Chapter 3

33 3 0
                                    

Pitong buwan ang nakalipas at naging maayos naman ang kanyang trabaho. Sapat naman ang sinasahod ni Ann para makapagpadala sya sa anak at magulang, meron nadin syang kaunting ipon dahil naging matipid si Ann sa sarili. Pinasya nyang bumukod na sa kaibigan lalo at lumuwas din ang ibang kapatid nito at pamangkin galing sa probinsya dahil dun nadin daw sila magtatrabaho at dun na tutuloy kina Lissa.

"Best nakahanap na pala ako ng malilipatan ha"..wika nya sa kaibigan ng araw ng off nya.

"Ha? Saan? Tsaka bat kapa lilipat??

"Eh nakakahiya na dito sa inyo at sa mga kapatid mo. Panahon nadin siguro para bumukod ako"...

"Baka naman mapahamak ka naman nyan kapag hndi kana dito sa akin nakatira ha? Tsaka san ka naman lilipat?..tanung ni Lissa sa kanya.

"Dun lang sa bungad na kanto walking distance lang din naman mula sa trabaho ko para malapit lang din ako"..

"Bakit kasi kelangan mo pang lumipat??? Kasya naman tayo dito ayaw mo nun madami na tayo dito hindi kana malulungkot sa taas?? Nag aalala naman ako sayo. Tatanga tanga kapa naman minsan"..natatawang pagbibiro nalang nito sa kanya.

"Ah! Ganyan?? Ganyan ka talaga sakin"..sabay batok sa kaibigan na gawain na nila pag nagbibiruan.. "Wag ka mag alala tatlo naman kami dun sa apartment na lilipatan ko kasama ko dun sila Jho at Shie Yung kasama ko din sa trabaho"..

"Yung boss mo at yung isang taga teller sa bangko??pagkumpirma nito.

"Oo naging malapit nadin kasi ako sa mga yun at syempre para sayo panahon nadin na pamilya mo naman ang paglalaanan mo ng oras at atensyon... lagi mo kasi akong inaalala, na dapat para sa pamilya mo din"..
"Kung sabagay malaki naman na yang noo mo kaya alam mo na ang tama sa mali"..pagbibiro nalang nito sa kanya kahit ramdam nyang nalulungkot din ito.

"Ikaw yang nguso mo hilahin ko na yan eh!!! Kala mo talaga..
"Mamimiss kita best.. sobra"...
"Ako din naman iba padin ang may baliw na kasama sa bahay".. nakangiti nyang sabi kay Lissa.

"Payakap nga!!! Basta keep in touch ha.. sulat ka lagi.. natatawa pa nitong sabi.

"Kita mo to parang gago..ang arti mo anjan lang naman ako sa malapit lilipat. Andami mong drama jan, pero nakapagpaalam naman naku kina Mama na lumipat ng tirahan"..

"Ngayon kana lang kaya lumipat para tulungan nalang kita?? Alok ni Lissa sa kanya.

"Hindi kadin masyadong excited nuh na palayasin ako??

"Haha!!! Loka hindi naman para masilip ko din yung lilipatan mo kung safe kaba talaga dun"..

"Sige may duplicate naman na'ko dito ng apartment. Anytime daw na gustuhin ko lumipat itetext ko lang yung dalawa." Banggit ni Ann sa kaibigan.

"Kita mo ikaw pala tong ready na sa gagawin mong paglilipat eh...😩 kunya-kunyari kapang hindi aalis jan"..

"Sows!! Tara nanga mga damit lang naman ililipat ko dun..wala naman ako ibang gamit dito eh"...yaya niya sa kaibigan habang hindi pa mainit sa labas.

Nang araw din na yun lumipat si Ann ng tirahan. Hindi man buo sa loob ang pagbubukod sa kaibigan ay kailangan nadin nyang gawin dahil alam nyang hindi sa habang panahon ay mkikipisan na lamang sya sa mga ito. Kaya habang meron pa syang maayos na trabaho bubukod na sya. Pinili nya din na may kasama sa apartment para may kahati sa bayarin at hindi naman na iba sina Jho at Shie sa kanya, nung nag uumpisa palang sya sa Cinema ay naging malapit na ang loob nya sa mga ito.

"Hays! Kapagod! Tarang manuod ng sine best?"..aya ni Lissa sa kanya. Tapos na sila sa paglilipat sa bago nyang tirahan.

"Naks! Kung makayaya kala mo walang nag aantay sayo sa bahay nyo ah??"..pang aalaska ni Ann sa kaibigan.

"Ito naman minsan lang eh?!!😒 tsaka andun naman si nanay kaya may titingin kay baby inihabilin ko naman yun sa kanya"..

"Dami palusot..🙄 sya tara ng makapaglibang din minsan..hoy! KKB tayo ah..saka na yung libre..😅 wika ni Ann dito.

Nag-uusap silang magkaibigan ng papanooring pelikula habang naglalakad sa footbridge patungong Cinema nang....

"Aray ko! Shiiittt!! bulalas ni Ann ng may malakas na bumangga sa gilid nya. Saglit lang itong tumingin sa kanya tapos dumiretso na agad itong naglakad nilampasan lang sya na parang walang nangyari.

"Anak ng... Ayos ka ah! Para kang walang nakita!!! Madapa ka sana!!! Nagpupuyos sa galit na sigaw ni Ann sa lalaki.

"Bat ba laging dito sa footbridge ka nababangga?? Sabi ni Lissa sa kanya.

"Oo.. lugar kasi to ng mga tatanga- tangang tao na halos nakikipagkarera sa pabilisan ng lakad at sa dinami dami ng mababangga take note best?!!..take note!!! Ako lagi??? Nakakagigil ang pucha!!..gigil na gigil si Ann habang nagsasalita.

"Hala best!!! Baka destiny mo tlaga yan dito?? Baka dito mo mamemeet ang forever mo??? 😍 nagniningning pa ang mga mata ng kaibigan na akala mo hugis puso na sa pagkekwento sa kanya..

"Tsi! Destiny destiny kapa jan.. forever?? Walang ganun..tsaka tapos naku sa mga pa gnyan ganyan pacute..NEVER!!! At kung dun lang sa hambog at bastos ba bumangga sakin kanina??? Duh!! Wag nalang..over my dead body!!! Nakakainis..😡 gigil padin nyang bulalas kay Lissa.

"Eh best??? Di ko naman sinabing sa kanya..Baka lang destiny mong dito makilala si Mr. Right.. ganern!! Wag kang assuming jan.." kinikilig pang sabi nito.

"Magtigil kanga hindi naman yan ang ipinunta ko dito.. tsaka may anak naku remember??? Kung dati nga na dalaga pa ako hindi man lang ako sineryoso, ngayon paba?? Wala nang matinong lalaki sa mundo ngayon lalong lalo na dito sa Maynila"..sbi ni Ann.

"Ang pait mo naman 'te... meron padin naman yan.. minsan kalang nagkamali at isipin mo isang beses lang un.. Unang beses best oh unang beses??? May dalawa at tatlo pa naman sa numero baka lang nkakalimutan mo?? Malay mo this time naman merong magpapakilala sayo kung anu talaga yung Love..." nangangarap pang sabi ni Lissa sa kaibigan.

"Tigilan mo nga ako jan!!!... kahit anu pang sabihin mo? Malabo nakung maniniwala pa dun.."saad niya habang napapaisip. "Paano nga kaya kung mainlove sya ulit? Kaya nya bang masaktan na naman? At yung anak nya? Matatanggap din kaya nung taong yun? Bumigat lang ang loob nya kasi alam nya sa panahon ngayon, wala ng matinong lalaki ang magmamahal ng totoo sa babaing may anak sa nakaraan.. lalong-lalo na sa isang tulad nya.


~TO BE CONTINUED~


(Wait nalang po ulit sa next Next chapter's..dumadami din ang readers..thank you babies💕💕💕)

Susubok ba Akong Muli???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon