Chapter 32

26 0 0
                                    

“Harris naman, bakit gusto mo na namang umuwi sa Pilipinas. Ilang taon na ang lumipas, you should accept the fact  na hindi ka na niya maaalala.”

Harris heaved a deep sigh.

“Mommy! Hindi naman siya ang dahilan.”

“I know you Harris Canerato. So stop pretending like I don't.” Niyakap niya ang kanyang ina, halatang pagod na pagod na ito sa kanya.

“Home schooled ka na nga Harris, masyadong mahirap kapag nasa Pilipinas tayo.”

The little destiny played with them. Nalugi ang coffeeshop ng Mama niya, nagkaroon sila ng maraming utang. Left with no choice, napilitan silang umuwi sa Pilipinas. La Grense was their last hope.

The two-storey building owned by her mother's friend, the last hope. Kahit na may pera naman sila mula sa namayapang ama ay pinili nilang umuwi.

“Amor Ciego? Why?”

“Blind love Harris. Bulag ang pag-ibig, ang pagmamahal ko sa inyo ni Aris. Hindi ko man siya nakikita, hindi mo man ako kayang kilalanin, mahal na mahal ko pa rin kayo, gagawin ko ang lahat para sa inyo.” Harris hugged his mother dearly.

“Blind love,” he whispered.

He stared at her, he saw the necklace. Hindi niya inaasahang makikita niya ulit ito sa loob ng mahabang panahon. Parati niyang tinitingnan ang leeg ng mga nakakasalamuha niya, hoping that one day... Makikita niya ulit ang taong pinagbigyan niya nito. Kahit na impossible dahil hindi ito nakakaalala. Baka nga ay nawala na ang kwintas na iyon, kahit iyon na lang ang huli niyang pag-asa.

Hindi siya makapaniwalang nasa harap niya ngayon ang batang nakilala at naging malaking bahagi ng buhay niya.

Hindi niya alam ang gagawin nang pinalandas ng babae ang kamay nito sa bookshelves. Nang nakita niyang may kukunin itong libro ay mabilis niya itong inagaw sa babae. Bigla na lamang siyang kinabahan kaya imbes na bumati at ngumiti ay tumalikod lang siya.

Pinagalitan niya ang sarili dahil sa ginawa. Kanina niya pa ito tinitingnan. He smiled when he saw her genuine smile. Mabilis ang tibok ng puso niya.

“What are you doing?”

“Ano- binabasa ko lang 'yung title.”

Nilipat niya ang tingin sa libro at sa babaeng nasa harap. Bigla na lang siyang kinabahan kaya hindi niya naiwasang sungitan ito. Hindi niya naman sinasadya, natatakot siyang simulan ang kung ano man sa pagitan nila. Maayos na itong hindi siya kilala ng babae.

“Tss,” he replied.

Inabot niya ang libro say babae. That book, sinadya niya iyon kunin dahil libro iyon not Lolo niya. He know her very well.

Sa pangalawang pagkakataon ay nagawa niya na namang agawan ito ng libro.

Nora Roberts- Summer Pleasure

Gusto niya sanang ibigay ito sa babae dahil mukhang nahihirapan ito sa pag-abot subali't bigla na lang siyang natakot. Parang hindi niya pa kayang kausapin ito. Mas lalo siyang natakot na baka makakasama lang siya para rito, hindi niya kayang sumugal. Naalala na naman niya ang nangyari sa kakambal niya.

“Para hindi ka na mahirapang tingnan ang title.”

Hindi niya inasahang gagawin niya iyon sa babae kaya mas pinili niyang umiwas. Hanggang sa hindi na niya nga ito nakita.

2 years. Dalawang taon siyang naghintay, araw-araw niyang iniisip kung kailan ulit ito papasok sa cooffeshop nila. Kahit na bulag siya at hindi niya nakikilala ang mga tao sa pamamagitan ng mukha, umaasa siyang makikita niya ulit ang kwintas na iyon o kahit marinig niya man lang ulit ang boses nito. He could recognized her, kahit na hindi na sa mata, sa puso man lang sana.

The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon