to us hinahanap ka. Pero nasa school ka at may inaasikaso. Gusto nyang humingi ng tawad sa mga kasalanang nagawa nya. You know hindi naman dapat manggaling to samin ni Mama pero parang sarado ang utak mo sa pagpapatawad"..

  "Nasaktan ako ng sobra ate kaya ganito ang nararamdaman ko. Anung ini expect nya yayakapin ko sya pag nagkita kami???"

  "Hindi, diba nga sinampal mo??yun ang inasahan nya sa halos dalawang taong pag aantay sayo grabi kadin eh ang gusto lang naman nung tao ay ma explain ang side nya. Ikaw lang ba ang nasaktan sa inyong dalawa? Ikaw lang ba ang nahirapan?? Ikaw lang ba ang nagsakripisyo? Sya ba tinanung mo nadin kung hindi sya nasaktan sa paglilihim mo sa kanya?? In the first place dapat sayo nya narinig ang totoo bago pa sa ibang tao. Sa tingin mo ba hindi din yun masakit???.. gigil pang sabi ng ate nya sa kanya nanatili lang tahimik ang Ina nila.

  "Coz he judge me ng malaman nya. Itinulak nya ako palayo sa kanya. He don't even bothered listened on my explaination"...

  "Kaya ba gagayahin mo din ang ginawa nya? Ilang taon paba Ann ang sasayangin mo? Ang swerte mo na may isang taong ganun kalaki ang pagmamahal sayo. Just give him another chance to prove his self to you. Kaya nga hanggang ngayon wala kapa ding naging boyfriend  simula pag uwi mo galing Manila diba? Kasi sya padin ang nandyan sa puso mo"..

Susubok ba Akong Muli???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon