Kakatapos lang ng shift namin at kasama ko ngayon si Vanessa dahil dadalhin niya raw ako sa plaza. Ililibre niya ako ng street foods, hindi naman ako maarte kaya push lang. Dinala niya ako sa sinabi niyang suki niya raw.
Isang matandang lalaki na mabagal kumilos ang bumungad sa akin. Walang masyadong bumibili sa kanya dahil karamihan sa atin ay mabilis mainip. I truly understand why Vanessa choosed this slow old man over those who work quickly. I salute her for being human, ano ba naman kasi ang kaunting oras na hihintayin mo para makatulong ka sa mga mas nangangailangan. Makikita mo naman kasing nagsusumikap ang tao, kaya bakit nga ba natin ipagkakait ang bagay na makapagbibigay sa kanila ng kaunting kasiyahan.
“Bente pong isaw sa'kin at saka dalawang kwek-kwek.” Pinaulit pa ng matanda ang sinabi ni Vanessa. Inulit ito ni Vanessa ng walang reklamo.
“Sayo?”
Agad akong lumapit at sinuri ang mga tinda niya.
“Pwede ko bang bilhin lahat ng ito tapos ibigay ko sa mga batang pagala-gala rito?” Bulong ko kay Vanessa. Biglang nanlaki ang mata niya.
“Naku Te, alam kong may pera ka pero baka naman ubos na agad ang sweldo mo.”
" Come on hindi naman masama kung mauubos ang sweldo ko rito. At least tumulong ako and that's so satisfying."
Atsaka mapupunta lang naman itong sweldo ko sa savings account ko na gagamitin ko sa pagbili ng mga libro. Why not use it sa mas makabuluhang paraan.Iling-iling niya akong tinitigan habang kinakausap ko si Manong. Kitang-kita ko sa mata niya ang kasiyahan nang marinig na bibilhin ko ang lahat ng paninda niya. I coudn't help it but to return that smile. Sigurado ako kung nandito si Lola ay gagawin niya rin ito. Masyadong malambot kasi ang puso ni Lola sa mga ganitong tao.
“Naku maraming salamat talaga Ma'am, makakauwi na ako ng maaga nito. Alam mo kasi Ma'am birthday ng nag-iisa kong apo, siguradong nalulungkot iyon dahil aakalain niyang mag-iisa na naman siya sa kaarawan niya,” pagkwento niya sa akin.
“Ganun pala Manong, pakisabi po sa Apo niyo happy birthday.”
“Salamat po talaga Ma'am.” Hindi siya magkamayaw sa pasasalamat sa akin na ikinatutuwa ko. Sabi ni Lola hindi raw mabibili ng kahit anong halaga ang bukas na loob na pagtulong sa kapwa. Hindi ito isang character traits na pwede mong bilhin sa tindahan sa tabi-tabi. Libre nga ito ngunit hindi lahat ay kaya itong gamitin.
Nagpaalam ako sa kanya ng may ngiti sa labi.
Bitbit namin ang tatlong plastic na naglalaman ng street foods na binili ko. Hindi magkamayaw si Vanessa sa pagkain habang ako naman ay patikim-tikim lang. Hindi ako pwedeng mabusog dahil siguradong hindi kakayanin ng tiyan ko ang dinner sa bahay.
Nang mabusog si Vanessa pumayag siyang tulungan ako sa pamimigay ng binili ko. Kahit ang mga matatandang namamasyal ay hindi ko pinalampas na bigyan. The simple thank you was so priceless.
Nang maubos naming ipamigay ang mga street foods sa mga street children sandali kaming umupo sa bench malapit sa amin. Masaya pala itong gawin, noong buhay pa ang Lolo at Lola ko mahilig silang magbigay ng kaunting tulong sa mga street children. Pagkain, damit, gamot o kahit anong pwedeng makatulong sa kanila. Ayon nga sa kanila ang mga street children daw ang mga taong pinagkaitan ng isang pamilya. Madaling matukso, kulang sa edukasyon na sa murang edad pa lamang ay kailangan ng sumabak sa hamon ng buhay.
“Alam mo nang unang pasok ko talaga sa Amor Ciego muntikan na akong hindi matanggap. Akalain mo kasing isang simpleng good morning lang ang binigay ko sa anak ng may-ari akala naman nila nagkasala na ako sa batas, ” natatawang kwento niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)
Lãng mạnShe felt she was sheltered but destiny flipped her life 360 degrees. Her secrets, lies and desperation lead her to claim the truth that prevails. Who is Aris? Psyche #1 @Nicaouise