Kabanata 23

23 2 0
                                    

Palagi kong iniisip na gagayahin ko si Lola, magiging malakas ako katulad niya. But I ended up being weak, shattered like a broken glass.

Napatitig ako sa results na binigay ni Mama sa akin. A traumatic injury in my frontal lobe that caused my memory lose. Hindi ko kayang bitawan iyon lalo na nang makita ko ang nakasulat dito. Bakit ganito?

Once upon a time I met an accident. An accident that totally changed my life. Para akong nasa fairy tale at ang sakit ko ang wicked witch.

Nayukom ko ang kamao sa pagpipigil ng luha.

“Ma? Ano 'to?” asked helplessly.

“Tama ang lahat ng iyan anak, I'm sorry. I'm desperate, ang gusto ko lang naman ay ang gumaling ka sa sakit mo at hindi iyon mangyayari kung patuloy mong maaalala ang nakaraan.”

Magagalit ba ako kung ang gusto niya lang ay ang ilayo ako sa mapanakit na tadhana.

“Paano? Paanong ganito? Paano ako naaksidente?”

“That's when you chased him.”

Nakunot ang noo ko sa sinabi ni Mama.

“Hinabol mo siya nang hinabol. You wanted him to stay and he did pero may hangganan ang lahat, kahit na nahihirapan na siya sa sakit niya ay nanatatili siya. That child was suicidal. Kahit na sa murang isip niya ay tumatak sa kanya na maybe his death will be his escape.
You loved him so much that you couldn't let him go. You loved your friend so much na humantong sa pinakamasakit na parte ng buhay mo. Nabangga ka ng kotse, we sued that reckless driver. Pinakulong at lahat lahat na pero alam mo bang kami pa rin ang talo? Kasi nawala ka sa amin Rae. We lost you.”

Hindi maawat ang mga luha sa mata ni Mama. Literal na napako ako sa aking kinauupuan. Unti-unti kong napagtatanto ang lahat. Ako! Ako ang may kasalanan kung bakit namatay si Aris.

“You cried helplessly habang hinahabol mo siya. Sinisigaw mong huwag ka niyang iwan. Hindi siya nanalo sa sakit niya, you just couldn't let him go kaya siya nanatili sa hospital na iyon. Sumuko na siya anak  but when you came he decided to stay, not for his recovery but to help you and Montereal. Masakit anak na kahit ako ay hindi ko matanggap ang nangyari sa inyong dalawa.”

Karapat-dapat ba akong mabuhay? Ang sakim ko para ipilit na manatili siya, naging pabigat ako sa kanya.

“Ma please help me, gusto kong makaalala. Gusto kong maalala ang mukha niya, marinig ang boses niya, gusto kong maalala kung sino siya Ma.”

Pinagpalo ko ang ulo ko. Gusto ko itong saktan para makaalala. Niyakap ako ni Mama nang napakahigpit.

“Gusto kong maalala si Aris,” halos pabulong kong saad dahil nagiging malabo ang boses ko sa labis na pag-iyak.

“Mama please, sino si Aris? I hate myself. Dapat ako na lang nawala. I'm useless and failure. Bakit siya pa Ma? Bakit ang selfish ko?”

Mali si Montereal. Hindi ako ang matapang na Rae, si Aris ang matapang. Siya ang lumalaban para sa amin.

“Tama na Rae, huwang mong sabihin iyan. Siguro ay oras na niya iyon.” Mahigpit ang yakap ni Mama sa akin. Hindi ko kayang isipin na pinatakas ako ng aksidenteng iyon para saan ba? Iligtas ako sa sakit? Iligtas ako sa katotohanang ako ang dahilan kung bakit namatay si Aris.

“Paano ko gagawin iyon Ma? Paano ko gagawing tumigil? He suffered for a long time habang nabubuhay pa siya, bakit pati maayos na libing pinagkait sa kanya? Bakit ang sama ng buhay sa kanya Ma?”

“Nasa maayos na kalagayan siya Rae kung nasaan man siya ngayon.”

“Hindi pa rin nakikita ang bangkay niya hanggang ngayon Ma. I'm so selfish,kung hindi niya ako nakilala baka may pag-asa pa siyang gumaling. Baka hindi ganito. Sana hindi na lang siya nanatili, sana hindi na lang ako nabangga.”

The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon