Chapter 23: Feelings

43.3K 992 47
                                    

CAROLINE's POV

"C-Caroline, can you go out for a while? Nasa labas ako."

Inayos ko ang sarili, alas nuebe na ng gabi, ano namang ginagawa sa labas ni Dravin at saka nakainom ba siya? Binaba ko na lamang ito upang alamin kung bakit naparito siya.

Pagkababa ko, nakita ko itong nilalaro ang susi sa kamay nito, ng mapansin niya ako, pasuray-suray iting naglakad patungo sa kinatatayuan ko, agad ko itong dinaluhan ng mapansing babasagsak na siya. "Dravin! Magiingat ka! " sabi ko, buti na lang ay nahawakan ko siya agad, nginitian ako nito at nagulat na lamang ako sa ginawa niya, he hug me tight, amoy na amoy ko ang alak na marahil ininom nito, mabigat ang hininga niya.

"Dravin?" Tanong ko, nailang ako sa ginawa niya pero mas hinigpitan nito ang pagyakap sakin. Ano bang nangyayare? Tahimik ito, pero mas ikinagulat ko ng marimig ko ang mahinang paghikbi nito, ramdam ko dahil naka patong ang ulo nito sa may balikat ko.

Ano ba kasing nangyayare at bakit lasing siyang pumunta dito, umiiyak pa siya?

"Please, kahit limang minuto lang, let me hug you..." natigilan ako, hindi ko na ibinuka pa ang bibig ng sabibin niya iyon, baka malaki ang problema nito kaya ako ang nilapitan niya, at kung ano man iyong problema niya, sana ay kayanin niyang lagpasan. "Do you remember the day I told you, I love someone?" tanong nito, anong meron doon? Nasabi na nga nito sakin iyon. Iyon ba ang dahilan kaya siya naglasing? Dahan-dahan akong tumango. Nagsalita ito habang nanatiling nakayakap sakin.

"I'm hugging her right now..."

Napasinghap ako sa sinabi niya at lalo lamang naguluhan ang isip ko, anong ibig nuyang sabibin? He's hugging her right now? Ako ba ang tinutukoy niya? Hindi agad ako nakapagsalita, pilit ko lang prinoproseso ang mga narinig mula sa kaniya.

"The one I'm talking, the girl I love the most, Is you.." at doon nalayan ko na lamang na hindi na nakayakap sakin si Dravin, at nakita ko na lamang na nakasalampak ito sa sahig at putok ang labi, nanlalaki ang mata ko ng makita si Vash na madilim ang tinging pinagsusuntok si Dravin.

"Oh god! Vash! Stoooop!!" Pagpipigil ko, pero hindi sapat ang lakas ko para mapigilan ito, naiyak na ako ng makitang nagdurugo ang labi ni Dravin at pilit pa ding nagpapakawala ng suntok.

"I told you, that forget your feelings for her ng hindi tayo magkagalit! Damn! What's this now? You're betraying me? You choose to be my rival?! Huh! Damn you!!" Sigaw ni Vash, kaya ang tanging nagawa ko na lamang ay ang yakapin ito, at doon tumigil siya, nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon, habol-habol nito ang sariling hininga.

"Please, stop Vash, maawa ka naman kay Dravin, bugbog sarado na siya!" Sigaw ko, hinarap naman ako nito at pinunasan ang luhang kunawala sa aking mga mata. "Hush, okay, I'm sorry, I didn't mean to beat him." Sabi nito, kitang kita ko sa mata niya na kalmado na ito, kumpara kanina na sobrang dilim nun...

Nakita kong lilit tinayo ni Dravin ang sarili kahit pa namimilipit ito sa sakin na natamo, gusto ko man siyang alalayan pero nakahawak itong si Vash ng mahigpit sakin. Ayaw niya akong palapitin kay Dravin, umiling ito ng tignan ko siya. Walang emosyong tinapunan niya ng tingin si Dravin. Napapikit ako at kinagat ang ibabang labi.

Pinunasan ni Dravin ang dugo sa labi nito, at tumingin sa gawi namin, at kay Vash. "You think by just reminding me and telling me, madali na saking kalimutan ang nararamdaman ko para sa kaniya?! That's bullsh*t...." Sabi nito at tinalikuran kami, pero huminto ito, humigpit naman ang hawak ni Vash sa kamay ko, halatang nagtitimpi ito.

"Vash, please, tama na." Pakiusap ko, tumango lang ito.

"I'm broke Vash, Im so damn broke, masama bang sabihin ang totoong nararamdaman ko? Palibhasa hindi mo nararanasan kung ano ang nararanasan ko.. To tell you, I will never be your Rival, I know my place Vash." huling sabi nito na ikinatigil namin ni Vash, nagaalangan akong lapitan si Dravin ng pumasok ito sa sasakyan niya, lasing ito, kaya pa ba niyang mag drive pauwi? Agad naman akong nakaramdam ng kaba ng paandarin niya ang sasakyan, humabol si Vash upang pigilan sana ito pero nakaalis na ito, at sobrang bilis ng pagpapatakbo nun.

Sinabutan naman ni Vash ang sariling buhok habang nakatanaw sa papalayong sasakyan ni Dravin, kinuha nito ang phone sa bulsa at may tinawagan.

"Rocan, track Dravin's Car at sundan nyo, that jerk is drunk."Sabi nito bago ibinaba ang tawag at nilapitan ako. Walang nagsalita samin, gusto ko man siyang tanungin kung bakit ganun si Dravin, at kung totoo bang ako yung babaeng tinutukoy nito pero tila na pipi ako at hindi ko magawang magsalita, sa halip tumingala na lang ako upang pagmasdan ang mga nagsisiningningang mga bituin, pakiramdaman ang malamig sa gabing madilim at pilit winawaksi sa isipan ang kaguluhang nangyari kanina.

Niyakap ako nito sa may likod, at pinatong ang mukhan nito sa may balikat ko, nakaramdam naman ako ng kakaiba sa may tyan ko, ito ba yung sinasabi nilang paru-paru? Hindi na rin normal ang pagtibok ng puso ko, habang patagal ng patagal ang pagkakayap nito sakin, pabilis ng pabilis at palakas ng palakas ang pagtibok ng puso ko.

Ramdam ko ang init ng kaniyang pahinga sa may bandang Leeg ko, and it give shivers to me

"Your thought about Dravin's confession?" Tanong nito at hindi ko inaasahang tatanungin niya iyon, wala akong makapang salita, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin, hindi ko naman kasi inakalang ako ang tinutukoy ni Dravin, may alam ba si Vash tungkol dito?

"I see, let me confess my feeling too."

Napasinghap ako ng sabihin niya iyon, napalunok ako ng ilang beses at nagsipatakan ang mga pawis sa noo, confess his feelings?

Nagulat ako ng iharap niya ako sa at muli, nagtama ang kulay abo nitong mga mata sa kulay chocolate kong mga mata, a mix of emotions was seen by his eyes.


"I like you."

By just that, paramg gusto kong tumakbo sa kung saan at magtago upang maproseso ng utak ko ang sinabi nito. WALA AKONG MASABI! Caroline speak up! Pero taksila ng binig ko, hindi man lang bumuka.

Ngumiti ito at niyakap nito akong muli.


"Its okay, you don't have to answer it Caroline, sinabi ko lang kung ano ang nararamdaman ko, But I'll be haply to hear you saying you like me too.."

Nakakabigla ang lahat ng nangyayari, nananaginip ba ako?



JMworks
Joanna Marie
Ps. Hope you enjoy guysss..







CAPTIVATED BY VASH CALVINDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon