Kabanata 11

32 2 0
                                    

Hawak ko ang diary sa isang kamay habang ang isa ko namang kamay ay may hawak na ice cream.

“Hoy pansinin mo naman ang sinabi ko,” pangungulit ko sa lalaking nasa tabi ko lang. Pilit niyang tinatakpan ang tenga habang nilalayo ang ulo sa akin.

“Steps para maging friendship na tayo, ” ulit ko. Sinamaan niya ako ng tingin.

“Lower down your voice nasa bus tayo,” saway niya sa akin. I licked my ice cream, muntik na akong matuluan sa damit.

“Makinig ka kasi,” bulong ko sa kanya. Kanina ko pa siya kinukulit dahil wala naman siyang planong pansinin ako. Akala ko friendship na kami dahil sa nangyari kahapon, pero parang bumalik ata kami sa una. Well , well akala niya susuko ako dahil nagiging masungit na naman siya, nagkakamali siya dahil lalo ko siyang kukulitin. Kahit na snob at mainising boy Canerato pa rin siya na daig pa ang may PMS sa sobrang sungit, hinding hindi ko siya lulubayan.

“First step we need to establish call sign. Gaya ng besyy , besywaps , preny or besh,” I started.

Salubong ang kilay niya habang nakikinig sa akin. May pakialam din naman pala siy.

“What? You want  honey, babes, sweetypie o darling?” I wiggled my brows and smirked.

Iling-iling niyang kinuha ang notebook at ballpen ko. Tumalikod siya sa akin habang may ginagawa sa notebook ko. Sinubukan kong silipin ang ginagawa niya ngunit isang masamang tingin lamang ang ginawad niya sa akin.

“Bakit mo binura?” Pagalit na tanong ko sa kanya nang makitang dinumihan niya ng ballpen ang sinulat ko sa first step.

Agad niyang kinuha ang earphone niya saka sinalampak sa tenga. Pumikit siya at umusog palalayo sa akin kahit wala na siyang mauusugan. Ang snob ni Kuya.

“Prenny.” Nakatanggap na naman ako ng isang masamang tingin nang sinundot ko ang tagiliran niya. Napanguso ako. Ang sungit sungit naman.

“Prenny.”

Hinuli niya ang kamay kong sumundot sa kanya. Marahan niya itong pinatong sa ibabaw ng binti ko saka sinamaan na naman ako ng tingin.

Ha! Akala niya talaga maapektuhan ako sa pahawak-hawak niya.

Tahimik ako habang mahigpit na hinahawakan ang bag. Hindi ko na sinubukang guluhin muli ang katabi ko dahil tulog na tulog na ito.
Sumilay ang maliit kong ngiti nang makitang mahimbing na mahimbing siyang natutulog.

“Hoy malandi kong bestfriend ano itong nabalitaan ko kay Vanessa na may nilalandi kang boylet?”

Napatakip ako sa tenga sa sigaw na iyon. Walang hiyang Ador may plano atang gibain ang eardrums ko. I immediately locked my door when I saw him heading to my room. Nasa hagdanan palang siya at nagsisigaw na . Feeling bahay niya talaga itong bahay namin.

“Memoriae Vallderama lumabas ka diyan,” he screamed. Malakas ang kalampag niya sa pinto ko. Plano niya atang sirain ito kapag hindi ako lumabas.

Pahamak talaga itong si Vanessa kung minsan. Atsaka hindi ko naman nilalandi si Canerato Boy, slight lang. Kahit na ang sungit sungit niya prenny lang kami.

Ang weird niya actually kasi sa observation ko hindi siya 'yong tipo ng lalaki na magbibigay ng notebook para sulatan ko ng sikreto at kapag may ginawa ako sa kanya may panghahawakan siya. That's too weird actually knowing him and his sides. Atsaka mukhang luma na iyong notebook. Nakakatawa lang isipin na sa dinami-rami ng notebook na pwede niyang ibigay iyon pang notebook ng mga grade one. Kulay pink ito atsaka may Princess Jasmine na design sa gilid. Tapos may burda sa likod, cursive letter Rereyyyy. Hindi ito gawa sa hard paper, basta parang leather. Tapos ang nasa loob ay katulad ng sa mga notebook ng mga grade one.

The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon