Chapter 18: Roses

48.2K 1.1K 60
                                    

6 months....

Anim na buwan ng pinagbubuntis ni Caroline ang anak nito, sabi ng doctor ay okay naman daw siya, hindi muna niya pinapacheck kung anong gender ng magiging-anak niya, simula ng magumpisa ng lumaki ang tyan niya at halata na ang pagbubuntis niya, pinahinto muna siya ni Vash sa pagtratrabaho at alagan muna nito ang sarili at ang pagbubuntis niya.

Halos araw-arawin ni Vash ang pagdalaw sa kaniya..

Minsan, hindi niya maintindihan amg pinaggagawa ng binata, ingat na ingat ito na hawakan siya at baka daw madulas ito o kung ano, kung maaari lang ay halos hindi na siya palabasin ng binata sa sariling kwarto at ito mismo ang magsisilbi sa kaniya, pero ayaw naman niyang maging pabigat sa binata, kaya naman niya at hindi naman niya hahayaang may mangyaring masama sa kaniya, natatakot din siyang mawala ang baby niya kaya iniingatan nito ang sarili, lalo na sa paghakbang.

"Anak, andito si Vash..." hindi na siya nagulat ng isigaw iyon ng kaniyang mama, gaya nga ng sabi niya, halos araw-araw andito ang binata upang alalayan siya at gawin ang gusto nito, ngayon ay hindi nagiisa ang binata nasa hagdan pa lang siya ay ganun kabilis ang binatang nakalapit sa kaniya at inalakayan ito makababa, naamoy tuloy niya ang mabangong amoy nito. Ng tuluyan na silang makababa, napatingin siya doon sa napakaraming mga rosas sa lamesa, may mga chocolate din ito, ng patingin siya kay Dravin ay nginitian lamang siya nito, "Tsk, stop staring at her Dravin, tanggalin ko ang mata mo dyan.." natawa ang dalawa sa inasal ni Vash, naninibago siya sa inaakto ng binata pero hinayaan niya na lamang ito at uupo sana sa tabi ni Dravin ng unahan siya ni Vash at bago ito pinatabi sa tabihan niya. Sumipol lamang ang isa at umismid.

Napailing na lamang siya na tila para bang ayaw ng binata na nalalapit siya sa ibang lalaki, kahit si Dravin pa ito wala namang sila yun ang pinagtataka niya, malayong malayo sa inaakto ng binata, dinaig pa nila ang mag karelasyon sa ginagawa nila but for Vash, wala siyang pakialam, as long as he's with her ay ayos na iyon sa kaniya tumikhim si Dravin ng mapansing nagkatitigan ang dalawa mismo sa harap niya, napainom malang ito ng tubig.

"Get a room.." sabi nito, pero batok ang inabot niya sa kaibigan, hinamas niya ang ulo at agad sinamaan ng tingin si Vash na ngayon ay tinignan lang siya nito na para bang walang ginawang kalukuhan, umiling na lamang si Dravin.
"Nga pala, ginising ako nitong si Vash kaninag madaling araw para lang paghanapin ng mga rosas, halos magdamag yata akong nagmumura sa daan ng hindi ako makakita na nagbubukas ng maaaga, plus yung antok na antok pa ako, mabuti na lang kamo masipag akong maghanap, so here Roses for you, beautiful---ouchh!" at muli nabatukan nanaman siya ni Vash and this time mas doble ang sakit nun, nakita niya ang pag-irap sa kaniya ng kaibigan at hindi nagustuhan ang sinabi nito. Nagbibiro lang e sa isip ni Dravin.

Kinuha ni Vash ang mga Rosas sa kamay ni Dravin at inismiran ito, saka hinarap ang nanunuod lamang sa kanila na dalaga, kahit malaki na ang tyan nito, hindi pa rin nababawasan ang ganda nito, still she's gorgeous and look stunning in his eyes, nginitian niya ang dalaga bago ibinigay ang mga rosas dito
"You're more than beautiful than these roses." his manly voice made her more blush, pulang-pula ang dalaga at nakaramdam ng init, pinaypayan pa nito ang sarili at natawa lang ng mahina ang binata sa ginawang iyon ng dalaga.

Hindi mawari ni Dravin kung ano ang dapat maramdaman, lungkot o saya, pero magkahalo iyon, masaya siya at masaya ang dalawa sa isat-isa, but he's sad knowing he can't be like him, like Vash na magugustuhan ng nagiisang babaeng mahal niya.

"Stop staring at my girl if you don't want me to skin you alive right here in front of her." Napangiwi siya sa binulong na iyon ng kaibigan, kahit kailan ay napaka lupit talaga nito, parang tinititigan lang e, "Possessive, tsk." narinig iyon ni Vash kaya ngumisi ito.

Tahimik siyang nagbabasa ng when Vash suddenly brought up the topic about him and his girlfriend Sandra.
"Sandra is calling for the nth time, hindi ko sinasagot, wala akong oras at alam ko namang ikaw ang hinahanap niya, why don't you entertain your girlfriend?" napatingin sa kaniya si Caroline ng may gulat sa mukha. "May Girlfriend ka?" tanong ng dalaga, dahan-dahan itong tumango at umiwas, Vash really knows how to annoy him, nawala ang mood nito at nakaramdam ng inis, pero tinapik ni Vash ang balikat niya at tapatingin siya roon.

"Sandra don't deserve to be treated like this, Dravin be a man." bumuntong hininga ito ng malalim at walang emosyong tinitigan ang kaibigan na ikinabigla ni Vash. "You know me Vash, You know everything about me, about the girl I like the most, everything, huwag mo sanang kwetyunin kung ano ang ginagawa ko sa kaniya, we already talk about that, she just insisted herself to me, wala akong magagawa doon." Natigilan ang dalawa sa sinabing iyon ni Dravin, napansin naman nito na hindi na kampanti si Caroline na baka mauwi lang sa away ang magkaibigan.

Tumayo ito at ibinulsa ang mga kamay sa pantalon nito at maaliwalas ang mukhang nagpaalam ito sa dalawa
"I need to go, you're right. She's my girlfriend, maybe I'll give a try to make this relationship work." at tinalikuran nito ang dalawa na hindi na nagawa pang magsalita.

Nasuntok niya ang pader ng makalayo ito, nakita naman niya ang pagdugo nun, pero hindi niya iyon inintindi, ng makapasok siya sa sasakyan ay napatingin siya sa itinabi niyang Rosas, balak niya itong ibigay kay Sandra, kaya pinabilis niya ang pagpapatakbo ng sasakyan upang puntahan ang kasintahan.

Huminto siya sa isang Coffee shop kung saan naroon ang girlfriend, she owns this coffee shop, dito rin sila unang nagkakilala, at dito rin sila sa lugar na ito ipinagkasundo, nakita niyang nakaupo ang babae at tahimik na umiinom ng kape, napaayos siya. Nakasuot ng simpleng shirt at denim pants ang babae, napaka simple nito habang ang buhok nitong may pagkakulot ay nilagyan ng clip that made her more gorgeous in her simplicity inayos nito ang sarili at kinuha ang mga rosas saka ito pumasok sa coffee shop.

Lahat ng mga babae ay napatingin sa kaniya, ang iba ay natulala at ang iba naman ay kinikilig, pero nasa isang babae lang nakatuon ang atensyon niya, sa babaeng hindi niya maintindihan kung hindi niya ito magustuhan kahit pa dalawang taon na silang magkasintahan.

Gulat ang makikita sa mukha ng babae, hindi nito inaasahan na dadalawin siya ng kasintahan, nangiligid ang luha nito ng mapagtanto na dinalaw siya ni Dravin, sa tuwa ay niyakap siya nito ng mahigpit at hindi makapaniwala na totoong naririto ang lalaki, mismo sa harap niya at may dala pa itong bulaklak, ibinagay ng lalaki ito sa kaniya.

"Thankyou, nag-abala ka pa, what do you want? Caramel or just plain black coffee?" tanong nito, gusto nuyang mapamaang, ni kape gust nito ay hindi niya makabisado. Hindi nagsalita si Dravin, kaya matagal na nagkatitigan ang dalawa, ngumiti ng matamis ang babae sa kaniya.

"Let's breakup..."

That's what he want, ang maging malaya silang dalawa. Bumagsak ang mga rosas na hawak ng babae at kasabay nun ang mga luhang nagsisiunahan.

Hindi kaya ni Dravin na isalba ang relasyong hindi naman niya ginusto..

"You don't deserve to be treated like this, I can't give you my love if I'm loving someone, masasaktan ka lang, so I let you go, stop chasing me."

"Thankyou for everything, but find a man who will love you endlessly, without hurting you." at yun na ang huling salita na narinig ng babae bago siya iwan ng kasintahan.

Napatingin siya sa rosas na pinakahuling regalo na galing sa kaniya, agad niya iyong pinagpupulot at inayos, at least for the first time, in the past two years na mag karelasyon sila, he finally give a roses to her...

She will cherish it....

JMworks
Joanna Marie
Ps. Enjoy reading luvs. Pinagiisipan ko kung ano ang magiging lovelife ni Dravin hahaha, so ayon hope you are doing well lovelots.

CAPTIVATED BY VASH CALVINDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon