Inipit ko ang bookmark sa librong binabasa bago bitiwan iyon. Nagtagal ang tingin ko sa kapeng nasa harapan. That vacation was unforgettable kahit na hindi ko na ulit nakita 'yong lalaki. Ilang taon na ba iyon? Dalawa? That was also my last vacation in La Grense.
Na-assign si Papa sa Luzon at lalong naging mas busy kaya naman nahirapan kaming kumuha ng oras para bumalik ulit doon.
Pakiramdam ko nga ay nagtatampo na ang mga taga doon sa amin. Sinira raw namin ang iniingatan nilang tradisyon ng pamilya. Kailangan ay kumpleto kami bawat bakasyon pero alam ko namang naiintindihan nila kami. Sinisigurado rin naman naming nakakatawag kami para naman kahit sa video call lang ay ramdam nila ang presensya namin.
“Books na naman Rae? What about boys? Come on matanda na tayo,” kaibigan ko iyon, Si Maggie. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ko naging kaibigan ito kahit na magkaibang-magkaiba kami sa lahat ng aspeto.
“Ewan ko nga sa'yo bata pa ako atsaka wala pa nga tayong trabaho. Kung ikaw tingin mo sa sarili mo gurang na, ako naman feel na feel ko pa ang pagiging baby face ko.” Napaismid siya sa sinabi ko. Hindi naman obvious na diring diri siya sa sinabi ko dahil sa pag-akto niyang parang nasusuka.
“Hay naku Rae, ako na nga lang ang mag-e-effort na magka lovelife ka. Parang lunod na lunod ka na diyan sa pinapangarap mong lovestory kuno.”
Okay, given na iyong ilang beses niya akong pinagtulakan sa barkada ng mga nagiging boyfriends niya. Boyfriends talaga kasi madami, paiba-iba. She was playing like a cupid and I am the victim.
“I know it! Hindi ka pa rin nakaka-get over sa lalaking iyon? Sino nga 'yun? The province guy?” usisa niya.
Bakit ko nga ba nakwento sa kanya ang tungkol sa lalaking iyon? Isang beses lang naman iyon at hindi na niya kinalimutan, tuloy palagi ko siyang naaalala dahil sa bunganga ng babaeng ito.“Bakit naman nasali siya sa usapan? Ewan ko sa'yo maghanap ka na lang ng bagong boyfriend dahil mukhang malapit na kayong maghiwalay ni Warren.” Imbes na malungkot ay ngumiti pa ito ng malapad. Weirdo talaga, madaming lalaki at proud na proud pa siya.
“Nice idea my dear Memoriae.”
Iniwan niya ako sa aming lamesa at pakembot-kembot na lumapit sa isang lalaking nakaupo sa gilid ng bintana. Napailing na lang ako. Magie and her flirtatious way.
*
Pagod na pagod kong hiniga ang buong katawan sa couch. Medyo masakit din ang ulo ko, siguro dahil sa sobrang init sa labas.“Rae start packing your things,” si mama iyon. I lazily forced my self to stand. Sabi niya ay ililipat na naman daw si Papa ng branch. The never ending lipat bahay.
Nakapagpaalam na ako kay Magie, sabi pa nga niya kapag hindi raw ako tatawag sa kanya mapipilitan siyang e-arrange marriage ako sa kuya niyang weird din. Gwapo rin naman si Kuya Kael kaso hindi lang talaga ako interesado sa kanya , ganun din naman siya sa akin kahit na lantaran ang pang-aasar ni Magie sa aming dalawa. Ang babaeng iyon desperadong hanapan ako ng mapapangasawa.
Madaling araw akong ginising ni Mama. Hawak hawak ko pa ang bibig habang humihikab. Alright, so time to say goodbye na naman sa lugar na ito.
“Tama na 'yang pagsimangot Rae baka tumanda ka ng maaga.” Niyakap ko na lang ang sarili habang pinagmamasdan ang mga kahoy sa gubat palabas ng Santa Isabela. Malalayo na naman kami sa La Grense, nakakalungkot Sa sobrang pag-iisip hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Saan na naman kaya kami mapupunta?
Parang may dumagang isang malaking bato sa aking ulo nang magising ako. Nakatigil na ang aming sasakyan kaya siguradong nandito na kami.
Hinanap ko sila sa loob ng kotse pero ako lang talaga ang mag-isa. Napahikab ulit ako bago ko buksan ang kotse. Kusot-kusot ko pa ang mata habang lumalabas sa sasakyan.
BINABASA MO ANG
The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)
RomantikShe felt she was sheltered but destiny flipped her life 360 degrees. Her secrets, lies and desperation lead her to claim the truth that prevails. Who is Aris? Psyche #1 @Nicaouise