Papasok na sila ng nobyo sa villa ay kinakabahan padin si Ann. Natatakot syang baka hindi sya magustuhan ng magulang nito lalo sa antas ng buhay na meron sya, ganun kasi kadalasan ang nangyayari sa mga nababasa nya sa mga pocketbook.
"Magrelax kanga lang jan baby girl hindi naman nangangain ng tao ang magulang ko. Lalo pa kasing ganda mo".. nakangiting wika ng nobyo.
"Kasi iniisip ko baka matulad ako dun sa mga napapanuod ko sa tv eh tsaka mga nababasa ko sa pocketbook . Alam mo yun ayaw ng mga nanay ng lalaki sa babaing dadalhin ng anak nila. Yung tipong tutol agad yung magulang lalo sa estado ko baka gusto ng parents mo yung kaparehas nyo din na may sinabi sa buhay. Natatakot lang ako na baka hindi ako magustuhan ng magulang mo"..
"Tigilan mo nanga yang kakapanuod mo ng ganyan nkakabad vibes lang yan sayo at wag kana kabahan hindi ganun ang magulang ko. I assure you they will like you, haven't I told you before that my parents were very supported to us ng brother ko. As long as it can't causes harm to us. Just trust me okay??? Hinawakan sya ng nobyo sa kamay at dinala ito sa mga labi nito para halikan. Nabawasan ng kaunti ang kaba nya.
Pagkababa sa kotse ay halos magliwanag ang mata ni Ann sa nakita sa bulwagan palang ng bahay ng magulang ni Vin ay pakiramdam nya para syang bumalik sa pagkabata yung mga nababasa nya sa books ng mga fairy tale ay halos ganitong ganito ang itsura para syang katulong na mag aapply ng trabaho sa bahay ng isang Prinsipe. "Ang yaman pala talaga nila. Parang hindi nga talaga aq nababagay dito. Magdahilan nlng kaya ako para umuwi nalang kaso alam ko magpupumilit lang tong isang tao wala pa nmn makkatalo dito pag ginusto na ang isang bagay. Hays! Bahala na. Pwede naman ako umiyak pagkatpos, kapag bigla akong pinauwi may pamasahe nmn ako dito pabalik ng Maynila".. bulong nya sa sarili.
Manghang mangha talasa sya sa nkikita sa paligid pakiramdam nya nsa paraiso sya. Andaming mga bulaklak ang paligid at alam nyang alaga ito kasi halos lahat ay buhay na buhay naalala nya tuloy ang kanyang Ina mahilig din kasi ito sa bulaklak. "Siguro matutuwa yun si mama kung dalhan ko sya ng mga ganitong klasing bulaklak pag uwi ko. Mukha ang mamahal pa ata ng mga ito".. Habang naglalakad sila papasok ay hindi padin maitago ang kislap ng paghanga sa mga nya. Natutuwa sya sa malaking fountain na nadaan nila sumilip pa xa sa ibaba nun at halos manlaki ang mata nya sa tuwa ng makita ang ibat ibang klasi ng mga isda. "Grabi!!!! Ibang klasi. Parang ang sasarap lutuin. Haha mmya lalo pa akong mabadshot sa magulang ni Vin. Sana madala ko din dito anak ko. Hays panigurado sobrang matutuwa talaga yun dito ang lawak parang isang buong subdivision na ata to kung iisipin".. Natutuwa talaga syang pagmasdan ang mga isda. Nakikita nya lang kasi ang mga gnun sa aquarium dati tapos maliliit pa."Sobrang ganda naman dito".. narinig ni Vin na sabi ng nobya halos andun padin yung kislap sa mata nitong iniikot padin ang mata sa paligid ng hacienda. Natutuwa sya sa nakikitang reaksyon ni Ann dahil taliwas si Ann sa mga nauna nyang naging nobya. Nadala nya ndin kasi ang mga ito dito ngunit wala isa man sa dalawa ang may ganung reaksyon at papuri na narinig nya patungkol sa lugar ng knyang magulang. Kapag babanggitin nya ang pagdalaw sa mga magulang nya dito sa hacienda noon hindi man lang nya makitaan ng interest ang mga ito. Bumisita man sya sa Ina na kasama ang dating mga nobya ay daglian lang din halos walang gustong magtagal dito at gusto ay lumuwas na ulit ng Maynila. "Women are different Im lucky having her. Shes one of a kind. Shes rare and Im blessed that I get the chance to be part of her life. Oh! Man Im so inlove with this beautiful girl beside me. Wala na atang rason para hindi sya magustuhan ng kahit sino. Shes so real and she has something that no man can resist her charm.." bulong ni Vin sa sarili habang matamang nakatingin lang sa nobya. Hindi nya napigilan halikan ito ng biglaan sa pisngi. Nagulat man ang dalaga ay napangiti nalang sa kanyang ginawa. Hinapit nya sa bewang ang nobya palapit sa kanya at iginiya na papasok sa mansyon. Alam nyang inaasahan na sila ng kanyang magulang. Nakasalubong nya sa sala ang kanyang yaya Marie.
"Magandang araw señorito, magandang araw din po sa iyo señorita" bati agad ng matanda sa kanila lalo sa kanyang nobya na nakangiti pang nakatingin dito.
"Hi Ya. This is Ann. Girlfriend ko po and soon to be my wife" sabi nyang kumindat pa sa nobya sabay nagmano sa matanda.
"Hello po" nagmano nadin si Ann sa kanyang yaya tanda ng paggalang nito.
"Abay ang ganda naman pala nitong girlpren mo iho! Bat ngayon mo lamang dinala dito??
"Naku Ya! Ang hirap pasagutin nito eh. Tsaka pipili paba ako ng pangit??? Pagbibiro nya kay Yaya Marie.
"Sya dumiretso na kayo doon sa veranda at andun ang yong Papa at Mama. Malamang ay nag aabang na yun sa pagdating nyong dalawa"..
"Sige po. Thank you po".. si Ann na ang sumagot kay yaya Marie. At tumuloy na sila sa veranda kung san naandun ang kanyang Ama't Ina.
"Hi! Ma Hi! Pa" sabay ng pagmamano ni Vin sa magulang. "This is Ann. The long wait is over. Now shes her".. nagawa pang magbiro ng nobyo habang sya ay todo kaba padin.
"Magandang araw po sa inyo".. inabot nya din ang palad ng dalawang matanda para magmano sa kanila kahit na gusto na nyang himatayin sa kaba. "Ganito pala ang pakiramdam pag nakilala ang magulang ng taong mahal q. Kumalma ka heart para nakung nabibingi sa tambol mo jan sa loob".. nabubulong nya sa sarili.
"So your that girl! Do you really love our son?.. Tanung agad sa kanya ng Mama ni Vin kaya lalo pa syang kinabahan. "The last time we encountered ay galit na galit kasa kanya? Why the sudden change? Is it because of his backround? Tanung agad nito na hindi padin nangiti habang nakatingin sa kanya.
"Opo I do love your son not because of what he had now nor what he can offer. I can provide my own needs Maam without his help hindi naman po ako nangarap ng mataas and hindi po ako pinalaki ng magulang ko sa marangyang buhay. Never po pumasok sa isip ko na itake advantage ang anak po ninyo if that is your point. About last time po hindi po ako mag aapologized for what had happened between samin ng anak po ninyo nakakagalit nmn po talaga sya that time kahit po siguro magpalit po tayo ng posisyon noon ay baka gnun din po ang maramdaman ninyo".. mahabang paliwanag nya sa mga ito para tuloy gusto na talaga nyang yayain na ang nobyong bumalik na ng Maynila.
"I like this girl iho. She really stand her side. I admire her for being vocal towards her feeling. Joke lang iha. Baka bigla kang magyayang umuwi ng Manila ha. Thats just a test Im sorry. Im just a mother now I can see that my son deserves you so much your an amazing woman".. nakayuko kasi sya kaya ng inangat nya ang tingin dahil sa sinabi ng Mama ng nobyo nakangiting mukha na nito ang kanyang nabungaran.
"Pasensya kana iha. Ganyan lng talaga ang Mama nyo the last time kasi na may dinala yang anak namin dito ay halos hindi makabasag pinggan ang ugali the deep inside ay hindi naman talaga pala yun ang totoong nasa saloob. Welcome to the family! Papa at Mama nalang din ang itawag mo sa amin. Mukha namang sa kasalan nadin ang tuloy niyo nitong bunso namin"..sabi naman ng Papa nito. Ngayon masasabi nyang hindi naman pala lahat ng teleseryeng napanuod nya ay nangyayari sa reyalidad ng buhay patunay lang ang mga magulang ng nobyo na mababait at kayang tanggapin kung sino man ang mahal ng anak ng mga ito. Tama si Vin sadyang suportado nga sya ng mga magulang sa mga desisyon nito sa buhay.
"Naku bago palang naman po kami ni Vin hindi pa po namin lubusang kilala ang isat isa".. agad na sabi ni Ann.
"Anu kaba baby girl. Nasa atin na lahat ng oras para kilalanin ang isat isa. We will get there soon".. wika ng nobyo. Masyado talaga itong showy sa nararamdaman parang nahihiya pa tuloy sya sa endearment nito sa kanya kaharap ang magulang. Siguro hindi palang din talaga sya nasasanay. Alam nya ito na ang umpisa ng mabuting pagsasama nila ng nobyo. Sana dumating din ang araw na masabi nya dito ang lahat. Gusto nya munang kilalanin pa ito ng mabuti at ibalik ang pagmamahal na pinaparamdam nito sa kanya sa abot ng kanyang makakaya.
~TO BE CONTINUED~
BINABASA MO ANG
Susubok ba Akong Muli???
RomanceLumuwas si Ann para hanapin sa maynila ang kanyang swerte..umalis sa kanila pra itama ang pagkakamali ng nakaraan nya..Pero sa kanyang paghahanap ng pangarap ay nakilala nya si Vin isang mayamang business man.. nainlove at nagkagusto sa kanya..Nguni...