Dear Diary ni Canerato kuno,
Binigay mo sa akin ito para ano? Lagyan ko ng kung anong sikreto na magagamit mo kuno sa akin pagdating ng araw. So weird actually, kasi ikaw ang tipong seryoso sa buhay but well, malay natin may reasons pala ito. So ito na nga diary ni Canerato Boy, my biggest secret kuno.
My biggest secret aside sa pagiging tsismosa ko. Hindi naman actually biggest kasi...sa tingin ko naman obvious. Oo na! Oo na!
Crush kita pero medyo lang naman, promise. Hahaha disappointed ka kasi hindi naman controversial hindi ba? Pero kasi para sa'kin iba. Para sa'kin may mga bagay pa ako na dapat malaman bago pa lumalim ang lahat ng ito. Kahit anong tanggi ko sa sarili ko, hindi ka na nawawala sa isip ko. Palagi na lang ikaw, ikaw, ikaw!
Papansin ka kasi! Pa- mysterious kahinaan ko kaya 'yon.
You know what may sasabihin ako. May napanaginipan ako noon. Isang batang lalaki, may sinisigaw siya sa akin. Nasa gubat daw siya at nawawala. Naawa ako sa kanya kaya tinulungan ko siya hanggang sa tinuro niya sa akin ang isang crater kung saan may kung anong bumagsak, pagkatapos ay nagising na ako. Weird pero wala lang, naalala ko lang nang makita ko ang diary mo. Well baka isa lang namang iyon product ng imagination ko.
Isa pa pala may nakita akong picture noon. Actually punit siyang picture tinapon ata ni Mama kaya tinanong ko sa kanya kung sino iyon. She told me na kaibigan ko raw noon pero hindi ko naman kilala. Well, matagal na rin iyon kaya baka sa pagkabata ko ay hindi ko naalala.
Saka 'yong diary ni Lola. May nakasulat na tatlong pangalan na hindi pamilyar sa akin.
Aris, Kin-kin at Rere.
Wala lang naalala ko lang ulit, ang dami ko lang talagang naalala dahil sa diary na 'to.
Noong bata rin ako may nakasalubong akong Doctor tinawag niya ako pero sinabi ni Mama na hindi namin siya kilala. Kahit na binanggit niya ang pangalan ko. Ang weird actually noong bata ako kasi nagising na lang ako noon mula sa mahabang tulog. Unusual hindi ba pero wala naman silang sinasabi sa akin kaya hinayaan ko na lang. Sobrang nangungulila rin ako noon kasi namatay si Lolo at Lola, sobrang sakit isipin kahit ngayon ay hindi ako makapaniwala.
Well Canerato wala namang controversial sa sulat na ito except sa ***** kita. Hahaha
Nagmamahal,
Rae
BINABASA MO ANG
The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)
RomanceShe felt she was sheltered but destiny flipped her life 360 degrees. Her secrets, lies and desperation lead her to claim the truth that prevails. Who is Aris? Psyche #1 @Nicaouise