Hindi ko namalayang titig na titig ako sa kanilang lahat. Napansin iyon ni Mama so she asked me kung may problema ako. Umiling lamang ako bilang sagot.
“Ma, may tinatago ba kayo sa akin?” I voiced out. Napatigil naman ang iba kong pinsan dahil sa tanong kong iyon.
“Meron Rae, pagkain. Matakaw ka kasi,” Kuya Gladio joked to lift up the mood. Humalakhak si Mama at sinang-ayunan ang sinabi ni Kuya. I wished I could laugh like that, kung sana wala lang akong alam baka sumasakit na ang tiyan ko kakatawa.
“Ma kung may tinatago ka mang pagkain sa akin, mas mabuting sabihin mo na lang kung saan nakatago dahil baka ma offend pa ako,” I joked. Pilit silang ngumiti sa akin. Pinagpatuloy ko ang pagkain ng tahimik. Pansin nila sigurong wala ako sa mood ngayon.
Sinundan ako ni Mama sa terrace, inalukan niya ako ng gatas na tinanggap ko naman. Nangingibaw ang katahimikan sa pagitan namin.
Unti-unti kong inuubos ang bigay niyang gatas habang tinatanaw ang kadiliman.
Gusto kong ibuka ang bibig at tanungin si Mama patungkol sa mga gumugulo sa isip ko but I'm too coward. Ayokong dumating kami sa puntong kamumuhian ko siya. Gusto kong itanong kung hanggan saan ba niya ako kayang protektahan.
“You looked so stress may problema ba anak?” Gusto kong sumigaw na malaki Ma, malaki ang problema ko ngunit umiling lamang ako.
“Kapag may problema ka huwag mong sarilinin, kung pwede lang ay magsabi ka sa amin. Nandito lang kami para sa'yo.”
Pinigilan ko ang luhang akmang tutulo sa pisngi ko. Hindi ko akalain na ang inaakala kong perpektong pamilya ay may sikreto palang tinatago sa akin. Masakit lang na nalaman ko pa ito sa iba.
“Salamat Ma.” I hugged her tightly. Ayokong bitawan siya, gusto kong sabihin niyang mali silang lahat, kahit hindi totoo.
“Sige na matulog ka na.” Sinunod ko siya.
Sana nandito si Lola para sagutin ang mga tanong ko sa buhay. Kahit saan tingnan, sabihin man nilang para sa akin ang ginagawa nila, masasaktan ako. Hindi naman kasi ako isang perpektong tao, minsan nadadala rin ako ng bugso ng damdamin kaya hindi nila ako masisisi kung ganito nga ang nararamdaman ko. Daig ko pa ang isang mangmang na kahit sarilinig buhay wala akong alam.
“Kanina ka pa tulala. Hindi lang pala kanina, buong linggo ka ng tulala,” wika ni Vanessa.
“I'm not the Rae I know. Ang alam kong Rae tinago nila, pinagdamot ang alaala,” bulong ko na hindi niya narinig.
“Malakas ba ang tama ni Sir sa'yo?” Agad na napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Paano namang napunta sa lalaking iyon ang usapan namin.
“Gwapo naman talaga si Sir ang kaso sobrang aloof at masungit,” dagdag pa niya. Inaakala ba niyang dahil sa lalaking iyon tulala ako? My gosh iba rin ang tama ni Maximus sa babaeng ito, no offense kay Ador. Team Ador pa rin naman ako kahit anong mangyari.
“Kung ano-ano ang mga iniisip mo, bahala ka nga diyan,” saad ko nang mapikon sa pamimilit niya na si Canerato boy ang dahilan kung bakit ako natutula. Tatlong araw ko na ngang hindi nakikita ang lalaking iyon. Hindi ko naman siya iniiwasan, mas minabuti ko lang umuwi ng maaga dahil palagi na lang akong pagod at sumasakit ang ulo.
Bakit ba kasi komplikado ng buhay ko. Hindi ba pwedeng tahimik na lang ito. Sabagay ang boring naman kung walang thrill, pero hindi ko naman sinabing ganito ang thrill. Kung totoo man ang reincarnation siguradong pasaway ako sa mga naunang buhay at ngayon ay pinaparusahan ako ng tadhana. Hindi ba pwedeng kalimutan na lang ni tadhana ang mga kasalanan kong iyon, nagbago naman ako.Crazy.
Dumaan muna ako sa banyo bago pumasok sa room. Pinagmasdan ko nang mabuti ang babaeng kaharap ko sa salamin. Mukha itong walang tulog ng ilang araw, itim na itim ang ilalim ng mata. Panay din ang hikab at kung titingnang mabuti ay nangayayat ito. Bakit ba kapag may problema ang tao pumapangit ang mukha nito. Hindi ba pwedeng gumanda man lang ng kahit kaunti, pambawi lang ng tadhana sa pang-aasar niya. Parang pasan pasan ko na nga ang mundo pati ba naman mukha ko kailangan ko pang problemahin?
Hindi talaga ako matatahimik kung hindi ko malalaman sa kanila kung ano ang sakit ko. Walang sino man ang makakasagot kung hindi ang pamilya ko lamang pero paano ko magagawa iyon kung naduduwag ako.
Natatakot ako sa maaaring mangyari. Hanggang kailan ko kayang tiisin ang lahat ng ito? Malapit na malapit na akong mabaliw.Nanghilamos ako at nag-ayos muna bago lumabas. Sumalubong sa akin ang hampas ng hangin na gumulo sa aking buhok. The years I lived seems a dream, the reality hit me so hard. Hindi pala isang fairytale ang buhay. Hindi sa lahat ng oras kailangan mong manatili sa comfort zone mo, may mga pagsubok pa lang dadating sa buhay mo. Minsan gugulatin ka na lang, sasaktan ka ng sobra.
Parang baliw akong naglalakad sa hallway nang nakatulala. Himalang wala akong nabangga at maayos na nakarating sa room namin.
Nang makita ako ni Montereal agad niya akong nilapitan. Seryoso ang mukha niya taliwas sa mood niya noong unang pag-uusap namin. Mukhang pati siya ay naapektuhan na sa mga nangyayari sa akin. Siya naman kasi ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Dapat nga akong magpasalamat dahil kung hindi niya pinamulat sa akin ang katotohanan baka hanggang ngayon ay wala akong kaalam-alam. Ano ba ang mas mabuti? Iyong masaya ka nga wala ka namang alam o alam mo pero nasasaktan ka naman. Ang hirap namang pumili.
“Mukha kang zombie.” I raised my hands up.
“Stop. Alam kong pangit ako ngayon,” wika ko.
“Hindi ko sinabing pangit ka, ang sabi ko lang mukha kang zombie,” pagtatangol niya sa sarili. Pampalubag loob ganun?
“Oh? Ano ba ang hitsura ng zombie?”
Bigla siyang napaisip sa tanong ko.
“Pangit?” Inosenteng tanong niya. I rolled my eyes. Exactly.
“Pero hindi naman ganun ang ibig kong sabihin.” Bumalik na siya sa pagiging madaldal at makulit.
“Uy Montereal, may crush ka ba kay Vallderama.”
Napatigil kaming dalawa sa tuksong iyon. Halos lahat ng classmate ko ay nakatingin na ngayon sa amin. Mukhang nakuha namin ang atensyon nila dahil sa kakulitan ni Montereal.
Nagulat ako nang inakbayan niya ako.
“Ano ba kayo first love ko kaya 'to,” buong pagmamalaking saad niya. Hinampas ko siya nang malakas. Mga kalokohan talaga ng lalaking ito.
“Huwag kayong maniwala diyan.” Agad kong inalis ang kamay niyang nakaakbay sa akin. Bumalik ako sa upuan namin at nang sumunod si Montereal lalong lumakas ang tukso sa aming dalawa.
Seriously sa lahat ng tao si Montereal? Hindi kaya ng imahinasyon ko.
“Off limits na tayo diyan. May pinangakuan ng iba 'yan.”
Umangat ang tingin ko kay Montereal sa sagot niyang iyon. Nang nakita niya ang pagkalito sa mukha ko sinagot niya ako ng ngiti at lumabi siya sa'kin.
Aris
Sino si Aris at bakit ganito ang epekto niya sa puso ko? Napabuntong hininga ako at iniwas ang pandinig sa mga tukso nila sa akin.
Abala si Montereal sa pakikipagusap sa kanila habang ako naman ay lumayo ng kaunti. Hindi naman kasi kami close at saka wala naman akong masasabi.
Hindi ko pa nalulunod ang sarili sa pag-iisa inakbayan na ako ni Montereal. Kahit sinong tao kung pagbibigyang ng pagkakataong e-describe si Montereal sigurado akong sasabihin nilang makulit, maingay at nakakairita.
“If you want to know who's Aris then ask your Mom. Maging matapang ka, harapin mo na sila. The more you prolong the agony, the bigger the damage.”
“You know I can't Montereal. Kapag pinilit ko ang kagustuhan ko gugulo ang pamilya ko at ayokong mangyari iyon.”
“Minsan sa buhay kailangan may gumulo at hindi sa lahat ng oras ikaw lang ang dapat mag-ayos nito.”
BINABASA MO ANG
The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)
RomansaShe felt she was sheltered but destiny flipped her life 360 degrees. Her secrets, lies and desperation lead her to claim the truth that prevails. Who is Aris? Psyche #1 @Nicaouise