Tinulak ko si Harris nang makapasok kami sa loob ng coffeeshop nila. Kaming dalawa lang ngayon, may meet up ata si Montereal. Ewan ko lang kung sino.
Sinalubong ako ni Ma'am Canerato. Inabot niya sa akin ang apron habang si Harris naman ay kumuha ng libro para magbasa. Ngumiti siya sa akin.
“Rae, you can do that.”
She was there. Hindi niya rin ako iniwan. She saw Aris in my face, his struggles, fears and courage. Sinabi ko sa sarili na gagaling ako, hindi lang para sa sarili ko. Gagaling ako para kay Aris, gagaling ako kasama ang mga taong nagmamahal sa akin.
“Masaya akong magaling ka na.”
I'm not totally fine, pero ang puso ko, alam kong masaya ito ngayon. Mas lalo nitong pinapalakas ang loob kong malampasan ang kahit anong dadating na unos sa buhay ko.“Maraming salamat po sa lahat,” I uttered.
Lumapit ako kay Vanessa na ngayon ay todo ngiti rin. Bahagya niya pa akong hinampas ng tray niyang dala. Isa rin siya sa mga nagpalakas ng loob ko.
One this is for sure, kahit anong mangyari hindi nila ako iiwan.
“May namamagitan sa inyo ni Sir?” Bigla na lang akong namula. Palagi niya akong inaasar kay Harris.
“Wala.”
“Parang hindi naman iyon ang nakikita ko,” tudyo niya pa. Natigil lang ang pang-aasar niya sa akin nang magkalaman ang tray niya. Masyadong madaldal kasi.
“Sure ba?”
“Oo nga. Kayo ni Maximus.”
“Ulol! Niligawan ako ni Ador, baklang 'yon.”
Napanganga ako sa narinig. Ador? Vanessa? Ligaw? Amp, totoo 'to?
“Pulutin ko muna panga mo, nalaglag sa sahig Master.”
“Ba't hindi niya sinabi sa'kin?”
“Aba ewan ko.”
“Si Maximus?”
“Nanliligaw din.”
Ah?
“What! Gago totoo? Haba ng hair. Sana ol.”
Tinawanan niya lang ako. Parang sanay na siya, mukhang matagal na atang nangyayari ito, ngayon lang ako na-inform. Ang baklang iyon, proud na proud na ko sa kanya. Hindi baleng hindi maging sila basta proud ako sa kanya.
“Para kang timang,” Harris uttered. Nasa librong binabasa pa rin ang tingin. Napamaang na lang ako habang nilalapag ang black coffee sa mesa niya.
“Ha?”
“Kanina ka pa nakatingin sa'kin?”
“Luh? Hindi naman. Imahinasyon mo lang 'yon.”
“Ok.”
Cold na naman si Kuya kaya tinapik ko siya sa likod. Masyadong seryoso talaga ang lalaking ito minsan. Minsan naman ay namamali siya sa sobrang taranta, nakakaya niyang basahin ang ng pabaliktad ang libro. Special talent ni Boss Harris.
“Magaling na ako Harris.”
“And?”
“Grabe, nakalimutan mo agad?”
Napakamot siya sa ulo sa sinabi ko. Mukha namang hindi niya nakalimutan o sinadya niya talagang kalimutan. Nakakapagtampo naman.
“May tamang panahon para diyan,” he whispered.
“Nakakainis na 'yang tamang panahon mo Canerato.”
“Narinig mo naman lahat hindi ba? Bakit gusto mo pang ulitin?”
BINABASA MO ANG
The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)
RomanceShe felt she was sheltered but destiny flipped her life 360 degrees. Her secrets, lies and desperation lead her to claim the truth that prevails. Who is Aris? Psyche #1 @Nicaouise