“Bakit ka naglasing Rae? Ano na naman itong ginawa niyo ni Ador?”
Mahigpit akong kumapit sa couch. Lalo lamang lumala ang sakit ng ulo ko dahil sa sigaw ni Mama. Tahimik si Ador na nanginginig sa takot. Mahigpit ang kapit niya sa dulo ng damit ko at panay bulong sa akin. Nakapameywang si Mama sa harap habang ako naman ay sapong-sapo ang ulo dahil sa sakit.
“Hindi kita pinalaki ng ganito Rae at ikaw naman Ador stop tolerating her attitude.”
I could feel the raging blood inside my body. I ignore her whispers but I know, I couldn't.
“Hindi porket hinahayaan kita aabusuhin mo. Hinayaan kitang magtrabaho kahit na hindi mo man lang sinabi sa akin.”
Her voice ringed every cells in my body. I could feel shits traveling all over my system. Para itong lason na unti-unti nilalamon ang buong isip ko. The blood inside my capillaries covered my vision.
“Kung ganito ka rin naman Rae mas mabuting lumipat na lang tayo. Dun sa Sta. Isabella.”
That was my cue to stand up. Hindi ko na inisip ang susunod na sasabihin. Basta ang alam ko kailangan kong maipalabas ang lahat ng hinanakit ko sa sarili.
“Gusto mong takasan ang katotohanan? Are you going to hide it again? Hindi ka ba nagsasawa sa ilang taong ginagawa mo iyon sa akin.”
I pushed Ador when he tried shut me up. His eyes are pleading.
“At ano namang itong inaakusa mo sa'kin Rae? Huwag mong subukang iliko ang usapan.”
Mapakla akong tumawa. Nakakainis.
“Tama na Ma, tama na ang pagpapanggap na kunwari wala kang tinatago sa akin,” I shouted. Hinila ako ni Ador, pilit na pinipigilan pero wala siyang magagawa dahil mapilit ako. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Rae huwag mo akong akusahan ng kung ano anong bagay.” Kitang kita ang hindi mapakaling kilos ni Mama. Her hands were trembling. Gusto ko siyang yakapin at sabihing naniniwala ako sa lahat ng sinabi niya
pero hindi ko magawa. Pinipigilan ako ng sakit.Mapakla akong napatawa. Hindi ako makapaniwalang itatanggi niya iyon kahit na harap-harapan ko ng tinatanong sa kanya. Why can't she give me what I want. Anak niya ako at hindi kung sino lang.
“Ma for the last time. Nagkasakit ba ako minsan?”
Her face remained authoritarian. Her superiority always made me believe that she is the loving and over protective mom I know. Hindi pala ganun iyon. Maybe I lived a fancy life but how life revenge on me is harder than I thought.
“Bakit hindi mo ako masagot? Ang hirap hirap ba talagang sagutin ang mga tanong ko?” She remained standing staring at me nervously.
“Sino si Montereal? Bakit niya ako kilala? Bakit paulit-ulit niyang sinasabi na may sakit ako pero hindi ko naalala. Sino sila Ma?”
Pilit akong nilapitan ni Mama pero lumayo ako. Hindi siya nagsasalita at nanginginig ang kamay. Ramdam na ramdam ko ang maliliit na butil ng pawis sa aking noo.
“Huwag mo akong lapitan Ma, sagutin mo ako,” I shouted.
Napatakip siya ng bibig nang tinulak ko siya palayo sa akin. Hindi ko sinasadya pero tinigasan ko ang loob. Pinigilan ko ang sarili na daluhan siya sa pag-iyak niya. Hindi ko pa nakita si Mama na umiiyak ng ganito. It's really hard when you need to choose between love and truth.
Her cries was full of pain and regrets. Lumabas na rin ang iba kong pinsan dahil sa iyak ni Mama. Nilalayo ako ni Ador kay Mama pero patuloy ko siyang tinutulak.
BINABASA MO ANG
The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)
RomanceShe felt she was sheltered but destiny flipped her life 360 degrees. Her secrets, lies and desperation lead her to claim the truth that prevails. Who is Aris? Psyche #1 @Nicaouise