Kabanata 30

18 1 0
                                    

Pilit kong siniksik ang sarili sa maliit na espasyo ng aking walk in closet. Malalakas ang katok nila sa labas, ngunit parang bingi ako na hindi kayang makinig sa mga sinasabi nila.

Makakalimutan din nila ako.

Paulit-ulit na tumatakbo iyon sa isip ko. Parang isang bangungot na hinahabol ako. Pilit ko namang nilalabanan pero sadyang malakas ito.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito. Paanong umiiyak at nanginginig na ang katawan ko. Hindi ko maintindihan ang mga boses na nasa isip ko.

“Rae!”

Mas lalo ko lang siniksik ang sarili sa gilid. Hindi ko kaya. Akala ko ay kaya ko subali't nagkamali pala ako.

“Anak, please.”

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Namamawis na ang buong katawan at nabibingi pa ako lalo. Hindi ko kaya!

Natatakot ako. Paano kung pababayan nila ako? Paano kung sa huli ay mawawala sila sa akin?

Ayoko! Ayokong mangyari iyon. Hindi ko kaya.

“Rae open this damn door.”

Tinakip ko ang palad sa tenga. Hindi ko sila kayang pakinggan, natatakot ako sa sarili ko.

“Anak please.”

Mabilis akong niyakap ni Mama. Malakas akong humikbi sa balikat niya. May lumapit sa aking mukha na hindi pamilyar, may sinabi siya kay Mama na nagpabitaw sa kanya sa akin. May inilabas siyang syringe.

“Ma!” I scowled.

“Shhh Rae. You can do that.”

Unti-unting nandilim ang paningin ko. Damn!

*

“Don't touch me.”

“Rae please, you need to calm down.”

“Tapos ano? Are you going to inject something na naman?”

Namamanhid ang buong katawan ko. Gusto kong mapag-isa. Ayokong makita sila, natatakot ako.

“Kailangan mong huminahon Rae.”

“No! Go away.”

Binaon ko ang mukha sa unan. Nanginginig na naman ako.

“Rae please tulungan mo naman ang sarili mo.” Napabalikwas ako sa hinigigaan sa boses na iyon.

“Harris,” I called.

Biglang bumuhos ang luha ko.

“Kilala mo ba ako ngayon?”

“Of course, nakakalimutan ko man bawat segundo ang mukha mo, kilala ka naman ng puso ko.” I cried harder.

“Harris.”

“It's ok Rae. Hindi mo dapat sisihin ang sarili mo.”

I hugged him tightly. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Hindi ko kakayanin.

“You can overcome your fears, pagkatapos ay kaya mo na akong tingnan ng hindi ka nanginginig. Hihintayin ko ang araw na iyon.”

They gave me a lot of medications. Injected me many medicines to calm me down.

“Rae.”

“Ma,” I cried.

“You can do that.”

Bumaling ang tingin ko sa doctor na nasa harapan ko.

“I can't.”

“You can. Nandito lang kami.”

The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon