Chapter 3

90.7K 1.8K 189
                                    

Abala ako sa pagkain ng mangga ng makaramdam ako ng kakaiba, para bang may tutumitingin sakin o ano, kaya bahagya akong sumilip sa may likuran ko, gumagalaw yung swivel chair.

Is he staring at me?

That thought creeps me out. Kaya naman minadali ko na ang pagkain ng mangga, kahit pa gusto kong namnamin, ng matapos na ay iniligpit ko iyon at tumayo.

Humarap ako doon sa lalaking nakaupo, narinig ko pa ang malulutong nitong mga mura kaya napailing ako at napapangiwi, ipinaglihi ba siya sa mura o smaa ng loob?

Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at kinausap ito kahit na hindi ko sigurado kung kakausapin niya ako.

"Excuse me Mister, pasabi naman po kay Dravin na aalis na po ako at pasabi na rin po na salamat sa binili niyang mangga para sa'kin, salamat po." nakangiting sabi ko kahit na hindi ito nakaharap sakin, tinalikuran ko na siya at akmang hahawakan na ang door knob ng may maalala ako. Hinarap ko itong muli.

"Nga pala, Pasabi naman sa kaniya na sobrang cute niya, hihi." Sabi ko at mabilis na umalis pero kahit sa pag-alis narinig ko pa din ang malutong nitong mura, napangiwing umiling ako at nilisan ang opisina.

Bakit ko nga ba sinabing Cute si Dravin? Cute naman talaga.

At ngayon, problema ko ang masasakyan ko, pagkalabas ko ng kompanya agad akong naglakad pa punta doon sa paradahan ng mga sasakyan, nakaramdam naman ako uhaw, parang gusto ko ng Coke na white, weird na ba talaga ako?

Saang lupalop naman ako makakahanap nun?

Halos tumalon palabas ang puso ko sa sobrang gulat ng may bumusina, magagalit na sana ako ng makita ko kung sino ang nasa loob, it was Dravin Cutieeee!

Siya na ang sagot ng kailangan ko.


"Hey, hop in Miss De Carlo, I'll drive you home." nakangiting saad nito.

Bago ako pumayag na sumakay, sinabi ko na ang gusto kong hinging pabor dito.

"Dravin, please favor naman oh?" at nagpacute sa kaniya na agad naman niyang ikinaiwas, I pout my lips ng hindi pa ako nito nililingon, hinawakan ko ang braso niya at doon lang siya lumingon.

Napunok ito at sumilip sa paligid at bigla na lang itong namutla na para bang nakakita ng multo, tumingin ako kung saan ito nakatingin pero wala namang tao, weird.

Nang pagharap ko ay may kausap na ito, gaya kanina, nagmumura ito pero tagatak ang pawis, sinong kausap niya? Bakit parang takot ito?

"Oh come on you know---damn, fine, I will okay?!!" tila pagalit pero kinakabahang pagsuko nito bago ibinaba ang tawag, at ganun na lang din niya kabilis baguhin ang expression niya, bigla ay naging maaliwalas ang mukha nito at nakangiting tumingin sakin.

Weird talaga.


"What do you want again?" tanong niya na hinidi sigurado.

"Coke na white."

Malutong itong napamura at hindi maipinta ang mukha niya,

"Okay, wait me here and I will find that non-existing coke na white for you." paalam nito bago paandarin ang sasakyan niya, ni hindi man lang niya ako hinayang magsalita uli.

Sa huli ay natawa na lamang ako sa sariling kagagawan, seryoso? Talaga bang ibibili niya ako ng Coke na White?

Well good luck to him, sana may mahanap siya. Naiiling na tumawa ako at naghanap ng mauupuan, ng uupo na sana ako ay ganun na lang ang gulat ko ng may dalawang lasing na lalaki ang bigla na lamang humawak sakin.

CAPTIVATED BY VASH CALVINDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon