Hindi ko na talaga na napigilan ang hindi umiyak, paano ay pinaubos niya sakin lahat ng pagkaing inorder niya, akala ko malakas kumain ang mga lalaki, pero bakit siya ay parang babae, unti lang kinakain, tapos sakin pa ipapaubos, tinignan ko siya ng masama, nawala na sa isip ko na he's my boss and that this is his company and have his own rules, unfortunately i need to follow. Pero kasama ba kami doon sa rules niya? O isa ba sa mga rule ng kompanya na ito na dapat makisabay mag lunch ang empleyado sa kaniyang boss? Tapos gawing malusog ito? Huh! Hindi na ako kakain mamaya kung ganun! Binusog niya ako!
Sinamaan ko lang siya ng tingin, pero ni hindi man lang ito lumilingon at nagpakabusy sa pagsasign ng mga papeles, ngayon nga pala yan dapat tapusin, huh! Ano ka ngayon, mapagod ka sana! Napatingin ako sa malaking orasam nito sa opisina, 1:30pm na, nanlaki ang mata ko at napatingin muli doon, agad kong kinuha ang schedule nito at napatayo dahil dapat may meeting ito kaninag ala una, nakalimutan ko!
"Sir, may meeting kayo dapat kaninang ala una, anong oras na, baka kanina pa naghihintay si Mrs. De Guzman!" Natatarantang sabi ko, hindi man lang ako nito pinasadahan ng tingin, bingi lang? Napabuntong hininga ako ng parang wala lang sa kaniya iyong sinabi ko, find, he's the boss.
Naiinis kong tinignan ito ng hindi pa rin niya ako tinitignan, bahala ka sa buhay mo, para saan pa at naging secretary mo ako kung hindi mo din lang pakikinggan ang sinasabi ko? Ahhh ewan ko lang sayong lalaki ka! Pasalamat ka at gwapo yang mukha mo kung hindi ay kanina pang may bangas yan! Nagiinit na ang ulo ko. Nakita ko naman na kinuha nito ang sariling phone at may pinindot doon, he's callomg someone.
"This is Mr. Calvinder, I just want to tell you that I wasn't able to meet you, I don't fvckng care about your project though my company is still one of the best company even without that craps of yours, oh come on then sue me if you want, but you know me well Mrs. De Guzman, I don't give a fvckng care even your husband is the Governor in your City, and you know i can ruin him, right?" napabalikawas ako sa pagkakaupo ng marinig ko ang mariin at rude nitong pakikipag usap kay Mrs. De Guzman, ano bang sinasabi ni Boss naming ito? Nang ibaba niya ang tawag saglit lang ako nitong tinignan at nagkibit balikat bago pinagpatuloy ang pag aasikaso sa pinipirmahan niya, ako naman ay nakanganga at hindi makapaniwalang tinignan siya.
Mukhang sakit sa ulo ang boss na ito, hindi dapat niya basta ginaganun ang isang tao, lalo na at babae pa naman ito, he's a freak! Ayaw kong ma stress please, pinagpagan ko ang suot kong dress kahit pa maayos ito, wala gusto ko lang gawin, nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin sakin si Sir, umirap ako.
"Mabuti pa si Dravin hindi masyadong masungit, itong lalaking ito, pinaglihi ata sa kasungitan, ni hindi man lang ngumingiti o ano, parang bula lang ba ako dito?" Tanong ko sa sarili ko, narinig ko naman ang pagtikhim nito.
"Inuubo ka Sir?" Tanong ko at nginitian siya ng peke, umiling lamang ito pero nasa mukha niya ang pagkaseryoso, agad naman akong kinabahan at napalunok ng hindi niya inalis ang tingin sakin. Dapat pala hindi ko na siya pinaringgan. Ayy nakuu!
"Don't compare me to other man, I hate it the most." ngumiwi ako at tumango sa sinabi niya. Sabi ko nga bawal siyang ikumpara sa kahit sino, baka sesantihin pa ako nito, mahirap na at hindi pa ako nakakadalawang araw dito, itinikom ko na lang ang madadaldal kong bibig at nag kunwaring busy sa kung ano, ni hindi ko na ito muling tinignan pa. Lumipas ang oras ng hindi ko ito binigyan man lang kahit silip.
It's already 5:30pm, 6pm ang uwi ko.
Inayos ko ang gamit ko maging ang mga papeles na dapat kong aralin, hinihintay ko na lamang ang tamang oras ng makaalis na ako dito. Sakto naman na biglang bumukas iyong pinto, halos mag diwang ang sarili ko, kulang na lang ang pumalakpak at tumalon talon ako, pero hindi ko gagawin iyon. Si Dravin! Sa wakas ay magiging happy na uli ang awra dito, ako ang una nitong hinarap.
"How's your day with the boss?" Tanong nito.
"Disaster." bulong ko na agad naman niyang ikinatawa, sabay pa kaming napalingon ng may tumikhim ng sunod-sunod, ayon si Boss at nakasandal na pala sa may desk nito at masama ang tingin sakin, hindi kay Dravin. Bahagyang tinaas ni Dravin ang kamay nito ng mapansin ang masamang ipinupukol sa kaniya ni Sir. Tignan mo tong Boss na to, napakasungit talaga.
"What are you doing here?" Tanong ni Sir kay Dravin at lumapit ito, as in malapit na malapit iyong tipong halos magdikit na ang ang balat naming dalawa, umisod naman ako palayo doon.
"Relax, don't be threatened in my presence Boss, tinawagan ako ni Tita Eliza, nakapatay daw ang phone mo, kaya inutusan ako nito na personal na sabibin sayong may Dinner ka with your family, sobrang subsob ka daw sa trabaho mo." Sabi ni Dravin at tinaas tas nito ang kilay ay nginitian ako, narinig ko naman ang mahinang mura ni Sir.
"Tell them I'll be late." Sabi nito kay Dravin, nagtaka naman ako dahil doon, may pupuntahan ba siyang mas importanteng bagay kaysa sa pamilya niya?
"Where are you going?" Tanong ni Dravin, yan din ang gusto kong itanong yan sa kaniya kaya sinangayunan ko si Dravin.
"I'm going to drive her home." And that literally drop my jaw. Magproprotesta pa sana ako ng bigla ako nitong hinila, narinig ko pa ang pagsigaw ni Dravin pero agad niyang pinindot ang Elevator at nagsara iyon agad, hinila ko naman ang braso ko ng mapansing hindi pa din ako nito binibitawan. Ni isa ay walang magsalita saming dalawa, hanggang sa makababa kami, hindi ko siya inimik kahit na pinapasakay ako nito, nagdadalwang isip ako kung sasakay ba ako doon o ano.
"Get in, you don't want me to---" Pinutol ko ang ano mang sasabihin niya.
"Oo na ito na po papasok na!" Naiinis na singhal ko bago pumasok, inayos ko ang seat belt at hindi ito pinansin, ng makapsok siya ay agad nitong binuksan ang makina, hindi man lang ako nakapag paalam ng maayos kay Dravin, ito kasing si Sir kung makahila...bumuntong hininga muna ito bago paandarin ang sasakyan, yeah, my Boss is gping to dtvie me home, isn't that too much? Naguguluhan na ako sa nagaganap sa buhay ko.
"I just hate seeing you smiled sincerely at other man." Biglang saad nito. Hindi kp siya maintindihan at hindi ko na rin lang inintindi pa, hinayaan ko na lamang na lamunin ako mg antok sa biyahe, bahala kang dumada, as if naman gusto kong pakinggan iyon, naiinis pa din ako.
Bahala siyang ihatid ako pauwi...
JMworks
Joanna Marie
![](https://img.wattpad.com/cover/203131974-288-k417928.jpg)
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED BY VASH CALVINDER
RandomCaroline Vixelle De Carlo, a 23-year-old woman, finds herself heartbroken after being dumped by her first boyfriend. Seeking solace, she drink alcohol, hoping it will numb her pain. However, fate has other plans for her. One fateful night, Caroline...