Kabanata 15

26 2 0
                                    

“Tara na Rae.”

Agad na napaangat ang tingin ko kay Montereal. Nililipad na naman ng mga kung ano-ano ang isip ko. Maliit na ngiti ang binigay ko sa kanya bago sumunod sa bus papuntang La Carta. Minsan na rin akong nakapunta doon. Nagsisitaasan na ang mga gusali doon kaysa sa La Grense. Mabagal kasi ang takbo ng pag-unlad ng La Grense dahil na rin sa kahirapan.

“Dito ka na sa bintana, nasusuka kasi ako.”

I followed him even though I didn't liked the idea of sitting near the window. Hindi naman ako papayag na sukahan niya lang ako. Masyadong ma-pustora ako ngayon at hindi iyon mabibigyan ng hustisya kung mapupuno lang ito ng nakakadiring suka ni ball of sunshine

Nang lumabas ang bus sa La Grense mapunong gubat ang sumalubong sa amin sa La Carta. Binaling ko ang lahat ng atensyon sa mga tanawing nakikita, mabuti na lang tulog na tulog si ball of sunshine dahil kung hindi ay aabutan na naman niya ako ng mga sweets niya. Hindi na ako magugulat kung magkakaroon ang lalaking ito ng diabetes.

Naunang bumaba si Montereal sa bus. Maingay ang terminal, mga tinderang nag-aalok ng kendi, chichirya saka nilagang mais. I'm not hungry but the weather made me look like it. Mainit na mainit kaya mabilis na nawala ang tingkad sa mukha ko.

He lead the way. Masunurin naman akong tao kaya kahit na dinala niya ako sa isang masikip, matao at magulong lugar ay sumama ako ng walang reklamo. At first I thought he will going to see someone before heading home. Iyon pala ay pinagtritripan niya lang ako para mapagod raw ako at gagapang na lang papunta sa bahay niya. It sounded like a threat but I ignored it.

Sana pala naniwala ako sa mga boses na bumubulong sa isip ko. Nang makababa kami sa tricycle bumungad agad sa akin ang lubak-lubak at malayo-layong lalakarin.

Muntik na akong umurong kung hindi lang ako tinulak ni Montereal. Gusto ko sana siyang bigwasan pero naisip kong mas mabuting ilaan ko na lang ang energy sa paglalakad.

“You crummy human. Hindi mo naman sinabi sa'kin na may kasama pala itong pagdurusa, edi sana hindi na ako nagpauto sa'yo.” Nakahawak ako sa tuhod, humihingi ng supporta dahil ano mang oras ay matutumba na ako sa pagod at init.

“May bahay talaga kami sa sentro ang kaso nandito ngayon si Mama sa bahay ni Lola.”

”Bakit hindi na lang sa sentro?”

Nagdadabog ako sa inis sa narinig mula sa kanya. Mayroon naman palang choice bakit dito niya pa ako dinala?

Again, bakit ba lagi na lang akong nauuto?

Pinilit kong itaas ang mood nang makarating kami sa bahay ng Lola ni Montereal. May hustisya naman pala ang paglalakad namin ng napakalayo dahil sa napakagandang tanawin and of course isama na rin ang masasarap na pagkain na nakahain sa mesa.

“I missed you so much Hija.”
Mahigpit ang yakap sa akin ng matandang babae na sa tingin ko ay ang ina ni Montereal. I'm shocked. Pinanlakihan niya ako ng mata so I hugged his mother back.

Nang bitawan niya ako ay 'dun lamang ako nakahinga ng maluwag. Nang-iimbita ang ngiti niya sa akin, so I decided to return that genuine smile

“Ang laki mo na. Huli kitang nakita kulang-kulang pa ang ngipin mo ngayon ay dalagang-dalaga ka na.”

Wala akong masagot kung hindi ok , opo o talaga po. Nang wala siyang makuhang matinong sagot sa akin hinila niya ako sa lamesa. My eyes twinkled when I saw the foods. Mukhang masarap ang lahat ng nakahain.

“Kamusta ka na Hija ? How about your mothe, kamusta na si Bella?”

Bigla akong kinabahan sa tanong niya. Kilala niya si Mama, hindi naman siguro nagkataon lang na magkapareho ang pangalan ng Mama namin ni Rae na sinasabi ni Montereal. I nodded casually, nagpapanggap na hindi naman ako naapektuhan sa mga tanong niya. Deep inside, malapit na akong sumabog sa kaba. Pakiramdam ko ay sa una pa lang may mali na. I tried remembering things from the very start at pakiramdam ko lahat ng nangyari may mali.

The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon