Chapter 7

81 2 4
                                    

Napatili si Ann ng muntik na syang mahagip ng itim na sasakyan. Mabuti at nahila sya ng kaibigan. Muntik pa syang mapaupo sa kalsada sa sobrang gulat sa nangyari. Napapahawak pa siya sa dibdib. Hindi maalis ang sobrang kaba pakiwari nya ay may mga malalaking kamay na nag uunahan sa pagbayo sa kanyang dibdib. Labis labis ang kanyang takot. Nang makabawi ay galit nyang tinitigan ang bandang driver seat ng sasakyan. Hindi man maaninag ang sakay nyon dahil sa tinted na windshield halos tumagos sa sa sasakyan ang kanyang matatalim na mata.

Nagulat si Vin sa nangyari ngunit ng makita kung sino ang muntik nya ng masagasaan dali dali nadin syang bumaba sa sasakyan. Nakikita nya pa ang takot at talim sa mata ng dalagang nakatingin din sa kanya ng lapitan nya ito.

  "Hindi kaba marunong magdahan dahan sa pag mamaneho?!!! Galit na wika nito sa kanya.

  "Naku Miss I'll just pay for the damage nalang.. hindi kita talaga napansin pagliko ko".. biglang nasabi ni Vin na kahit sya ay nagulat din sa nanulas sa kanyang bibig.

  "Kita mo?!!! Ang yabang yabang mo pa!!! Saksakan ka talaga ng ka antipatikohan eh!!  Youll pay for the damage! youll pay for the damage kapang nalalaman jan!!! Imbes na magsorry ka dahil muntik mo nakung masagasaan at pagkakamali mo naman talaga!! Aba! Heto kat sasabihin mo lang na babayaran mo??!!! Pano kung napatay mo ko?? Edi sasabihin mo dito sa kaibigan ko "I'll just pay your friends life" ganun ba?!! Hindi mo ba alam na umaasa pa magulang ko sakin??!!! Galit na galit na sabi ni Ann sa kanya.

  "H-hindi naman sa ganun Miss. Magsosorry naman talaga ako kaso...  hindi na natapos ni Vin ang sasabihin at sa isip nalang naibulong "kaso natatameme ako kapag ganitong kaharap na kita"...

  "Teka lang ha!! Pamilyar ka sakin eh!! Sinasabi ko nanga ba.. ikaw nga talaga yun!!! Ikaw yung minsang bumangga din sakin sa footbridge.. jan! Jan sa taas na yan diba?!!! Nanggagalaiti nitong pagkumpirma sa naalala.

   "Y-yes that was me...nagma---

  "Shut up! Tumahimik kana! Nanggigigil lang ako sayo lalo. Ganyan ba talaga kayong may kaya sa buhay??!! Kayong mga mayayaman??!! Mahirap ba sa inyo ang humingi ng dispensa??!! Kahit magsorry lang sa mga tulad naming nakakababa sa inyo??!!! Inis na inis nitong sabi sa kanya na hindi na siya pinatapos pa sa kung anu pang pagpapaliwanag nya sana dito.

  "Iho? Okay lang ba kayo jan? Ayos lang ba sya? Igilid mo nalang itong sasakyan mo para makapag usap kayo ng maayos. We are causing traffic here if you didn't notice".. dumungaw na sa bintana ng kanyang kotse ang kanyang Mama.

  "Nothing to worry po madam. Hindi naman po ako nasagasaan ng anak ninyo kaya wala din po syang babayaran sa akin. Pakisabihan nalang po itong anak ninyo na next time po matuto din syang humingi ng sorry, dahil hindi naman po lahat ng bagay at pangyayari ay natutumbasan po ng pera niya.  Magandang gabi nalang po".. kahit galit sa kaharap na lalaki ay hindi nya magawang bastusin ang Ina nito nagbigay galang padin sya dito kahit na gustong gusto na nyang kalmutin sa mukha ang anak nito. Naalala nya din ang Ginang kanina na customer nya din sa sinehan. Tinuruan din kasi sya ng mga magulang na magbigay galang sa mga nakakatanda sa kanya. Mapa mayaman man o mahirap.

  "Tara nanga Shie. Lalo lang akong nakaramdam ng pagod!Nakakasira lang ng gabi! Sabi nya sa kaibigan pagkatapos ay hinila nya na ito sa kamay para makatawid sila. Pero bago sumunod sa kanya ang kaibigan ay may binulong pa ito sa lalaki.

  "Naku Mister Pogi pasensya kana sa kaibigan ko. Sobrang highblood ata talaga sayo eh. Sana magkita pa kayo ulit. Mapait lang talaga sa mundo yan ngayon lalo na sa kalahi mo"..nakangiting sabi ni Shie kay Vin bago ito dali daling sumunod nadin sa patawid na kaibigan.

Susubok ba Akong Muli???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon