"Thank you Dravin, baka gusto mong pumasok? Magkape ka muna, pasasalamat lang sa paghahatid mo sakin." sasagot na sana siya ng biglang tumunog ang phone nito, tumingin siya doon at kumunot ang noo, tumingin ito sakin bago ito nagsalita.
"Gustuhin ko man sanang tangnggapin ang alok mo pero baka kinabukasan mabalitaan mo na lang na pinaglalamayan na ako." Hindi ko alam kung seryoso ba siya.
"Nangjo-joke time ka ba?" Takang tanong ko.
Nakangiting umiling lamang ito bago ay nagpaalam na.
"Sige, ingat ka pauwi ha?" pagpapaalala ko, tinguan lamang ako nito bago bago siya pumasok sa kaniyang sasakyan at sinimulan ng paandarin ang sasakyan nito ng sobrang bilis, kasasabi ko lang na mag-ingat, tsk.
Nagulat ako ng makita sila Mama at Papa sa labas ng bahay, may tingin na mapanuri, nagtatanong, umiling ako at lumapit sa kanila, napatingin ako doon sa Itak na hawak ni Papa at sa kawaling hawak ni mama, nanlalaking tinignan ko sila.
"Huwag niyong sabihing balak niyong gamitin yan kay Dravin kanina?" hindi makapaniwalang tanong ko, agad naman silang nag-iwas ng tingin at kaniya kaniyang tago ng mga hawK nila, hindi mapakaniwalang inilingan ko nag naging akto nila.
"Malay namin anak kung nahanap mo na iyong lalaking nakabuntis sa iyo, hindi ba iyon?" tanong ni Mama, umiling ako at inaya na silang pumasok.
"Hindi Ma, wala nga siyang tatoo ni hindi kulay abo ang buhok niya, desenteng tignan si Dravin Ma, malayong siya iyon." Nanghina ang boses ko, sinong hindi kung ang pinag-uusapan namin iyong nakabuntis sakin, malaman ko lamang kung sino iyon, I will going to cut his toot!
"Sa tingin mo ay adik at hindi desente iyong nakabuntis sa iyo?" nanlaki ang mata ko sa tinanong ni mama, nakita ko ang tubig sa mesa kaya agad ko iyong kinuha at nilagok, saka hingal na humarap kay mama, seryoso ba siya?
Drug addict? No way!
Pero hindi imposible,
Argh!
"Ma naman, hindi ko sinabing adik at hindi desente, sinasabi ko lang na malabong maging si Lintik si Dravin." sabi ko, tumawa si mama ay pinahinahon ako.
Pero napaisip ako din ako sa huli, hanggat hindi ko nakikilala iyong lalaki, mananatiling masama siya sa paningin ko, bakla, gago, walanghiya at kung ano pang masamang bagay na deserve niya.
Pumasok na ako sa kuwarto at humiga, naisipan kong mag open ng instagram, as always, maraming nagmemessage sakin mga sidelines na hindi ko naman gusto, may iba naman na gusto akong maging model ng produkto nila kaso ayaw kong binabalandra ang mukha ko kung saan saan, pero may isang message doon ang umagaw ng atensyon ko kasabay ng pagkunot ng noo ko, naipadala ang message around 10am, napatingin ako sa relo ko, it was already 12pm,bago bago lamang, I click it, lalong nangunot ang noo ko sa name nito.
captainV
Hi, you okay now?Clinick ko ang Account niya at naka private iyon, agad kong muling binasa iyong message niya sakin, bakit niya ako kinakamusta? Wala akong maalala na kakilala ko siya o ano, lalaki ba to o babae?
urgirlcaroline
Who are you?Balak ko na sanang isara ang phone ko ng tumunog ito, nagulat ako ng makitang wala pang minutong nireplyan ako nito, agad akong bumalik sa pagkakahiga.
Wow, ambilis naman niya mag reply! Keyboard warrior to for sure. Umiling ako at binasa ang reply niya.
captainV
Guess who am I baby..
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED BY VASH CALVINDER
RandomCaroline Vixelle De Carlo, a 23-year-old woman, finds herself heartbroken after being dumped by her first boyfriend. Seeking solace, she drink alcohol, hoping it will numb her pain. However, fate has other plans for her. One fateful night, Caroline...