Kabanata 14

23 1 0
                                    

Inangat ko ang tingin sa babaeng tumawag sa pangalan ko. Seryoso ang mukha nito. Nawalan agad ako ng boses nang makilala kung sino iyon at tila naging sunod-sunuran nang sinabi niyang sumama ako sa kanya.

Sa tanang ng buhay ko hindi pa ako kinabahan ng ganito. Pinilit kong kinakalma ang sarili ngunit wala itong epekto.

Sabi ni Mama ang pamilya raw ang pundasyon ng isang tao. Saan ka man makakarating, babalik at babalik ka sa pamilya katulad ng pagbalik mo sa iyong tahanan.

Kaya kung ano man isusumbat ng ina sa akin, hinding hindi ko siya masisisi. Natural na sa ina ang mag-alala sa kalagayan ng anak. The greatest love of all is the love of mother to child.

”Hinihintay mo ang anak ko?” Mahinahon niyang tanong. Tumango ako bilang sagot.

Kung sisigawan niya ako o mumurahin sa harap ng maraming tao, kahit na mahirap pipilitin kong intindihan siya.

“Masaya siya. Ngayon ko lang nakita na ganito ang anak ko,” wika niya.

Napaangat ang tingin ko sa sinabi niya. Kitang kita ang saya sa mukha nito.

Bakit ba ang ina hindi nakakayang tiisin ang anak? Ang ina ay katulad ng tahanan, lumayo ka man handang handa ka nitong protektahan kapag bumalik ka na sa piling niya.

“Ngunit kung ang kapalit ng sayang ito ay hindi hamak na mas malaki kaysa sa sayang nararamdaman niya, mas gugustuhin ko na lang na magalit siya sa akin dahil inalayo ko ang kasiyahang iyon sa kanya,” pagpapatuloy niya. Muli akong yumuko at mahigpit na kumapit sa laylayan ng aking uniporme.

Her eyes voiced how distress she is. Kung naghihirap ang anak sa sakit  mas naghihirap ang ina na makita iyon. Hindi lang doble o triple ang paghihirap niyang iyon.

“Hindi ko po siya kakalimutan o iiwan. I promised to him that no matter what will happen mananatili ako sa tabi niya.” Her brows creased. I swallowed very hard.

“What do you mean?”

“Sabi niya sa akin may Athazagoraphobia raw siya. Hindi ko alam kung ano magagawa nito sa kanya, ngunit pinapangako kong hindi ko siya iiwan o kakalimutan gaya ng kinakatakot niya. I am willing to risk everything.” Takot akong hindi niya ako papaniwalaan sa sinabi ko.

“Athazagoraphobia? Naririnig mo ba ang sarili mo hija o nakalimot ka ba?”
Pasigaw niyang tanong sa akin. I want to burst into tears but I contained myself.

Bigla na lamang akong nalito sa sinabi niya. Bakit ba sinasabi nila na nakalimot ako kahit hindi naman. Hindi lang si Montereal ang nagsabi nito sa akin, kahit na ang ina ni Canerato ay parang alam na alam kung sino ako. Nasaan na ba ang nawawala kong alaala? Bakit hindi ko mahanap.

“Hindi mo ba alam kung ano ang mangyayari kapag pinagsama kayong dalawa? Magiging mahirap ang lahat, hindi lang para sa anak ko, mas magiging mahirap ito para sa'yo.” Ako naman itong nakakunot ang noo sa sinabi niya. I don't mean harm or anything pero bakit parang sinasabi niyang biktima rin ako rito.

Sino nga ba ang mga taong nagsasabi sa akin na nakalimot ako.

“Hindi ko po kayo naiintindihan. Wala po akong naalala o nakakalimutan,” wika ko.

" Hahayaan kitang dumikit sa anak ko, kapag dumating na ang oras na sinasabi ko sigurado naman akong ikaw na mismo ang lalayo. Hindi naman kita mapipilit na layuan mo ang anak ko, I know how stubborn you are."

“Do you know me?” I desperately asked.

“I'm so confused, I'm sorry.”

Hindi niya ako sinagot at minabuting titigan na lang ako nang mabuti.

The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon