Chapter 10

11 2 1
                                    

Excited si Vin bumangon ng araw na yun. Hindi nya maintindihan ang sarili para syang teenager na kinikilig habang sinisipat ang sarili sa salamin. Gusto nya na agad syang dalhin ng mga paa sa apartment ni Ann iniisip nya lang masyado pang maaga at baka nagpapahinga pa ito. Chineck nya ang phone pero wala man lang itong reply sa kanya kagbi. Naisip nyang itext ito. "Hi Ann have a wonderful morning. Nakapagpahinga kaba ng maayos kagabi? See you mmaya"- vin here..nakangiti pa sya habang tinitipa ang mga sasabihin sa dalaga bago nya ito isend dito.

Si Ann ay maaga ding nagising ng araw ng martes na hindi naman nya ugaling gawin gawa ng gusto nyang mahaba ang pahinga tuwing off nya. Napansin na naman tuloy sya ng dalawang kaibigan. Nag aayos nadin ang mga ito para pumasok sa trabaho.

  "Aga mo noo ah?? May sakit kaba??".. bungad na tanung agad sa knya ni Jho.

"Mukha nga atang di natulog yan kakaisip sa boyfriend nya kagabi eh"..nag uumpisa na naman mang asar si Shie sa kanya.

  "Anung boyfriend ka jan. Hindi ko naman jowa yun. Nkikipag kaibigan lang sakin"..sabi nya.

  "Oo nga boy na friend tapos after nun magiging kayo na kasi manliligaw nadin sayo. Halata naman masyadong intersado sayo si Vin. Dinig namin kagabi dadalawin ka nun dito ah"..dagdag ni Jho.

  "Chismosa talaga kayong dalawa. Hindi ko alam dun mukha namang hindi seryoso yung isang yun mema lang. Masyado mo naman pinangungunahan yung isa kahit wala naman ako napapansing kahit anu sa kanya?? Tsaka matutulog lang ako buong maghapon ngayon"..sabi nya pa sa dalawa na hindi naman naniniwla sa sinabi ni Shie sa kanya. Sa ganung usapan sila ng may magtext sa kanya. Napangiti sya ng hindi nya napansin at hindi nakaligtas sa mata ng mga kaibigan.

  "Hoy!!! Sino yan. Patingin naman kmi"..inagaw na agad ni Jho ang cp nya sa kanya bago paman nya nabawi binasa na agad nito ang mensahe at naipakita nadin nito kay Shie. Halos magtitili ang dalawa sa nabasa.

  "Hoy noo yung chocolates ko ha. Tas sabihin mo minsan isama din kami kung igagala ka nyan. Bili kamu sya madami foods pag pupuntahan ka"..natatawang biro ni Shie.

  "Leche talaga kayong dAlawa. Bat ako manghihingi jan? Di ko naman kaanu anu yan. Kayo manghingi dun mukha naman close kayo nun eh"..

  "Nagselos ka naman agad. Di naman ako pansin nun. Ewan ko ba mas maganda naman ako sa inyo dapat ako yung maunang magkalovelife. Tsaka noo mukha naman mabait yun. Bigyan mo na ng chance kung sakali. Ang yummy pa naman ata nya. Haha".sabi ni Shie.

  "Ang harot mo talaga Panga. Panu ka magkakalovelife eh halos umikot na sa trabaho buhay mo. Halos pakasalan mo nanga yang trabaho mo eh. May point nga lang sya noo bgyan mo ng chance wag kana mag inarte dika naman kagandahan".. dagdag pang sabi ni jho dito.

  "Ang babait nyong kaibigan. Salamat sa encouragement ha. Wag na tayo umasa. Kung anu lang ang anjan mag enjoy nalang tayo. Mahirap ang maraming expectations tsaka wag na muna.. andami ko pang priority sa ngayon. Umalis nanga kayo. Mmya malate pa kayo eh"..pagtataboy nya sa dalawa.

  "Oo na aalis na kami. Gusto mo lang masolo si Vin eh. Magproteksyon ka noo ha para dika agad mabuntis".. tatawa tawa pang pagbibiro ni Jho sa kanya.

  "Hayop ka! Kahit kelan talaga yang bibig mo"..binato nya pa ito ng unan habang palabas ang dalawa ng pinto. Ganyan sila lagi magkaibigan pag nagbibiruan nakasanayan na nilang inisin ang bawat isa. Naglinis muna sya ng apartment sa sobrang pagod at gawa nga ng maaga pang nagising ay nakatulog si Ann kaya di nya namalayan ang oras.

Susubok ba Akong Muli???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon