Chapter 10: Tired

60.8K 1.3K 20
                                    

Maaga akong umalis para naman hindi sabihin ni Sir na may gana akong magpalate, pagkarating ko ng kompanya nagulat ako ng may mga bumati sakin, unang work ko lang kahapon but they already know me? Ganun ba kapag naging sekretarya ka ng may ari nitong kompanya, ay dapat kilalanin ka ng lahat? Nginitian ko naman sila and as a respect I bow my head and them at nag good morning din sa kanila.

"She's really a goddess."

Hindi nakatakas sa pandinig ko ang bulong ng isang babae, nakatitiyak akong mas nakakatanda ito sakin ng mga ilang taon, hindi ko alam kung sino tinutukoy niya, goddess daw so hindi ako iyon, imposible hahaha, huwag tayong mag assume, nakita ko naman si Dravin kaya tinawag ko ito.

"Dravin!" nilingon ako nito saka huminto, binilisan ko naman ang lakad ko upang makalapit sa kaniya, napatingin ako doon sa dala niyang umagahan? At sa kaniya na malaki na ang eyebug, nagpuyat ba siya?

"Mukhang puyat ka yata? Saka ano yan umagahan?" mga tanong ko, wag naman sana siyang mairita sa akin, naglakad na kami ng sabay, ako na ang pumindot ng elevator mukhang mahihirapan siya pag ito pa ang gumawa. Pagkapasok namin ay doon lamang niya sinagot ang tanong ko.

"I'm so tired at puyat din, kanina pa kaming mga 3am dito kaya ito at dito na kami mag-uumagahan." Sabi nito. Nagulat ako doon sa sinabi niyang kaninang 3 ng umaga pa sila dito, napatingin ako sa wrist watch ko, mag 6:30 pa lang ng umaga, ibig sabihin hindi na talaga sila natulog. Ano naman kayang ginawa nila kung bakit sobra kung magpuyat sila? May conference meeting pa naman si Sir. Pagkarating namin sa 15th floor ay agad kong binuksan ang pinto ng opisina.

Thankyou Dravin mouthed kaya tinanguan ko lang siya, pagkasara ko ng pinto ay agad na bumungad samin si Sir na nakasalampak sa sahig at tila natutulog? Agad namang dinaluhan ito ni Dravin at ginising, pero hindi ito magising-gising, pagod nga yata. Tinapik ko ang braso ni Dravin at sinenyasan na tigilan na niya ang paggising kay Sir, baka magalit lamang ito naiistorbo ang pag tulog niya, pinabuhat ko na lamang sa kaniya si Sir sa may Couch at naghanao ng maaaring maging comforter nito, sakto naman na may stock ito pati unan handang handa sa mga ganitong sitwasyon. Napangiwi pa ako ng makaamoy ng alak na humalo sa kaniyang mabagong amoy, nakasama ng amoy!

Minadali ko naman ang pagaayos sa kaniya sa couch ng magsalita.

"Baby."  ganun na lamang ang panlalaki ng mata ko, akala ko gising na ito pero nakapikit pa din ang mga mata at malalim ang paghinga, nabunutan naman ako ng tinik, akala ko ay kung ano na. Tumayo ako at pinakatitigan ito, napakaamo ng mukha kung tulog, walanghiya naman kung gising, but all in all, he's a god that fell from here.

All my life where have you been? Inilingan ko ang sarili at kung ano-ano na ang naiisip ko. Ng pagharap ko ay halos mapasigaw ako ng sobrang lapit ng mukha ni Dravin sa mukha ko, nakangisi ito at tinataas-baba amg kilay nito he's teasing me! Bakit ba nakalimutan kong andito nga pala si Dravin, nakakahiya at nakita niya kung paano ko titigan si Sir, pinamulahan akong iniiwas ang tingin sa  mapang-asar na si Dravin.

Tinigilan na niya ang ginagawa at ngayon ay umiiling habang nakatingin kay Sir, saka ito umupo at kinain ng umagahan, tinawag ako nito kung gusto ko ba raw kumain, umiling ako sinabing busog pa ako.

Inaayos ko naman itong mga schedule ni Sir may meeting siya mamayang 11am, sakto baka gising na ito mamaya.

"Nga pala, may trabaho kayo kagabi? Yun ba yung dahilan kung bakit kayo puyat? Ano bang ginawa niyo kagabi?" Curious kong tanong, hindi nagsalita si Dravin, tila kinakapa kung ano ang sasabihin niya, hinintay ko naman itong sagutin ang tanong ko.

"Wag mo na lang isipin iyon, it is not good for you to know our whereabouts, may meeting ba siya? Anong oras at ng masipa ko ang kulukoy na to, ako nga itong mas puyat at hindi pa natutulog." sabi nito natawa na lang ako kung paano niya pagsabihan ng kung ano si Sir palibhasa tulog ang isa kaya ganun na lamang kung pangalanan niya ng kulukoy si Sir.

"Oo, 11 am pa naman, anong oras pa lang hayaan na natin muna itong magpahinga, baka sobrang pagod lang siya kaya hindi na niya nakayanan pa." Nakangiting sabi ko, kahit papaano ay nag-aalala pa din ako sa kalagayan ng Boss ko, aba magdadalwang araw pa lang ako dito ano.

"He's lucky to have you." Nilingon ko siya ng sabibin niya iyon na agad naman niyang inexplain ang ibig sabihin nun.

"I mean he's lucky to have such caring secretary like you, diba?" sabi nito. Tumango na lamang ako at muling binaling ang atenyson sa mga gawain dito sa opisina.

LUMIPAS ang Tatlong Oras ay tulog pa din ito, si Dravin ay lumabas saglit dahil may biglang tumawag sa kaniya, kaya heto ako at may pagkakataong mapagmasdan si Sir, hindi naman kasi nakakasawa ang mukha nito, sana mukha niya ang malaglihian ko ano? Hindi ko alam na nakangiti na pala ako, napansin ko namang palaglag na iyong comforter kaya tumayo ako sa pagkakaupo at agad itong inayos, ng akala ko ay tulog pa ito, nagulat ako mg hilain ako nito at napaupo ako sa tabihan niya.

"Sir!" Gulat na gulat ako, halos atakihin ako sa puso ng makitang hawak hawak nito ang kanang kamay ko, hindi ko alam kung bakit pero gusto kong umalis ngayon mismo at lumanghap ng hangin sa labas dahil ngayon ay nauubusan na ako ng hininga sa ginagawa niya.

"Im so Tired." sabi nito. Ganito ba siya pag pagod? Nanghahawak ng kamay? Masama pa lang mapagod si Sir, pilit kong kinukuha ang kamay ko ng lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak at dahan dahan nitong iminulat ang mata at muli, nasilayan ko nanaman ng malapitan ang kulay abo nitong mga mata, mababakas sa mata nito ang pagod pero para hindi niya makitang namumula ako ay iniwas ko mismo ang tingin sa kaniya hindi ko kayang makipagtitigan! Baka matunaw ako lalo!

"I like how I turned you red, you're my energy." hindi ko natinig yung huli basta nangunguna ang mabilis na pagtibok ng puso ko, kulang na lang ay mapahawak ako sa dibdib upang pigilan iyon.

"What's the meaning of this?!" napabalikwas ako ng tayo at may nanlalaki ang mata.

Nakakahiya!

JMworks
Joanna Marie

Ps. Update again, hope you enjoy luvs muah.

CAPTIVATED BY VASH CALVINDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon