Naimulat ko na lamang ang mga mata ng may narinig akong kung ano anong tunog mga nagbabaksakang kaldero, walis na humahampas sa kung saan, at sigaw pamilyar yung mga sigaw, napabaliwas ako at doon ko lamang nakita na nasa tapat na pala kami ng bahay, paanong nalaman niya ang address ko gayong hindi ko naman sinasabi? Pero mamaya ko na lamang iintindihin iyon, dali dali akong bumaba upang pigilan si papa ng makitang huhugutin na nito ang itak na nakasukbit sa bewamg nito.
Nanlalaki ang mga mata ni Boss ng makita iyon, napakunok pa ito ng ilang beses at handa ng sanggain ang itak ano mang oras.
"Papa!" sigaw ko. Agad naman silang nagsitinginan sakin, ang kaninang takot na mababakas sa mukha ni Boss ay nawala. Agad ko silang nilapitan, sila Papa naman ay tingin lamang ang binigay saming dalawa ni boss, napasabunot na lamang ako ng buhok sa nangyari.
"Papa, ano nanamang ginawa niyo?" Nagpapapadyak na tanong ko, rinig ko pa ang bahagyang paghinga nila ng malalim at mga kapwa pagod sa nangyaring kaguluhan kanina.
"Itong lalaking ito, akala ko ay kung sino iyong dumating kanina, magara ang sasakyan, dali ko namang tinignan kung sino, halos habulin ko ng itak ang lalaking ito ng makitang halos idikit na ang mukha niya sa mukha mo!" ganun na lamang amg lingon ko kay Boss ng marinig ang sinabing iyon ni papa, malapit ang mukha? Umiling ito ng makita ang mukha kong nagtatanong kung totoo ba.
"He misunderstood it, I was just going to take you home because you're in deep sleep and out of a sudden your dad mad at me, without any reason." paglilinis nito sa sarili, nakikita ko naman na nagsasabi siya ng totoo, napabuga na lamang ako ng hangin at nginitian si Boss.
"Ako na po ang humihingi ng sorry sa ginawa ng magulang ko Boss, hindi na mauulit pa." Paghingin tawag ko, inayos naman nito ang sarili.
"Boss?!" gulat na tanong nila papa. Tumango ako.
"Opo, siya ang boss sa kompanyang pinagtratrabahuan ko, na binato niyo ng kung ano ano, nilabasan niyo pa ng itak ano ho?" Sarkastikong tanong ko, agad naman silang humingi ng paumanhin kay Sir, pero ganun na lamang ang gulat ko ng hindi man lang ito nagalit o ano, sa halip ay pinatawad niya agad sila papa.
Pinatuloy muna naman ito sa bahay upang makapag kape at pumayag naman ito, hindi ko alam ang gagawin at kung bakit natataranta ako ng pumayag ito sa paunlak nila Papa, naalala ko na may Dinner pa sila ng pamilya niya, matapos kong magbihis ay agad akong lumabas at ipaalala iyon sa kaniya, nadatnan kong nakatawang naguusap sila papa at si Sir, agad akong napahinto ng makitang lalo itong nagiging gwapo sa pagtawa nito, Ito ang unang beses na makita siyang tumatawa.
Tumikhim ako, at umupo sa tabi ni Papa, si mama ay nagluluto ng panghapunan.
"Sir, hindi po ba at may Dinner kayo ng family niyo? Anong oras na po, baka kayo na lamang ang hinihintay nila." Sabi ko, hindi naman sa itinataboy ko siya, nagaalala lamang ako na baka lumayo ang loob ng pamilya niya sa kaniya, mahalaga ang pamilya sa kahit ano mang bagay dito sa mundo, tinignan lamang ako nito. Aba't! Tignan niyo, hindi nanaman ba niya ako pakikinggan? Napamaang ako ng bigyan ako nito ng matamis na ngiti wth!
"I already texted them, so don't worry." Sabi nito at sumimsim ng kape."They understand me anymay." pahabol nito magsasalita pa sana ako ng dumating si mama ag nilapag na ang panghapunan, don't tell me dito siya magdidinner? Kaya ba tinanggihan niya ang dinner nila ng kaniyang sariling pamilya? Hindi ko na alam ang gagawin sa Boss kong ito, isang araw ko pa lang sa kaniya ay sumasakit na ang ulo ko.
Naghugas naman ako ng kamay at gayon din siya, ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit halos idikit nito ang braso sakin, umisod ako at minadali ang paghuhugas, nakita ko pa ang pagngisi nito, tsk.
Napatingin ako sa mga inihain ni mama, aba at napakaraming pagkain, nagpapagood shot ba sila sa boss ko dahil sa ginawa nila kanina?
Halos tumalon ako sa gulat ng makitang katabi ko na pala si Sir!
"You eat well." Napalunok ako ng sabihin niya iyon, wag mong sabihing bubusugin nanaman niya ako? Magdadiet nga ako ngayon e! Napatayo ako at galit na hinarap siya, itinuro ko pa ito pero wala man lang iyon sa kaniya.
"Ikaw! Sumusobra kana, hindi porke ikaw ang boss ay ikaw lagi ang masusunod, my body my rule! Pati pagkain ko pakikialaman mo!" At sumabog na nga ako, pero wala pa din iyong epekto sa kaniya, sa halip sa pinaupo ako nito at hinarap sa kaniya, saka dumukwang akala ko ay kung ano ang gagawin, nagulat ako ng bumulong ito sa may tenga ko.
"You eat, or I will eat you right here, right now?" pinamulahan naman ako sa sinabi niyang iyon at agad itong itinulak, narimig ko pa ang bahagyang pagtawa nito ng kaunti, wala sa anong kumain ako ng napakadami, may araw ka din saking Boss ka! Napaka manyak! Hindi porke gwapo siya ay bibigay ako, hindi ako marupok, hindi tulad ng nagbabasa sobrang marupok!
Nakita ko ang mapagsuring mga mata nila mama at papa, napapikit ako, alam ko kung ano nanaman ang masa isip nila, para hindi na madagdagan ang hiya ako, binilisan ko na lamang ang pagkain, pero salin naman ng salin si ang isa kaya nagpapapadyak ako sa isip, isinusumpa ko siya, sinamaan ko siya ng tingin pero hindi niya iyon pinansin sa halip nag patuloy sa pagkain.
Third Person's POV
Hindi mawala wala ang ngiti sa mukha ni Vash ng makasabay niya sa hapunan ang babae at ang magulang nito, muli niyang pinagmasdan kung saan nakatira si Caroline, naalala niya kung paano siya nito samaan ng tingin dahil lamang sa sinsalinan niya ito ng makakain sa tuwing maubos na niya ito.
"How can I resist you baby? You're so adorable, I should take care of you and our baby secretly." Nasabi nito bago umalis at pinaandar ang sasakyan, alas otso terenta ng gabi sila natapos sa hapag kainan, at isa iyon sa gusto niyang maulit, pero alam niyang tiyak na gagawa ng paraan si Caroline na hindi na iyon mangyari, nakangiting umiling siya, hindi siya dumiritso sa mansyon sa halip ay sa Condo niya ito tumuloy, pagpasok niya ay naroon ang kaibigang si Dravin, nakaupo at tila inaabangan siyang makauwi.
"Galit na galit si tito, alam mong miss ka na nila tita pero hindi ka man lang nagpakita sa kanila, saan ka nga ba nagpunta at napatagal ka yata? Akala ko ba ay hatid lang? Bakit mukhang good mood ka?" Sunod sunod na tanong ni Dravin sa kaniya, nginisian niya lamang ito at hinayaan ang sariling sumandal sa couch at isipin ang mga nangyaring maganda kanina, except doon sa pagbabato sa kaniya ng mga kaldero at paghampas sa kaniya ng walis.
"They will understand me." Sabi nito at may namumuong ngiti sa labi nito. Inirapan lamang siya ng isa.
"Pinakulayan mo ang buhok mo, maging ang tattoo mo ay pinaalis mo, para hindi niya mahalata? Tsk, what a smart captain, you should take all the risk, panindigan mo yan, desisyon mo iyan, pero sana habang maaga pa, sabihin mo na sa kaniya." Nawala ang ngiti sa labi ni Vash ng marinig ang mga iyon mula sa kaibigan, hindi pa sa ngayon, sapat na ang ganitong sitwasyon upang mabantantayan at masigurado ang kaligtasan ng mag-ina niya.
"You know, I have a lot of enemies, anytime, they will use her against me if they know what she's really to me. Ayaw kong mapahamak ang mag-ina ko." May pangamba sa boses nito.
"Captain, you fear nothing. You killed many lives and show no mercy to them. You put us your priority than your own sake, you have been protecting us, and I know, you can protect her and your baby to. Just don't let your feelings be your weakness." That makes him stop for a while, ngayon pa lang alam niyang si Caroline ang kahinahan niya, at hindi niya kakayaning mawala ito sa kaniya.
"Captain! Fvck, they're ruining the Black Calvin Ship!" Napapatayo ang dalawa ng biglaang pumasok ang isa sa mga kasamahan nila. It was Rocan.
"You know what to do." Sabi nito, nagsitanguan ang dalawa at ginawa ang dapat gawin.
Remember his Name, Adonis Vash Calvinder, mess with him and the people close to him, will taste how ruthless he is.
JMworks
Joanna Marie
Ps. Hope you enjoy this update luvs, Adios!
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED BY VASH CALVINDER
RandomCaroline Vixelle De Carlo, a 23-year-old woman, finds herself heartbroken after being dumped by her first boyfriend. Seeking solace, she drink alcohol, hoping it will numb her pain. However, fate has other plans for her. One fateful night, Caroline...