Kabanata 18

18 2 0
                                    

“Ang kj mo naman Ador, iinom lang naman tayo.”

Bahagya akong tinulak ni Ador sa ginagawa kong pamimilit sa kanya. Canada boy naman itong si Ador bakit kaya nagiging kill joy na siya.

“Papayag ako kung iba ang magyaya pero ikaw? Ayokong maagang mawala sa Earth day, hindi pa akong kina-crush back ni crush.”

Ang arte ng walang hiyang bakla, sarap ipakain sa pating. Para namang may pag-asa siya kay Vanessa na baliw na baliw kay Maximus. Asa na naman siya, kawawa naman itong kaibigan ko.

“Ang arte kala mo naman pogi,” bulong ko sa sarili.

“O siya, kung hindi mo ako sasamahan, edi wag. Huwag na huwag kang sumama kung malaman-laman mong isasama ko si Vanessa at Maximus. Bahala ka na diyan,” pananakot ko. He immediately pulled me toward him. Ngayon ay magkalapit na kami.

“Huwag naman ganda. Ako ang prenny mo hindi ba? Sa'kin mo na lang ibigay ang moral support mo. Kahit moral support na lang.”

Pigil na pigil ako sa tawa habang nakatitig sa kanya. Mukha siyang baliw na hindi ko maipaliwanag kung natatae ba siya o ano. Minsan nakakaawang makita si Ador na nagkakaganito pero madalas talaga nakakatawa.

“Samahan mo na kasi ako and promise me na hindi ka magsusumbong kay Mama.”
He rolled his eyes.

“Oo na, basta huwag mong e invite ang kahit sino sa dalawang iyon,” he warned. Ako naman itong napaikot ang mata sa sinabi niya. Akala naman niya marami akong pera panlibre.

“Pero seriously Rae? Hindi naman ikaw ang klase ng tao na umiinom except kung may problema ka. Tapatin mo nga ako, meron ba?”

Gusto kong sumagot na oo, but I ended up nodding my head and saying no. Kahit na hindi siya kumbinsido sa sagot ko ay tumango na lamang siya. Ador know me more than anyone else, alam niyang may kakaibang tumatakbo sa isip ko pero hindi niya iyon sinasabim Tatango lang siya kahit na alam niyang merong mali, kapag alam niyang wala kang balak na mag share hindi ka niya pipilitin. Hinintayin niyang ikaw mismo ang magsasabi sa kanya kung ano ang mga problema mo.

“Let's go na babae. Tama na ang paganda baka ma fall ako sa'yo,” he joked that made me disgusted. Hinayaan ko na lamang siyang pagpantasyahan ang kagandahan ko, hindi naman sa pagmamalaki.

Tinulak niya ako pababa sa kanyang kotse nang pinarada niya ito. I glared at him when he mumbled something. Tutol na tutol talaga si bakla na samahan ako rito. Well wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang samahan ako.

I adjusted my vision when I saw flickering light all over the establishment. Medyo masakit sa mata, hindi pa naman ako sanay sa mga ganitong lugar.

With my faded jeans, off-shoulder and snickers I felt so out of place. Napalabi na lang ako sa mga dumadaang babae. I know how party girls dressed but I never know it really looked like this. Nalugi na ba ang fabric industries na kinukulang sa tela ang mga suot nila.

The party was hyped and now I realized tama naman pala ang dress code nila. Pawis na pawis ako sa gitna ng dancefloor. Sino ba naman kasing tanga na balot na balot ang sarili? Ako po 'yon. Panay din ang hila ni Ador sa akin papalayo doon. Ilang beses ko siyang tinulak at tinakasan dahil ang kj niya talaga.

Pakiramdam ko may kasama akong senior citizen sa ginagawa niya. I shoved him away and told him mind his own business but his consistency was so rigid.

Ang iba ay lantarang pinapakita ang interes nila sa akin but I neglected it. I'm here for party so I don't care. Kung si Magie siguro ang kasama ko siguradong pinapalibutan na siya ngayon ng mga lalaki at kung hindi lang nagkagusto si Ador kay Vanessa baka naghahanap na siya ngayon ng lalaki niya. Nakakasuka namang isipin.

The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon