Kabanata 12

23 2 0
                                    

“I told you hindi ba? Stop giving me sweets,” naiirita kong pahayag sa katabi.

“You know you're impossible. Ilang beses na akong nagpapapansin sa'yo hindi mo pa rin ako nakikilala?" I shut him up using the gummy bears. I rolled my eyes when I saw him struggling chewing it all.

“Kanina ko pa sinasabi sa'yo na wala akong naalalang nahospital ako, ” irita kong pahayag. Kanina niya pa ako kinukulit na nagtatampo siya dahil hindi ko raw siya nakikilala. Like mukha ba akong kandidato na dapat makilala ang lahat? He also told me I once meet him in the hospital. Mukha ba akong Doctor?

“Hindi nga ako na hospital kahit kailan. Baka ibang tao ang sinasabi mo,” dagdag ko pa.

“But your name is Rae 'd ba?”

I nodded.

“Edi ikaw 'yun.” Confident na confident siya sa mga sinasabi habang nginunguya ang candies .

“Hindi nga,” I insisted. This Rayken Montereal is getting into my nerves.

“Nah nah, paano naman kita makakalimutan? You invaded my young and peaceful self that time. You know ikaw ang first love ko,” aniya. Halos masuka ako sa mga narinig. That was so straightforward and at the same time gross.

“Don't touch me you pig!” I exclaimed.

“Hindi mo talaga naalalang na hospital ka? As far as I remember magkatabi ang room natin noon atsaka, may lalaki ka ngang palaging kasama noon,” he started, again.

“Hindi nga ako na hospital kahit kailan. As in never ever,” ulit ko.

“I know ikaw talaga iyon. Look, kung binibiro mo lang ako hindi magandang biro ito. Ang sama talaga ng loob ko 'nung hindi mo ako pinansin sa group project natin. Mukhang wala namang pag-asang maalala mo ako, na naiintindihan ko dahil alam kong mas lalo akong pumogi.”

Mahangin.

“But seriously my point is, I decided na mag first move and now nakatulugan mo na at lahat lahat wala ka talagang naalala? Inaasahan kong tatanungin mo ako kung bakit ako pamilyar and so on,” aniya.

Marahas ko siyang pinaharap sa akin. Binigyan ko siya ng isang plastik na ngiti.

“You know what stop eating sweets, nagmumukha kang high,” wika ko. Mahina niya akong tinulak saka kinuha ang mga bukas na candies.

“You called him Aris.”

“Who?”

“The boy you always with,” sagot niya.

Aris? Sa tanang ng buhay ko wala pa akong nakikilalang Aris. I tried recalling it pero wala talaga. Inisip ko na lang na baka pinagtritripan lang ako ni ball of sunshine. Baka nga.

“Ma,” tawag ko kay Mama na ikinalingon ng iba kong Tita. Masaya kaming naghahapunan sa hapag.

“Na-hospital po ba ako noong bata ako? I know sobrang weird nito kasi wala namang akong naalala but someone keep insisting it,” pahayag ko. Nawala ang ngiti niya sa mukha.

“Ano pa ang sinabi niya Rae?” Mausisa niyang tanong.

“Hindi lang naman siguro ako ang may pangalang Rae Vallderama sa La Grense, 'd ba Ma?” Tanong ko nang hindi sinasagot ang tanong niya. I'm trying to convince myself since he told me that. Dapat biro lang ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya pero hindi mawala-wala sa isip ko.

“Huwag mong intindihin ang sinabi niya Rae or better iwasan mo ang kung sino man ang gumagawa ng kwentong iyan,” si Tita Flos iyon. Namumutla si Mama. Pilit niyang iniiwasan ang matanong kong titig.

The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon