Kinaumagahan, paggising ko agad kong binuhay ang phone ko, at maraming mga message iyong Stalker wala sa mga iyon ang binasa ko, may isang mensahe ang pumukaw sa atensyon ko agad ko naman iyon binuksan at binasa.
From: 09XXXXXXXXX
Good morning Ms. De Carlo, I'm here to inform you that you are hired, you can now start today. Congratulations and goodluck! By the way, it's me, DravinHala?! Totoo ba? May trabaho na ako! Sa sobrang saya ko napatalon talon ako, pero halos takasan ako ng ulirat at napakagat, I'm pregnant sa huli, simabunutan ko ang sarili at nailing sa sariling kagagahan. I registered Dravin's phone number, siya lang iyong lalaking nasa contact ko bukod kay stalker, sumisipol na inayos ang sarili. I got my work!
Tinignan ko naman ang sarili sa salamin, I'm wearing a simple dress paring with flat shoes then tadaaa! I'm done, inayos ko ang bag at nilagay doon ang mga kailangan ko saka lumabas na, hindi ko naman inaasahan na masayang kausap ni Dravin sila Mama at Papa, doon napansin niya akp kaya napatayo ito at nginitian ako. Nakataas ang kilay na tumingin sa kaniya.
"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko, nilapitan ako nito.
"Sinusundo ka." Sabi nito.
Nagulat ako sa sinabi niya. Sinusundo niya ako? Para saan?
"Ha? Bakit?"
"Just doing my job properly, I don't wanna die young yet." Sabi nito bago ay nagkibit balikat ng makita na naguhuluhan ako sa kanya.
Binalingan niya ng tingin ang mga magulang ko na masayang naka kwentuhan niya kanina at nagpasalamat ito.
"Salamat po sa pagpapatuloy sakin dito." Magalang nitong sabi.
Si Mama ay ngiti ang ibinigay kay Dravin, pero si Papa, alam ko ang tumatakbo sa isip niya, iniisip nito at sinisigurado niya kung si Dravin ba o hindi ang nakabuntis sakin.
Saktong napatingin si Papa sakin kaya naman sinenyasan ko itong ibaba ang itak niya, ramdam ko na nakatingin doon si Dravin, kaya pala mababakas ang pagkabalisa kahit pa nakangiti ito sa harap nila.
"Sige na Mama, Papa, aalis na po kami ni Dravin, ayaw ko naman na sa unang pasok ay malelate ako, saka nakakahiya kay Dravin at nag-abala pa siyang sunduin ako." Sabi ko kila mama. Tumango silang dalawa, humalik muna ako sa pisngi nila bago bumaba. Narinig ko pang nagsalita si Papa.
"Mag-iingat ka anak, huwag kang mag dalawang isip na tawagan kami kapag kailangan mo kami." Hinarap ko sila.
"Opo papa, iingatan ko po ang sarili ko." Sabi ko at kumaway bago tuluyang makalabas ng bahay, narinig ko naman ang pag buntong hininga ni Dravin, nakahawak ito sa dibdib at oara bang nabunutan ng tinik.
"Huwag kang mag-alala, mabait sila mama at papa, talagang ganun lang sila kasi ikaw pa lang ang lalaking nakapasok sa bahay namin." Pagpapaliwanang ko, tinanguan lamang ako nito, pumasok ako sa loob ng sasakyan matapos akong magbuksan ng pinto.
Princess treatment?
Napahawak ako sa pisngi ko. Bakit biglang uminit, ang aga pa naman?
Umikot ito at pumasok narin sa loob ng sasakyan, bumusina muna siya sa mga magulang ko bago ay pinaandar na ang sasakyan.
Unang araw ko bilang isang sekretarya, iniisip ko kung ano ang itsura ng CEO, may edad na, at hindi na maganda ang lagay ng buhok na namumuti, strikto at marami kung magbigay ng trabaho, dragon din kaya? Mainitin ang ulo?
"Maswerte ka at ikaw pa lamang ang empleyado na naka pasa bilang sekretarya ng CEO, kadalasan ay wala itong mapili, and then he found you, hindi na ito nagdalawang isip na tanggapin ka as his secretary, that coward man, ano nanaman kaya plano niya?" napatango tango ako, at ayon nanaman ang pabulong-bulong niya, hindi ko tuloy maiwasang magtaas ng kilay dahil doon, talaga bang hobby niya ang bumulong o ano? Hindi sa nangingialam ako, pero parang ganun na nga.
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED BY VASH CALVINDER
RandomCaroline Vixelle De Carlo, a 23-year-old woman, finds herself heartbroken after being dumped by her first boyfriend. Seeking solace, she drink alcohol, hoping it will numb her pain. However, fate has other plans for her. One fateful night, Caroline...