Chapter 39: Forgiveness

39K 843 54
                                    

Hindi pa rin humuhupa ang galit na nararamdaman ngayon ni Caroline mula ng gabing malaman niya ang panlolokong ginagawa sa kaniya ni Vash, punong-puno ng hinanakit ang puso niya, wala siyang ibang maramdaman para sa lalaki kundi ang galit, galit na gustong-gusto niyang saktan din ito.

Nakaluhod at naliligo sa napakalakas na ulan si Vash, ito lang ang naisip na paraan na baka sakaling mapatawad siya ni Caroline, nagumpisa na din manlamig ang buong katawan nito perp iniinda niya lamang iyon, alam niyang hindi pa din ito sapat sa mga nagawa niya kay Caroline, at handa siyang manigas sa lamig, mapatawad lamang siya and he even willing to die for her forgiveness, malatawad lang siya nito.

Mariing nanunuod lamang si Dravin sa nakaluhod na kaibigan, dahan-dahan nitong iniling ang ulo pakanan at pakaliwa, naawa siya para sa kaibigan, kung tutuusin ay naipit lamang si Vash sa sitwasyon at kung siya ang nasa kalagayan ng kaibigan ay gagawin din niya ito, tumingin siya sa kaniyang relo, alas nuebe ng gabi ng makarating sila rito at sa oras kahit malakas ang ulan ay nagawang lumuhod ni Vash, at ngayon mag mamadaling araw na, kitang-kita niya kung paano manginig sa lamig ang kaibigan, ikaw ba naman ay magbabad ng ilang oras sa ulan napamura na lang siya at agad na kinuha ang payong upang lapitan ang kaibigan damn! He's willing to die for her. Binuksan nito ang payong at agad niyang isinilong iyon sa kaibigan, napatingin siya sa saradong gate at napabuntong hininga ito, wala yatang balak pagbukasan sila ng gate.

"We need to go out of here Vash, you're cold, and you'll die here if you didn't get up." hinawakan nito ang braso ni Vash ngunit tinabig lang nito ang kamay, napapikit siya, alam niyang magmamatigas ito kaya naman agad niyang kinuha ang phone nito sa bulsa at tinawagan si Gerrar, ang pinsan nito, hindi na siya nagabalang tawagan ang grupo dahil tiyak itong maraming ginagawa ang mga iyon.

Mga ilang sandali ay may humintong sasakyan sa tapat nila at inuluwa nun ang pinsan ng kaibigan, nagtatakang napatingin ang lalaki sa kanila at ng makita ang kalagayan ni Vash ay napamura ito at agad na dinaluhan.

"Damn Vash! What the hell are you doing? Get up man! You're freezing." Pero gaya ng nangyari kay Dravin, tinabig ni Vash ang kamay nito, doon ay hindi na alam ang gagawin ng dalawa, ayaw tumayo ni Vash kahit pa nauumpida na itong mawalan ng malay, nanlalabo na ang mga mata ata nagawa pa nitong mapatingin sa nakasarang gate, may huli pa itong sinabi bago mandilim ang paningin nito.

"I'm J-j-just p-protecting y-you a-all..."

At bumagsak ang katawan nito at hindi na nakayanan pa ang lamig, sabay na napamura ang dalawa at inalalayan si Vash papasok sa sasakyan ni Dravin at agad nila itong dinala sa malapit na ospital. Halos takasan ng kakuluwa si Caroline ng makita kung paano akayin ni Dravin at hindi niya kilalang lalaki ang walang malay na si Vash, basang-basa ito, nakatingin lamang siya roon hanggang sa makaalis na ang mga ito, napaluhod na lamang siya.

"What did I d-do?"

NAPAMULAT na lamang si Vash na puti sng lahat, agad siyang napabalikwas pero nakaramdam ito ng pagkahilo, mabilis na kumunot ang noo nito ng makitang may nakatarak sa kamay nito, at doon nalaman niyang nasa ospital ito, at lahat ng nangyari ay naalala nito. Napahiga siya uli dahil kumirot angulo nito na may benda. What is this? Nagtatakang tanong niya, napatingin siya sa pinto ng biglang bumukas iyon, at inuluwa nito ang kaibigan at ang pinsan nitong si Gerrar, may dala itong mga pagkain.

"At last you're awake, I even closed my bar for 2 days just to take care of you jerk." Sabi ng pinsan habang nilalapag nito ang mga prutas at lutong pagkain.

"Two days?" Tanong nito. Tumango naman ang pinsan, saka nagbalat ng mansanas at ibinigay nito iyon sa kaniya, he hates apple but his cousin insisted, wala siyang nagawa kundi ang nguyain iyon ng may masamang tingin, umiling lamang ang isa.

CAPTIVATED BY VASH CALVINDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon