Kabanata 5

47 4 0
                                    

“Kaya pala absent ka kahapon. Akala ko naman kung anong nangyari sa'yo,” tugon ni Vanessa nang matapos kong e-kwento sa kanya ang nangyari.

“Bakit ba kasi gustong-gusto mo rito? Pwede ka namang sumunod na lang sa Mama mo.”

“I don't know basta ang alam ko masaya ako kapag nandito ako.”

“Kapag ako talaga maraming pera hihilata na lang ako sa kama at matutulog buong araw,” dagdag pa niya.

“Pusa ka kasi, tulog nang tulog.” Si Maximus naman iyon na hindi namin namalayang nasa tabi na pala namin.

“So ano kung pusa ako? Ikaw naman unggoy at saka huwag ka ngang feeling close sa akin. Binusted na kita hindi ba? Ba't ka pa lapit nang lapit.” Sa pagkakataong iyon ay pareho kaming napahagalpak sa tawa ni Maximus.

“Sa mukha mong 'yan liligawan kita ? Ano ka hello? Atsaka maraming nagkakagusto sa akin kahit nga anak ng mayor tapos ikaw lang ang liligawan ko pusa?” Balik na asar ni Maximus. Naiimagine ko ang pamumula at ang imaginary usok na lumalabas sa ilong ni Vanessa.

“Hoy unggoy huwag mo akong ni-la-lang lang ha. Ano naman kung marami ang nagkakagusto sa'yo? Akala mo naman talaga gwapo ka ? Hoy nagkakamali ka dahil sa paningin ko unggoy ka pa rin.” May kasama pang panghahampas ang sinukli ni Vanessa. Kaya ko gustong gusto rito dahil sa kanila, napapasaya nila ako.

Sa gitna ng pag-aasaran nilang dalawa at pagtawa ko ay ang pagsaway sa amin ni Ate Vilma.

“Kanina pa nakatingin sa inyo si Sir. Ang ingay ingay niyo kasi.”

Sabay sabay pa kaming lumingon kay Sir na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa malayo. Mahinang nagsisihan pa ang dalawa kung sino ang may kasalanan.

“Saan 'yan?” Tanong ko kay Vanessa nang makitang may dala siyang black coffee.

“Kay sir, bakit?”

“Ako na ang maghahatid.”

Inilapag niya sa tray ko ang black coffee ni Sir.

“Dahan-dahan sa pagbagsak Rae baka masakit ang tama.” Makahulugan niyang sabi pagkatapos ay kininditan ako. Naiwan akong nagtatanong sa sarili kung ano ba ang ibig niyang sabihin.

Huminga muna ako ng malalim bago ako lumapit sa kanya.

A fool thinks himself to be wise, but a wise man knows himself to be a fool.- William Shakespeare

Napangiti ako habang binabasa ko ang salitang nakalimbag sa sticky notes. Dinikit ko iyon sa kanyang mug.

“Black coffee Sir."”

Hindi na ako naghintay na sumenyas siya. Agad ko itong nilapag at tumalikod. Gaya ng inaasahan ko ay wala itong sinabi. Binasa niya lamang ang sticky notes at sumimsim ng kape.

“Ahead pala ako ng isang taon sa'yo Rae.”

Magkakasama kami ngayong tatlo ni Maximus at Vanessa sa Vhicenten State University. Nasa pangalawang taon na sa Business Administration si Vanessa, habang pangatlong taon naman sa kursong Accountancy si Maximus. Hindi ko naman akalaing matalino pala itong malokong Maximus. Ako naman ay nasa unang taon pa lang sa kursong Business Administration. Unang araw ng klase kaya naman sinama nila akong dalawa, para raw hindi ako mawala. Himala nga na wala akong naririnig na asaran sa kanilang dalawa.

Labas na ng La Grense ang Vhicenten, fifteen minutes na biyahe mula sa La Grense at ang halos lahat ng taga doon ay dito nag-aaral dahil wala namang college sa amin.

“Yung anak ni Ma'am dito din nag-aaral?” Bulong ko kay Maximus. Baka kung ano na naman ang isipin ni Vanessa kapag narinig niya ang pagtatanong ko tungkol kay Sir.

The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon