5 years before...
"Oh panu ikaw nalang muna ang pumunta sa probinsya pare may kaibigan naman ako dun pasensya kana talaga sobrang sama lang ng pakiramdam ko kaya ikaw na muna bahalang makipag negotiate dun. Baka pag pinilit ko di ko pa mapaoo yung client dun".. sabi ni Josh sa kanya na halata nga sa boses ang panghihina.
"Anu kaba walang problema maganda nga yon ng maiba naman ang lugar na pupuntahan ko. Province yun kaya makakapag relax ang isip ko lagi kasi ako pinipressure nila Mama sa tuwing uuwi ako sa kanila"..
"Bakit pinaghahanap kana ba ng girlfriend?"
"Buti sana kung girlfriend eh halos madaling madali na ang mga yun makapag asawa ako eh"..
"Tama lang din yun pare para naman wag mo ipakasal yung sarili mo sa trabaho. Malay mo sa probinsya mo pala mahahanap yung babaing yun"..
"Malabo pare after ko ma close yung deal dun with the client babalik din ako agad dito"..
"Ayan kaya siguro pinagmamadali kana mag asawa kasi puro nalang nga trabaho ang nasa isip mo".. natawa nalang sya sa sinabi ng kaibigan. Mmyang madaling araw ang alis nya papuntang probinsya. May private plane naman sya kaya anytime na gusto nyang bumalik ay madali nalang. Sabi ni Josh ay ang kaibigan nito ang sasalubong sa kanya. Ito daw ang magdadala sa kanya sa pag stayhan nya dahil may hacienda daw ang mga ito.
"Hi.. Elly nga pala pare kaibigan ni Josh ikaw ba si Vin???".. pakikipagkamay sa kanya ng lalaki paglabas nya ng paliparan. Nakita nya kasi agad ang pangalan nya sa hawak nitong karatula kaya agad nya din itong nilapitan.
"Yup Im Vin. So ikaw pala yung kaibigan nya dito. Where do we stay?".. tanung nya agad dito habang pasakay sila sa kotse nitong hula nya ay matagal nading ginagamit dahil medyo may kalumaan na.
"Pasensya kana sa kotse ko. Hindi na napalitan eh. Nakakahiya tuloy sayo. Bali sa hacienda ka namin muna tutuloy".. sabi nito napansin siguro nitong sinisipat nya ang kotse nito kaya ganun na lang ang paghingi ng pasensya. Nasabi siguro dito ni Josh ang estado nya sa buhay.
"No! Its okay walang problema dont worry nagsimula din naman ako sa ganyan dati. Sipag lang pinuhunan ko para umangat"..
"Pero mayaman ang parents mo kaya kayang kaya mong bumili ng bagong sasakyan"..nagsimula na silang magkwentohan ng bumabyahe na sila papnta sa lugar nila Elly.
"Oo kaso ayoko umasa sa parents ko so I stand up my own kahit kapatid ko ganun din. We built out own business sa sariling sikap namin humiram lang kami ng kapital sa magulang namin pero siguro dahil nasa lahi na namin ang paghawak sa negosyo kaya yun mabilis lang napalago ang lahat. Pero diba may hacienda kayo? Malaki din ang kikitain sa mga ganyan lalo kung madami kayong pweding itanim sa loob ng hacienda. Buwan lang ang gugulin. Kahit nga mag ipon ka ng mga ibat ibang klasi ng hayop sa ganyan mapapalago mo talaga"..
"Kung sana hindi ko sinabayan ng bisyo baka nga lumago na ang hanap buhay ko sa hacienda. Kaso nalulong kasi ako sa sugal hindi ko napansin na malaki na pala naipapatalo ko. Hanggang sa pati ang hacienda ay naisama ko na din sa mga ipinampusta ko. Isang buwan nalang kukuhanin nadin ng bagong may ari yung hacienda kapag hindi ako nakapag bayd sa kanya. Hey! Were here ito yung haciendang mawawala nadin sakin".. pagtuturo nya sa kanilang pinapasukang malaking bakuran. Napansin ni Vin na mukhang mahalaga din yata dito ang hacienda nalulong lang talaga sa sugal kaya ganun ang nangyari.
BINABASA MO ANG
Susubok ba Akong Muli???
RomanceLumuwas si Ann para hanapin sa maynila ang kanyang swerte..umalis sa kanila pra itama ang pagkakamali ng nakaraan nya..Pero sa kanyang paghahanap ng pangarap ay nakilala nya si Vin isang mayamang business man.. nainlove at nagkagusto sa kanya..Nguni...