Chapter 9

17 1 0
                                    

Palabas na si Ann sa apartment na tinutuluyan. Nagtaka siya ng may mabungarang kotseng nakaabang sa harap nila. Umuwi lang naman sya para magbihis at aalis nadin para pumuntang banko dahil nga sya ay mag oopen acount ngayon. Didiretso na sana sya ng paglalakad. Kaso bigla din bumaba ang sakay nung kotse at nakilala nya agad kung sino ito.

  "Hi! Aalis ka??..tanung ni Vin na agad syang nilapitan siguro nakita nitong parang wala naman syang pakialam sa nakaabang na kotse sa harap ng apartment nito.
Napaawang man ang bibig  sa gulat ay bigla agad nag iba ang pakiramdam nya.

  "Bat ka nandito?!! Tsaka panu mo nalaman na dito ako nakatira?!! Stalker kaba?!.galit agad na bungad nya dito.

  "Ang init na agad ng ulo mo. Natanong ko kasi sa kaibigan mo   Yung tinutuluyan nyo and yun nga nalaman ko na half day ka. Naisip ko baka naman pwede na kitang kausapin pag dito na sa apartment nyo ko nagpunta. Alam ko kasi mali din ako na sa trabaho pa kita pinuntahan kanina".. mahabang paliwanag pa nito sa kanya.

  "Bakit kaba panay tanong sa kaibigan ko ng tungkol sakin? Diba nga pinatawad na kita sa kasalanan mo?? Anu pabang gusto mong mangyari?? Anu bang binigay mo dun sa kaibigan ko at ipinagkakanulo naman ata ako nun sayo?.. sabi nya sa lalaki.

  "My intention is good kaya siguro mabait din sakin yung kaibigan mo. Bat kaya di mo gayahin yung kaibigan mo? Harmless naman ako"..nakangiti pang sabi nito sa kanya.

  "Harmless?? Eh pag nasa malapit ka lagi akong napapahamak?? Pwede ba umalis kana lang at may lalakarin pa ako. Ayoko masira ang araw ko baka lang naman diba?? Baka lang hindi nakakahiya sayo?? Pagtataboy nya dito. Pero taliwas naman yun sa nararamdamn nya ngayon. Bakit parang gusto nyang matuwa ng makita nya ulit ang lalaking ito??

  "Hindi ko naman sisirain ang araw mo. Gusto mo samahan nalang kita sa pupuntahan mo. Isipin mo nalang driver mo ko. Gusto ko lang talaga makabawi dun sa mga naging kasalanan ko nakaraan sayo. Para hindi mo naman iisipin na sobrang sama ko".. pagpupumilit padin nito sa kanya.

"Maboboring kalang sa pupuntahan ko. Sa nakikita ko sayo ikaw yung taong hindi magtatapon ng oras ng basta2x lang. Tsaka gusto ko mapag isa kaya pwede ba umalis kana"..pataboy na sabi nya dito. Nagulat sya nung pagtalikod nya ay nagsalita ito ulit.

  "Parang ayoko na tuloy maniwala sa kaibigan mo na hindi ka naman talaga ganyan. Na mabait kana man daw talaga. Why are you so rude??? Alam mo ba na isinantabi ko pa yung makasama ang magulang ko para puntahan ka. Which is hindi ko din maintindihan yung sarili ko bakit gusto ko laging nakikita ka. Hindi ko alam bakit gusto ko mapalapit sayo. I think I like you"..sabi pa ni Vin sa kanya habang nakatalikod sya dito hindi man nya nakikita ang mga mata nito ramdam nya sa salita nito na sincere ito sa sinasabi. Bigla tuloy syang naguilty. Masyado naman ata syang naging bastos at makitid ang utak. Kaya hinarap nya nalang ito.

  "Ano bang gusto mong mangyari?? Bakit parang ngayon kasalanan ko pa ata na andito ka?? Ang lakas mo namang magpaguilty"..sabi nya dito.

  "Maybe we can start as friend??Kahit yun lang. And para hindi kadin mahirapan sa pupuntahan mo sasamahan na kita. Sorry kung ganun yung dating sayo pero I didn't mean anything. Promise okay na okay na sakin ang samahan ka"..nakangiti na nitong sabi sa kanya.

  "Make sure na kaibigan lang talaga 'to. Sige makikisakay naku sa car mo. Ikaw naman tong mapilit eh".. wag kalang magmadali mamaya kung sobrang tagal ko sa pupuntahan ko"..sabi niya kay Vin.  Sumakay nadin sya sa kotse nito. Kung tutuusin mas pabor nga sa kanya ang ganun di pa sya mabibilad sa sobrang init sa kaka commute lalo at medyo traffic pa ngaun. Sa front seat sya iginiya ni Vin tapos sumakay nadin bago paandarin ang sasakyan lumapit muna ito sa knya para maikabit ang seatbelt nya. "Ang bango naman nitong lalaking to. Akala mo hindi naarawan".. bulong nya sa sarili.

Susubok ba Akong Muli???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon