Chapter 43: Calvinder Clan

33.2K 795 21
                                    

Hindi alam ni Caroline kung ano ba dapat ang maramdaman nito ngayong silang apat ay nakatingin lamang sa malapalasyong tahanan ng mga Calvinder, hindi niya naisip na ganito kayaman ng sobra ang pamilya na kinibibilangan ng lalaking pinili niyang mahalin, hindi maiswasang mahiya at di hamak na walang panama ang buhay na meron siya sa buhay ng lalaking mahal niya. Langit at lupa sadya talagang sinasampal sa kaniya ang katotohanang malaki ang pagkakaiba nilang dalawa, tila gusto niyang tumakbo palayo kasama ng mga anak niya at umiyak sa isang tabi at mag mukmok.

Nanlalamig ang kamay nito habang iniisip ang mga posibilidad na maaring mangyari, iniisip nito na baka hindi sila magustuhan ng pamilya ni Vash, lalo na ng makita niya kung gaano kasungit ang ina ng lalaki noong event ilang linggo na ang nakalipas, hindi niya mabilang kung ilang beses na siyang napapalunok at napatingin sa mga nakaparadang sasakyan sa labas ng mansyon, napakarami nun at naalala niyang lahat nga pala ng kamag-anak ni Vash sa ibang bansa ay umuwi pa para lang makita sila, sinong hindi kakabahan, wala lang sa kanila ang magsayang ng pera, napapangiwi at iling na lamang siya sa iniisip.

Naramdaman niya ang mainit na pagakbay sa kaniya ni Vash at napatingin siya rito, nginitian siya nito na agad naman niyang binigyan din ng matamis na ngiti, ang tatlong anak nila ay magkakasama at nasa unahan, nakasuot ang mga ito ng polong itim gaya ng sa ama nila, may kaniya-kaniyang salamin ang mga ito na kapwa nakasuot, may pagkakaiba naman sa suot nila, ang mga sapatos, napailing na lamang siya sa lakas ng appeal na meron ang tatlo, gumagaan ang pakiramdam niya pero alam niyang bibigat at lalong bibigat pa kapag nakaharap na niya ang pamilya ni Vash.

"You're tense, relax baby, I'm holding your hand and no matter what happen I'm on your side."

Pilit pinalakas na Vash ang loob niya at kahit papaano nawawala iyong bigat, napahinga siya ng malalim bago sabay nilang tinungo pinto papasok sa mansyon, kusang bumukas ang pinto at hindi talaga nila maiwasang mapamangha sa ganda ng lugar na ito, napakaganda sa mata, ngunit halos mabuhusan siya ng malamig na tubig ng makita ang mga eleganteng tao sa may napakalaking sala at tiyak niyang hinihintay sila ng mga ito. Napayuko siya upang tanda ng paggalang, ang mga pinsan ni Vash ay napapangisi na lamang at ang iba at napasipol, hindi inaakala ng mga ito na napakagandang babae ang nabingwit ni Vash, kinilitas ng mga ito si Caroline, at ang iba ay hindi maiwasang matuwa sa tatlo na isa-isang nagsi-mano sa mga nakikita nilang mas nakakatanda sa kanila. They are well-mannered sa isip ng isa at napngiti sa tatlo.

Hindi maipagkakailang anak nga ni Vash ang tatlo dahil sa karisma at itsura pa lamang ay hindi na maikukubli pa. Tumikhim ang ama ni Vash at tumayo upang salubingin ang mga ito, pumikit si Caroline at hinanda na nito ang sariling masisinghalan ngunit ilang minuto ang lumipas ay walang nangyari bukod sa nginitian siya ng ama ni Vash at malugod na pinatuloy sa mansyon.

"Welcome ihja, at last we've met again, and please let is introduce ourselves to you, alam kong hindi maganda ang impresyon mo amin kaya nais naming linisin sa isip mo ang masang nangyari.." at ngumiti ang ama ni Vash sa kaniya, pinaupo ni Vash sa tabi niya si Caroline.

"Nice taste couz, buti pinatulan ka ng magandang binibining ito? Knowing you." Isa sa mga malolokong pinsan ni Vash ang laging sumisira sa araw nito kaya pinilit ni Vash na huwag singhalan ang pinsan, lalo na at minsan na lamang niya ito makita, 9 silang magpipinsan at puros mga lalaki sila, hindi nila alam kung bakit hindi madagdagan ng babae sa angkan nila, naramdaman ni Vash ang panlalamig na kamay ni Caroline kaya mahigpit niya iyong hinawakan.

"Mom, dad and to all people gathered here, my family, my relatives, the whole Calvinder Clan, I want to sent my deepest gratitude to all of you, may I introduce you my life, Caroline and our triplets." napatayo si Caroline at muling yumuko, pinigilam siya ni Vash at umiling ng makitang tumingin sa kaniya ito, ang iba ay natutuwa sa galang na ipinapakita ng mga ito.

"Vash, I'm afraid that this lady is so good to be yours, what do you think?" Seryoso lamang na tumingin si Vash sa nakatatandang pinsan nito, isa ito sa mga pinsan niyang ayaw niyang makita ang pagmumukha pero walang siyang magagawa kahit pa na ayaw nito sa lalaki ay parte pa din ito ng angkan nila. Sa huli, nginisian ni Vash ang isa.

"And I'm afraid too that you might lose your gorgeous face, what do you think?" namumuo na ang init sa pagitan ng dalawa kaya agad silang inawat ng iba. Napailing na lamang si Vash sa inasal na iyon ng pinsan na si Ryzen, kahit kailan ay hindi niya nagustuhan ang ugali nito.

"Ryzen shut up, have some manners please, nakakahiya." Sita ng isa sa mga tiyahin ni Vash, humalukipkip naman si Ryzen at nagtaas ng kamay na sumusuko na ito at umalis, binalak pa siyang sundan ng iba ngunit sinita sila ng mga magulang nila. Napapakamot na lamang sa ulo ang ibang pinsan ni Vash.

"Sorry for that ihja, mabait ang anak ko, topakin lang, broken kasi iyon." Natawa na lamang si Caroline sa sinabing iyon ng ginang at ang lahat ng naroon ay hindi naman pala masusungit, napakabait ng mga ito at gusto niyang maiyak ng hindi man lang tumutol ni isa sa kanila sa pagmamahalan nilang dalawa ni Vash, napangiti na lang si Vash habang pinagmamasdan si Caroline na ngayon at tumatawang nakikipagkwentuhan sa pamilya nito, iniwan muna nila ang mga ito at sinundan ang tatlo na kinakausap ng mga tito niya.

"So you kick his ass?" Naabutan niyang tanong ng tito Rafael niya, daddy ni Gerrar. Tango ni Cent, sumandal si Vash upang pagmasdan kung paano kausapin ng mga ito ang mga tito niya.

"That's cool, right Sean?" Tumango ang tito Sean niya, ama nila Ryzen, Lucas and Gabriel. Manghang mangha ang mga tiyuhin nito sa tatlo.

"You know po, Cash don't like cameras, he really hate it." Natawa silang lahat ng nagsumbong si Coin na parang palagay na palagay na ang loob ng mga ito sa kanila.

Lumapit siya saka proud na humarap sa tiyuhin nito.

"You're a dad now, congratulations. Napakatalinong mga bata, manang-mana sayo." Sabi ng tito Gilbert nila, ang daddy nila Allec, Clint, Jyron at Mavon, he agreed kahit siya ay namamangha sa tatlong ito, ano pa kaya ang alam ng mga ito bukod sa pagluluto, paglilinis, talino, itsura, kagandahang loob and he want to know them more, gusto niyang mas lalong mapalapit sa mga anak niya.

He promise to be a good Father to them

JMworks
Joanna Marie
Ps. Na lang chapters na lang uwuu, hope you enjoy luvs muah.

CAPTIVATED BY VASH CALVINDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon