Chapter 50: Finale

38.8K 668 109
                                    

"Wow, hindi ka pa din nagbabago, you're the same Vash I used know for a long time, what do you think about seeing your sons beaten up? Isn't this lovely? HAHAHA!" nagtatagis ang pangang sinamaan ng tingin ni Vash si Leo at sinilip ang kalagayan ng tatlo, gulo ang mga buhok at may mga pasa ang mga ito and he was about to shoot him ng matigilan ito at halos manlamig ang buong katawan nito ng makitang may kaniya-kaniyang baril ang nakatutok sa ulo ng tatlong bata.

"LEO! Wag mo silang idamay sa kung anong alitan nating dalawa, they've nothing to do with this sh*t! Tapusin na natin ang dapat tapusin ng hindi sila nadadamay, ako lang ang magdudusa dito at hindi ang mga anak ko!" nangangalaiting sigaw ni Vash sa lalaki na hindi man lang siya nito pinakinggan, umiling ito at nasisiyahan sa nakikitang galit sa mga mata ni Vash, kulang pa ang lahat ng ginagawa niyang ito, gusto niyang makita ang sakit sa mga mata ni Vash habang nakikita nito kung paano pagbayaran ng mga anak nito ang ginawang kasalan sa kaniya ni Vash.

"I don't want to, instead of killing you, I will kill this kids rather. Beg for their lives, maybe I have mercy on them, unlike you, na walang awang pinatay sa harapan ko ang nagiisang kapatid ko, you made me me living in hell for a long time! And now it's time to make you miserable too." pero kahit na magmakaawa pa sa kaniya si Vash hinding hindi siya maawa dito, puno ng galit ang puso niya, at hinding hindi niya makakalimutan ang araw na nawala sa kaniya ang pinakakaiingatang kapatid, it was an accident but for him, Vash is Ruthless for killing a child.

Dakilang magnanakaw si Leo, noon pa man ay laki na siya sa hirap at walang ibang magawa kung hindi ang magnakaw ng magnakaw, ilang beses na din siyang nakukulong at nakakalaya, labas masok siya sa loob ng rehas, pero hindi ito nagdadalawang isip na ipagpatuloy ang nakasanayan, ang magnakaw ay naging parte na ng buhay niya, ito ang bumubuhay sa kanila ng kapatid niyang 10 taong gulang pa lang, wala na ang magulang nila, namatay dahil sa sakit at magisa niyang binubuhay ang kapatid.

Kung ano-anong pinasok ni Leo na trabaho pero wala ni isa doon na nagtagal siya, kaya naman mas minabuti na lamang niya ang magnakaw, until one day kinailangan ng kapatid niyang dalhin sa ospital dahil bigla itong sumuka ng dugo, wala siyang maipanggastos man lang, ni piso ay wala siya, kapos na kapos sila at hindi niya alam ang gagawin niya, hindi niya alam kung saan siya hahanap ng pera, hindi sapat ang nadudukot niya dahil hatian pa sila ng mga kasama niya.

Hanggang sa makilala niya ang isang Drug lord, inutusan siya nitong dalhin ang mga droga sa isang liblib na lugar, hindi kalayuan kung saan sila nakatira ng kaniyang kapatid, kahit pa isa siyang magnanakaw, malinis ang kalooban niya, tinitiis niyang tawagin siyang magnanakaw may pangkain lamang sila, pero ang ganitong klaseng trabaho ay hindi niya kayang gawin, sa halip ay umurong siya pero hindi iyon nagustuhan ng drug lord, tinakot siya nito na papatayin niya ang kapatid nito kung hindi niya ito gagawin, kaya napilitan siya.

That time, umuwi siya dala ang droga at balak magpaalam sa kapatid.

"Jason, aalis muna si Kuya, pagbalik ko maidadala na kita sa ospital mahal na mahal ka ni Kuya." awang-awa siya sa kapatid habang ng hihinang tumango ito, patagal ng patagal lalong lumalala ang kalagayan ng kapatid, pinunasan nito ang luha sa kaniyang mga mata at tumayo, pero hindi niya inaasahan ang makikita.

"Hands up."

Masaya siya ng makita ang kaibigang si Vash, araw-araw ay binigyan siya nito ng pambili ng makakain, kaya naman magkasundo sila, pero napahinto siya ng tutukan siya nito ng baril. Kinakabahang tumingin siya kay Vash.

"V-Vash ibaba mo yang baril mo.."

"I'm warning you, hands up or I will shoot you." Pero sa halip ay humakbang ito palapit kay Vash pero binilangan lang siya nito. Umiling iling siya at naroon ang pagmamakaawa na huwag siyang sasaktan.

CAPTIVATED BY VASH CALVINDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon