Nasa mall pa din kami, ng tapunan ko ng tingin si Vash nakakunot ang noo nito, at malalim ang iniisip, hindi ko maiwasang maguilty sa sinabi ko sa kaniya kanin, kasi naman itong bibig ko walang preno! Naman e.
"Ako na ang oorder, basta kay Caroline healthy foods." Tumayo si Dravin, pero bago ito tuluyang magorder ay nilapitan ako nito at binulungan, "Its for you to make it with him, see how bothered he is. Goodluck, you can do it!" sabi nito, at talagang chineer pa ako nito, napanguso tuloy ako at sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makapunta siya sa counter. Napapalunok akong ibinalik ang tingin kay Vash.
Kagaya kanina, hindi nagbabago ang emosyon niya, ganun pa din. Ipinikit ko ang mga mata at huminga ng malalim, kung tutuusin ako ang may maki dito, at kailangan kong itama iyon, hindi porke ho di siya ang ama ng mga anak ko ay sasabihin ko iyon.
"I'm sorry.." at last, nasabi ko din. Ng tignna ko ito, hindi na ito nakunot, pero tahimik ito at hindi ako inimik. What should I do? Hindi rin yata ako matatahimik kung lilipas ang araw na hindi ako nito iniimik. Napapahiyang yumuko ako, mukhang wala siyang balak pansinin ako, baka nga nainis siya sa sinabi ko.
Hanggang sa makarating si Dravin, hindi pa din kami nagkakaayos ni Vash, kinamusta ako ni Dravin kung ano ba ang nangyari, sinabi ko na walang epekto yung paghingi ng sorry ko, wala tuloy akong ganang kumain pero pinilit ko. Hindi ko alam kung bakit pero nalungkot ako, this is the first time na hindi niya ako inimikan, I said sorry isn't that enough? May dapat pa ba akong gawin? It's hard to please him, ano ba ang gusto niya?
Hanggang sa matapos itong kumain, nagpaalam na itong mauuna na siya sa labas at hihintayin na lamang niya kami, hindi pa kasi tapos si Dravin at maging ako ay hindi pa din, nagulat nga ako ng ubos na nito ang kaniya. Tumango ito kay Dravin ng hindi ako tinatapunan ng tingin, at ng makatilod na ito ay nagsiunahang nagpatakan ang mga luha ko.
Hanggang sa mauwi iyon sa hikbi. Dravin suddenly stop eating, nagpunas ito at kinausap ako. "Stop crying, akalain pa nila na pinapaiyak kita, papansinin ka din niya, hindi ka niya kayang tiisin, trust me." Sabi ni Dravin, sinasabi niya lang yata iyon to make me at ease.
"Ang hirap pa lang makipagayos sa kaniya, hindi ko naman sinasadya e." Umiiyak na sabi ko, naramdaman ko na lang na pinupunasan nito ang luha sa mga mata ko at nagtaka kung bakit ito nagbibilang. "1...2....and 3."nagtataka man pero nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. "I change my mind, I forgive you now, stand up and let me wipe your tears." malalim ang boses nitong sabi, st tinapik ang mga kamay ni Dravin na nasa pisngi ko.Hindi agad ako nakagalaw, at mas lalong umiyak ng marinig ko ang boses niya, hindi na ako nito hinintay pa na tumayo, siya na mismo ang nag adjust, he lean on the floor para makapantay ako nito, at naramdaman ko ang ang mainit nitong kamay na pinupunas ang mga luha sa mata ko.
"Hush, I'm sorry okay? I really am, please stop crying." Pagpapatahan nito sakin, imbis na ako ang humingi ng sorry ay ito pa ang nagsosorry. "Vash s-sorry na, Hindi ko sinasadya p-pramis!" At tinaas ko pa ang kanang kamay, nakita ko ang bahagyang pagngiti niya. Tumango ito,
"I already forgive you." sabi nito. Napayakap ako dito sa sobrang saya, naramdaman ko ang paninigas nito sa ginawa ko, agad naman na akong lalayo ng hilain ako nito and hug me back.Sumipol ang isa at kung saan-saan tumingin, nakita kong napatayo si Dravin. "See? I told you, he can't resist you that long. Ako na nga ang mauunang lumabas, sakit kayo sa mata." Pagbibiro nito, inirapan lang siya ni Vash kaya natawa ako roon, para iting babae na irap ng irap. Kalaunan sinundan na namin si Dravin sa labas. Nakasakay na ito sa sasakyan ng datnan namin, pero nasa ibang direksyon ang tingin nito, malalim ang iniisip.
Tumikhim si Vash at nagiba na ang emosyon ni Dravin, pinakita nito ang pagngisi ng malaki kay Vash, halatang inaasar ang isa, and here comes them again, mukhang mauuwi nanaman sa bangayan, at yun na nga po ang nangyari, hanggang sa maihatid nila ako, nailing na lang ako dahil doon, "Caroline." pag tawag ni Dravin sakin, lumingon naman ako dito. Nagulat na lang ako ng mag flying kiss ito.
"Fvck! You're really pissing me off!" sigaw ni Vash at walang katapusang bangayan ng dalawa, pumasok na lang ako mukhang hindi sila papapigil.Bahala silang dalawa dyan..
"Kamusta ang pagshoshopping anak? Ang dami naman yata nito, napakayaman talaga ng Boss mo at ginastusan ng ganito kamahal ang mga magiging anak mo." Sabi ni Mama, I totally agree with her. Pero isa siyang Calvinder, gaya nga ng sinabi niya, wala lang ito sa perang ginagastos niya.
Inayos ko naman ang mga gamit ng mga ito sa kwarto, tatlo ang kwarto sa bahay, pero gusto ko na kapag nanganak na ako nasa iisang kwarto lamang kami. Saka na nila gagamitin ang isang kwarto kapag malaki na sila.
Buti na lang nagkaayos kami agad ni Vash, hindi yata ako makakapagisip ng maayos pag di niya ako pinansin, napatingin ako sa mga laruan, hindi ko akalain na mahilig pala ito sa mga baril, halos kasi lahat ng laruan about sa ibat-ibang uri ng mga baril, may libro pa iyon. Napangunot ang noo ko at tinignan pa ang ibang pinamili niya.
"Bakit halos Action theme lahat?" Tanong ko, kasi akala ko ay dalawa si ni Dravin na namimili, pero ni isang pinili ni Dravin ay wala roon! Ang cute pa naman ng mga pinapakita ni Dravin, hinayaan ko na lamang, kesa naman wala saka baka magalit na si Vash kapag hinanap ko la at tinanong sa kaniya kung nasaan iyon mga pinili ni Dravin.
Pero kasi, napaka Action naman itong pinili niya, para tuloy agad sasabak sa gyera ang Triplets dahil dito.
JMworks
Joanna Marie
Ps. Enjoy again, free to comment gour thoughts luvs, muah.
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED BY VASH CALVINDER
RandomCaroline Vixelle De Carlo, a 23-year-old woman, finds herself heartbroken after being dumped by her first boyfriend. Seeking solace, she drink alcohol, hoping it will numb her pain. However, fate has other plans for her. One fateful night, Caroline...