Papasok siya sa Hacienda Marasigan ang mansion ng kanyang mga magulang kung san sila lumaking magkapatid. Pagkababa ng sasakyan inilibot niya ang mga mata sa paligid ng Lugar, mas payapa nga yatang tumira sa probinsya kaysa sa Lungsod gawa ng polusyon, traffic at halos laging naghahabulang mga tao sa paligid ng kanyang condong tinutuluyan.
"Magandang umaga po señorito"...bati sa kanya ng kanyang Yaya Marie. Ito ang nag alaga sa kanilang magkakapatid hanggang sa paglaki na itinuring na nilang pangalawang Ina.
"Goodmorning po Nanay Marie.." kumusta po? Sila Mama at Papa po nasan?"..tanung nya dito kasabay ang pagmamano.
"Mabuti naman ho señorito..Naku! andun silang lahat sa swimming pool nagkakape. Ikaw nalang ang kulang"..sabay turo nito sa direksyon ng kanyang magulang.
"Ah sige po Ya.. puntahan ko na po sila"..paalam nya sa matanda. Tumango lang ito.
"Hi Ma..kumusta ang pinakamagandang Ina sa buong mundo??? Goodmorning sa lahat"..pagbibiro nya agad sa Ina sabay halik sa pisngi nito.
"Oh andyan kana pala iho?? Dika man lang nagpaabeso na uuwi ka?? Tapos bobolahin mo lang ako riyan"..nakangiting sabi ng Ina bakas ang kasiyahan sa mukha na kasama ang dalawang anak.
"Nagtatampo na yan sayo anak at antagal mong di nagawi dito eh! Mas malapit ka sa amin kaysa dito sa kuya mo na dagat pa ang pagitan bago makapunta dito"..sabi ng kanyang Papa.
"Naku kapatid mukhang mas lalo kapa yatang naging abala sa ngayon kaysa sa dati?? Mas matindi na ngayon ang pagiging busy mo..Anu meron nabang chicks???"natatawang pagbibiro ng kanyang kuya sa kanya.
"Oo nga Vin ipakilala mo naman sa amin at ng may makachikahan naman ako dito maliban kay Mama sa tuwing luluwas kami ng kuya mo at panay din naman sa negosyo ang oras nyan"..nakisali nadin c Cha sa usapan. Asawa ng kanyang kuya Val.
"Aba! Grabi kayo! Kararating ko lang ay halos lovelife ko na agad ang topic ninyo...Pulis nga talaga kayong mag asawa daig ko pa suspect kung interogahin nyo eh"..tatawa tawa nyang sabi sa mga ito.
"Naku iho may point naman yang dalawa.. your not getting any younger..wala kabang planong lumagay sa tahimik at may makatuwang sa buhay? Wala man lang kami nababalitaan ng Papa mo na nobya mo kahit sa business industry? sa dami ng anak ng business partner ng Papa mo kahit isa ay wala kaman lang naidate? You have a stable company yet you dont have girlfriend??nagtataka ding tanong ng kanyang Ina.
"Ma naman para namang antanda ko na kung makapagtulak kayo sakin sa ganyan..hindi palang din talaga ako sawa sa buhay binata tsaka hayaan mong babae ang maghabol sakin..sa gwapo kong ito??? Matatakot kang di ako makapag asawa? I can get a woman with just one snap of my finger"..nagkakamot sa ulong pagbibiro nalang nya sa Ina.
"Naku Vin mana ka talaga sa ama mo..ang taas ng confident.. Oo madaming maghahabol sa iyo given naman yun. Ang tanong dun ay kung ikaw ba talaga ang mamahalin at hindi ang kung anung meron ka sa ngayon?? wika ng kanyang Mama.
"Anu kaba Mama kung sa negosyo nga magaling yang bunso mo? Sisiw lang nalang jan ang maghanap ng mapapangasawa. Kahit sino naman yata ang ligawan nyan agad ding papayag".. pang aalaska sa kanya ng kapatid.
"Hindi naman sa pinangungunahan ka namin iho. Just choose wisely anak. Sundin mo kung ano ang tinitibok ng puso mo"..sulsol din ng Ama nya.
"Ang aga-aga hina hotseat nyo naman ako. Darating din naman ako sa ganyan siguro sadyang wala pa talaga yung nakalaan sakin. Hayaan nyo nanga malay natin pagbalik ko ulit dito dala ko na yung babaing pinaghahanap nyo sakin"..sabi ni Vin.
"Aba mukhang sa isang taon pa ho ata ang balik ni Vin dito sa hacienda Ma"..wika ni Cha.
"Ha? Bakit naman?"..tanung ng Ina.
"Kung ngayon pa nga lang ay hirap na kayong papuntahin yan dito na wala pang lovelife eh!... Papano pa kaya pag nagkaroon na??"..😆natatawang sabi ng kanyang kapatid.
"Abat yun ang hindi na pwede..maglalagi na iyan dito sa mga susunod na buwan. Lalo ngayon at ipapahawak nadin ng inyong Papa ang pamamahala ng mga banko na hawak natin sa ngayon..Lumalaki pa kasing lalo ang mga nagpapa franchise"...kwento ng kanyang Ina.
"Ano ho?? Nagtatakang tanung nya sabay tingin sa Ama.
"Pasensya kana iho at pagbibigyan ko na ang inyong Mama sa gusto nitong magliwaliw naman kami sa ibat ibang panig ng bansa na hindi negosyo ang pakay.. Tumatanda nadaw kami at ilaan naman daw namin ang oras sa isa't isa. Malayo ang iyong kuya kaya hindi sya ganun kadaling makakaluwas agad dito kaya sa iyo ko muna ipamamahala ang paghawak sa mga banko"..mahabang paliwanag ng kanyang Papa.
"Hindi ho bali at okay naman na po ang kompanya at mga transaction ko sa Manila Pa. Hayaan nyo at bukas din ho agad ng umaga ay ichecheck ko ang kompanya ninyo.. sa susunod na buwan nyo na lamang iturnover sa akin lahat. Ihahabilin ko nalang muna kay Josh ang negosyo ko sa Maynila. Madami naman na sa kompanya ko ang gamay ang pamamalalakad ko doon kaya hindi din mahirap sa akin pag biglaan akong wala"..wika nya sa magulang.
"Naku anak baka pwede mo naman kaming igala sa Maynila ulit kasama ng kuya mo. Bago man lang sila umuwi ng Mindoro".. pagyayaya ng kanyang Mama.
"Oo nga Vin para mailibot ko din si clyde doon. Tiyak magugustuhan din nito doon lalo at madaming naglalakihang palaruan sa Maynila. Sa sobrang kasipagan kasi ng kuya mo ay halos hindi man lamang kami maipasyal minsan, lumaki nalang tong pamangkin mo na puro kapatagan at dagat ang nakikita sa paligid yun nalang din ang kinamulatan"..may pagtampo pang saad ni Cha na nagpaparinig sa kanyang Kuya.
"Siya sige after ko silipin ang kompanya ni Papa bukas ay dadaanan ko na kayo dito para lumuwas ng Maynila".. sabi ni Vin sa mga ito.
"Maglibang kadin minsan iho.. baka iyon lang din ang kulang kaya ni hindi ka makahanap ng magiging nobya mo?"..pag iiba ng paksa ng kanyang Ama at ibinalik na naman sa knina nilang pinag uusapan.
"Humirit pa talaga kayo eh! Oo na po maglilibang na muna tayo at baka nga bukas ay makita ko nadin ang future ko"..pagbibiro nalang ni Vin.
Natawa nalang din ang pamilya sa tinuran nya. Sa puso ni Vin masaya syang mapaglaanan din ng oras ang magulang. Masyado nanga yatang naging abala siya sa negosyo at pati mga ito ay hindi nila napansing magkapatid na nagkaka edad na ay dipa nalilibot ang buong Pilipinas pati labas ng bansa. Kung aalis man ang mga ito ay laging patungkol sa negosyo ang pupuntahan. Napangiti sya ng maalala ang sinabi nyang bukas nya na makikita ang babaing para sa kanya. Bigla naman pumasok sa balintataw nya ang mukha ng babaing dalawang beses nyang nabangga sa daan.
~TO BE CONTINUED~
BINABASA MO ANG
Susubok ba Akong Muli???
Roman d'amourLumuwas si Ann para hanapin sa maynila ang kanyang swerte..umalis sa kanila pra itama ang pagkakamali ng nakaraan nya..Pero sa kanyang paghahanap ng pangarap ay nakilala nya si Vin isang mayamang business man.. nainlove at nagkagusto sa kanya..Nguni...