Kabanata 6

38 1 0
                                    

Nawala ang kaba ko nang malaman kay Vanessa na walang nakakita sa ginawa ko noong isang gabi at mukhang hindi rin nagsumbong si Sir sa Mama niya. Mabuti na lang talaga mabait sa akin ang araw kahit na maloko akong tao.

I don't know what indomitable force pushed me to do that. My cielings know how many hours I stared at it thinking about that thing.

“Ikaw Rae ha! tigilan mo si Sir. Bagay nga kayo pero sinasabi kong bawal talaga, bawal!” I blushed. Masyadong sineryoso ni Vanessa ang ginawa ko noong isang gabi. Sino ba naman kasi ang hindi? That was crossing the golden rule of that freaking coffeeshop.

Kasalanan naman niya, kung hindi lang sana siya umupo dun hindi ko maiisip na gawin iyon. Just for example paano kapag may magreklamong customer tungkol sa service ng coffee shop at wala sina Ate Vilma at Ma'am, of course hindi talaga maiiwasang siya ang lapitan. Anak siya ng may-ari, may authority siyang tanggapin ang reklamong iyon atsaka hindi naman alam ng customer niya na bawal siyang lapitan dahil nga the rules was intended only for employees.  Sige Rae, palusot pa, nagiging business minded ka na.

“Akala mo hindi ko narining ang sinabi mo kay Sir? Naku mabuti na lang talaga ako lang ang nakakita sa ginawa mo kung hindi lagot ka kay Ma'am,” mahabang wika niya. Nakasalubong ko siya sa school at bigla niya na lang akong hinila para pangaralan.

“Wala nga akong gusto kay Sir. Basta wala talaga.”

Ilang beses ko bang sinabi iyon sa sarili? Mas lalong akong hindi  makatulog kagabi dahil huli na nang mapagtanto kong nakakahiya pala talaga ang ginawa ko.

Mabuti na lamang at pinakawalan ako ni Vanessa dahil may klase pa ako. Kung wala ay siguradong gisang-gisa ako sa kanya, pinabaunan pa niya ako ng isang matalim na tingin.

Pinagbantaan niya pa akong huwag magpahalatang may gusto ako kay Sir-kahit na wala naman. May bahagi sa akin na sumasang-ayon at may bahagi rin na hindi. Ang gulo, hindi ko alam kung saan ako kakampi.

Tinuon ko ang tingin sa sapatos na ngayon ay basa na. Sa kamalas-malasan ko ngayong araw,  inaantok na nga ako nabasa pa ako ng ulan at ang pinakamasaklap ay wala akong payong. Malapit na ang tricycle sa terminal kaya naman hinahanda ko na ang sarili na bumaba at sumulong sa ulan.

Hindi ko alam kung may galit ba sa akin si tadhana dahil pagbaba at pagbaba ko ay siya rin pagbuhos ng malakas na ulan. Nakasimangot ako habang tinatakbo ang silungan ng terminal. Bahagya akong napadabog nang makitang halos nagkukumpulan ang mga tao sa kakarating lang na bus. Kapag hindi pa ako nakasakay ngayon ay siguradong late ako sa trabaho, kawawa naman ang kapalitan ko na kailangan pa niyang mag extend sa coffee shop.

Umupo muna ako habang panakaw akong tumitingin kung may paparating na bus at sa akin cellphone.Ibinulsa ko  ang cellphone nang dumating ang bagong bus at  pumila sa kumpol ng tao.

Nang marating namin ang La Grense mas lalong lumakas ang ulan. Nanlulumo na ako ngayon sa kung ano ang magiging kapalaran ko kung
mas lalo pa itong lalakas.

Mabibigat at malalaking butil ng ulan ang sumalubong sa akin nang bumaba ako. Hindi na ako nagsayang ng oras tumakbo agad ako ngunit napahinto sa pagtakbo, sa akin nakita sa hindi kalayuan.

Ano ba ang espesyal sa kanya na halos sirain niya ang buong sistema ko. Yes, I'm such a secret wrecker pero kahit kailan ay hindi ito dumating sa punto kung ano ang ginagawa ko ngayon. Unti-unti kong ginalaw ang paang nakapako at ininda ang mabibigat na butil ng ulan na tumatama sa aking katawan. I'm also asking myself if he is worth it? Worth it ba na makilala ko siya? Mapupunan niya ba ang lahat ng katanungan sa aking isip. 

Pinulot ko ang payong na hinulog niya sa tabi. Tinatapat ko ito sa kanya saka ako pumasok sa payong para hindi mabasa ng ulan-kahit na basang basa na ako. Parang hindi pa siya natutuwang pinayungan ko siya, kitang kita ang pagkadismaya niya sa ginawa ko. Humarap siya sa akin at kinuha ang payong sa aking kamay. Akala ko nahihirapan siyang tumayo dahil halos hindi ko siya mapayungan sa kaliitan ko pero mali na naman pala ako. He always surprise me, binitawan niya ang payong. Basang basa na kaming dalawa habang titig na titig siya sa akin at sa unang pagkakataon ay sumilay ang kanyang ngiti na halos nagpalagot sa aking hininga.

The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon